Chubby Nine

17 4 15
                                    

Shawntel's POV

Feeling ko drained na drained ako habang pauwi kami ni Nickolas, biruin niyo araw-araw ba naman akong pinahihirapan tapos bawat maling sagot tatalakan na agad ako ng bongga tsk.

"Iyong take home assignments ko sayo gawin mo hindi iyong nakikipagharutan ka lang." Mabilis na umikot ang mata ko, pinaalala pa kasi. Ayoko nga sa math e, nakanguso kong reklamo sa sarili.

"Huh?" Walang gana kong tugon.

Inismiran lang naman ako bago pumasok ng bahay nila. Tsk, ano kaya 'yon magsasalita tapos pabulong lakas din ng tama ng isang iyon e.

Napairap na lang ulit ako at pumasok na rin sa bahay namin, papadilim na rin plus nagugutom na rin ako. Ni-hindi man lang nanlibre ng mirienda ang masungit na Kulas na 'yon.

Pagkapasok bumungad sa akin ang Ate kong prenteng nakaupo sa sahig habang may ginagawang lettering plus diy box. Naku, monthsary yata ng jowa niyang silahis.

"Effort effort ka pa, masasayang lang din 'yan." Pang-iinis ko rito. Lumipas ang ilang segundo pero wala akong nakuhang sagot. Himala yata...

"Silahis naman ng jowa mo, nakow pa-I love you, I love you baby boo ka pang nalalaman. Sus, ang korny mo." Tuloy kong pang-iinis sa kaniya habang inuusisa ang ginagawa niyang letters. Sinundan ko talaga ng tingin iyong paggupit niya ng square na papel tapos ididikit niya sa infinity box na pinagdugtong niya.

Katulad din kanina ay wala akong nakuhang sagot. Ay seryoso yata itong bruha kong Ate, hindi napipikon sa akin e.

Sa bandang huli ako nalang din ang umalis don at nagdiretso ng kusina. Naghalungkat ako ng pwedeng papakin sa platera namin, maski sa ref binuksan ko. Nakakita ako ng homemade chocolates kaya naman kinuha ko iyon at nilantakan.

Pagkalipas ng tatlong minuto, napangalahati ko na iyong chocolates. Grabe ang sarap ng timpla, hindi gaanong matamis tapos milky pa. Saan kaya ito nabili ni bru—

"MA. SHAWNTEL FERRER!" Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng boses ni Ate.

"NASAAN YUNG TSOKOLATE RITO!" Napatingin ako sa hawak kong box plus sa Ate kong naghahalungkat sa ref—patay halos maubos ko na ito eh.

"SHAWNTEL!" Mabilis kong itinago sa likuran ang box at patay malisyang tumingin sa kaniya.

"BAKIT!" Ganting sigaw ko rin.

"NAKITA MO BA YUNG CHOCOLATES?" Maang akong napailing pero mataman niya akong tinitignan. Awit, may pagkalaser nga pala mata nitong si Bruha. Relax Istel, huwag ka magpahalata.

Dahan-dahang lumapit sa akin si Ate at...

"Sigurado ka?" Agad akong napatango sa kaniya. Tikom ang bibig dahil iniiwasan kong magsalita once na nagsalita ako tiyak mapapansin niya ang tsokolateng sumingit sa ngipin ko.

"Sigurado ka talaga? Bakit ayaw mong magsalita?" Footspa, talkshow ang bruha kaya naman...

"Hirndi arh." Napaiwas ako ng tingin ng magtunog lola ako sa harap niya. Lokaret ka talaga Istel, bakit ganon? Kaso mukhang nahalata ni Bruha dahil tumalim ang kaniyang tingin.

Nyosko, mukhang mas matalim pa iyon kesa sa tingin ni Kulas e.

Humigpit ang hawak ko sa box ng magsimula siyang umikot sa akin. Talagang sinusuri ako mula likod hanggang harap, awit talaga sa Ate kong hindi ko maisahan.

"SORRY! BIBILHAN NALANG KITA NG BAGO!" Sigaw ko at kumaripas na palabas ng kusina bitbit ang box ng tsokolate.

"ARGHHH, MAY ARAW KA RIN MA. SHAWNTEL FERRER!" Inis na inis niyang sigaw plus narinig ko pa ang pagpadyak niya, kita niyo ang bigat ng paa sino may sabing sexy 'yon? Mas balyena pa siya sa akin noon.

Ang Pag-ibig ni Ms. ChubbyWhere stories live. Discover now