Kabanata 50: Alaala.

Start from the beginning
                                    

Isenenyas pa nito ang kamay na parang nagsasabing magpatuloy.

"P-Pinagsisihan kong nakinig pa ako s-sayo, nag sisisi ako dahil ginamit mo pa ako para lang magkahiwalay kayo ni ama, tapos.. T-Tapos.. Ma.. G-Gusto ko lang naman na isama mo ako, tinupad ko lang naman ang kundesyon mo sa pangakong sinabi mo.." nanghihina at puno ang hinanakit na saad nito.

Ngunit maya maya lang, sa unang pagkakataon ay matalas at matapang ang tingin nito sa lalaking kaharap.  Ito ang kauna unahang pagkakataon na makitang nagalait ang dalaga.

Nakangiti na ng malaki ang lalaking kaharap. Na para bang natuwa sa pagbago nito ng asta. Nakalahad na ang kamay nito sa dalaga.

"G-Gusto kong Ma-

Bigla akong nabalik sa reyalidad habang nanlalaki ang mga mata, bahagya pa akong napaubo at napahawak sa dibdib.

nawala narin ang pananakit ng ulo ko pero nanatili parin akong nakahawak sa lupa at hinahabol ang paghinga.

Nanghihina.

Marahas kong hinarap ang lalaki na ngayon ay nakatayo parin sa harap ko mismo. Nag uumapaw parin ang awra nito na talaga namang nakaka intimida sa sino mang nakakakita, nasusunog narin ang lupang kinatatayuan nito.

Magsasalita na sana ako, ngunit nagulat ako ng hinigit nito ang buhok ko at pwersahan akong itinayo mula sa pagkasalampak. Iniwasan kong di mapahiyaw at indahin nalang ngunit..

Arghhhh!!

"Ayaan.. Napakasarap sa tenga ng iyong hiyaw. Isa pa nga binibini. ." saad nito na parang nauulol na at mas hinigit pa ang buhok ko. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako humiyaw at piniling indahin ito. 

Patuloy ito sa paghalakhak ng parang baliw at maya maya lang ay may  binulong ito sa sarili. Hindi ko ito halos marinig kaya isinawalang bahala ko lang at ininda ang anit ko na mukhang lalayo na sa bungo ko sa sobrang sakit.  Lecheng lalaki to!

Napapikit nalang ako sa pagka-inis sa sarili.

Ito ang kauna unahang pagkakataong maranasan kong masabunutan. Kahit sa military combat training ko ay hindi kami umabot sa ganitong paraan ng pisikalan, kahit babae man kaming kilalanin.

Gusto ko mang manglaban pero sa hindi malamang dahilan ay di ako makagalaw. Pinilit kong ilibot ang tingin sa boung paligid upang sumulyap sana sa mga bata at kay lena ngunit..

nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng mapagtantong wala na kami sa kung saan kami kanina.

Paanong?

Anong klaseng abilidad ito. Hindi ko man lang napansin na nagawa nyang ilipat ako at napadpad kami sa isang malawak at madilim na lugar.

Napapalibutan ako ngayon ng maraming kadena na malayang umiikot sa aming dalawa. Maya maya lang ay naramdaman kong may gumapang narin sa mga binti at kamay ko at dun ko napagtantong nagawa na nitong nagapos ako sa paraang bago saakin. Nararamdaman ko ang enerhiya ng mga kadena at alam kong gawa ito sa magic. 

Naglakad sya ng ilang hakbang palayo habang di inaalis ang tingin saakin. Naka krus ang mga braso nito at mukhang nasisiyahan sa nakikita sa harapan.

Wala akong ibang magawa, kundi ang samaan nalang ito ng tingin.

"Natuwa kaba sa mga laruan ko binibini? Napaka ganda nila hindi ba?" tukoy nito sa mga makalawang na kadena na umiikot saamin na parang may buhay ito. Napansin ko rin na ang bawat dulo nito ay talagang matulis.

Tinignan ko lang ito at hindi sinagot. Sa pagkakatong ito ay huminga nalang ako ng malalim at nagisip ng maaring gawin sa kinalalagyan ko.

"Ay dedma?"  biglang saad nito at napangiwi saakin. Biglang namoo ang matinding inis ko sa loob ko. Pakiramdam ko ay sa dating buhay ni clara ay inaabuso nito ang pagiging mahina ng dalaga.

Nandon rin ang pakiramdam na may malaking pakay ito sa akin ngunit mas pinili pang magpadaloy daloy.

Huminga ako ng malalim bago inis na nagsalita.

"Hindi ko alam kong ano ka o anong kakayahan man ang tawag sa meron ka. Pero hindi talaga kita nakikilala, kaya kung pwede lang? Kung pwede lang TOTOY e alis mo ako sa kinalalagyan ko, ngayon na!" maotoridad na utos ko dito habang pilit na tinatago ang pinaghalong inis at pangamba sa boses.

Nakita kong nagulat ito sa uri ng pagkasabi ko sa kanya. Di ko man sya maalala sa memorya ni Clara pero nararamdan kong may koneksyon ito sa kanya, at alam ko rin na may alam sya sa dating ugali ng binibini.

Ngunit sa oras na ito ay wala akong paki alam sa kung ano man ang isipin nya, ang importante ay ang maiparamdam ko sa kanya na hindi na ako natutuwa at maka alis na sa lugar na ito.

Nararamdaman kong habng tumatagal ako sa loob ng lugar na ito ay mas lalong nanghihina ako

Ano ba itong lugar na ito.

Ano ba sya?

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now