"Kakagising mo lang?" balik na tanong ko sa kanya at kumuha ng pinggan para paglagyan ng pagkain niya.

"Hindi ba halata, Ate?"

Muntikan ko ng maibato nitong hawak kong pinggan, mabuti at naalala kong kapatid ko pala itong nasa harapan ko. Ang sarap ng buhay,  nakarating na ako galing sa palengke at nakabili na ako ng mga kakailanganing gamitin namin sa project namin pero siya ay kakagising lang. Alas dose na ng tanghali. Jusko naman!

"Hayaan mo na, Linggo naman ngayon, e," ngiting sabi niya at tinanggap ang pinggan na bigay ko sa kanya.

"O? Mayaman ka? Si Tatay tuloy ang nagwawalis doon sa bakuran. Kakahiya naman sa 'yo, ano? Hindi ka man lang naawa sa ama natin? Mabuti at wala siyang duty kasi linggo."

"Naawa ka pala, sana ikaw na ang gumawa ---aww! Ate!"  reklamo niya dahil itinulak ko ang noo niya gamit ang hintuturo ko.

"Happy? Tusukin ko 'yang mata mo, e."

Tinalikuran ko siya at ipinagpatuloy ang paglalagay sa mga pinamili namin ni Tatay sa lababo para mahugasan ko na.

Si Tatay ang tagaluto doon sa Canteen ng paaralan namin. Hindi naman siya ang nagtitinda doon dahil may duty siya. He's a police officer kaya kapag wala akong masyadong ginagawa ay tinutulungan ko na siya sa pagluluto. Kahit na paghihiwa lang ng mga ingredients ang mga nagagawa ko. Hindi kasi ako marunong magluto, magpapaturo pa lamang.

Si tatay na din ang halos tumatayong ina at ama  namin dahil wala naman si Mama dito palagi sa bahay.

"Ate, may project ako..."

"Tapos? Ako na naman ang ipapagawa mo? " putol ko sa sasabihin dapat niya.

Puno ang bibig niya habang nagsasalita at hindi ko gustong marinig ang sasabihin niya habang puno ang kanyang bibig.

"Alam mo na talaga, Ate!"

"Shut up, Anabelle! Hindi mo pa nga nalulunok iyang kinakain mo, salita ka ng salita diyan!"

"Arte naman!" reklamo niya.

Kailan pa ba 'to magtatanda? Halos lahat nalang ng gagawin niya ay sa akin pinapagawa. Kapag hindi ko naman gagawin ay wala naman siyang pakialam kung hindi siya makapasa. Walang paki kung uulit siya sa pagiging grade seven niya. Pektusan ko 'to, e.

"Hoy! Anabelle, ano pa ba ang gagawin? Kapag ipinagpatuloy mo pa 'yang panonood mo ng telebisyon, hindi ko na 'to gagawin ang project mo!"

"Huwag naman ganun, Ate. Paboritong pelikula ko 'to, e!" reklamo niya.

Tiningnan ko lang siya at nang sumuko siya at in-off ang tv ay ngiting tagumpay ang ipinapakita ko sa kanya habang siya ay nakasimangot na umupo din dito sa sahig na inuupuan ko.

"Palibhasa hindi alam ang salitang pelikula kaya hindi mo 'ko relate!"

"Tigilan tigilan mo 'yan. Baka iiwan na talaga kita dito!"

Kinuha niya ang cellphone kong nasa sahig at may anong kinulikot doon. Ilang sandali pa ay ipinakita niya sa akin ang na search niya sa google. Ako naman ang sumimangot sa kanya.

"Ito ang gusto kong design sa visual aids ko!"

"Huwag 'yan! Wala tayong cartolina at glue. Kakailanganin din 'yan ng construction paper. Manila paper at marker pen lang ang mayroon tayo.."

"Pero, Ate!"

Inilingan ko lang siya. Kahit gaano ko man kagustong gawin ang gusto niya ay hindi ko magawa dahil sa wala talaga kaming magagamit. Hindi pwedeng manghihingi kami kay Tatay baka sasakit na naman ang ulo no'n kakaisip kung saan kukuha ng perang pambili ng mga kakailanganing gamit.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat