"May boyfriend na ba si Josephine?" Tanong ni Rita, hindi ko alam kung bakit ako ang pinili nya na sabihan na sila ni Tope, eh nung araw na yon eh kakakilala lang namin tsaka isa pa, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ni Josephine at bakit ako ang gustong ipasok sa small circle nila ni Spencer, eh kung titignan mo ang tatanda na nung mga yon, si Spencer pwede ko nang tatay or tito yon sa present time ko.

"Wala, kahit kailan hindi uso ang nobyo sakanya, strikto kasi ang tatay nya kaya kahit kailan ay never namin na nabalitaang may boyfriend sya." Sagot naman ni ate Dolores, hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin kung bakit ganun kadaling sabihin sakin ni Josephine na boyfriend nya si Christopher.

"Ah talaga, matagal na ba syang single? Nasa late 20s na kasi sya at medyo malapit na rin magtapos ng pagaaral si Josephine, ano kayang balak nya pagkagraduate nya." Tanong ko. 

"Siguro magsisimula na syang magtrabaho sa kompanya nila, only child lang naman yan kaya siguradong sya ang magmamana ng kompanya." Sagot ni ate Dolores, until now nalulungkot ako kapag iniisip ko na nasayang yung effort ni lolo para itayo ang kompanya tapos in the end malulugi at mag sasara, pero kahit ganon kayang kaya parin ni lolo at lola na ibigay sakin lahat ng gusto ko kahit alam kong di kami ganun kayaman.

"Bakit walang kapatid si Josephine?" Tanong ko. "Sa totoo lang may kambal talaga yan sya, kaso namatay sa loob ng tyan ni Senyora, pero buti nalang hindi tumubo sa loob ng katawan yung katawan ng kambal nya, kaya ayon after non hindi na nag anak si senyora, dahil hanggang ngayon ay pakiramdam nya na kasama syang lumaki ni Josephine." Sagot ni ate Dolores.

What? So ibig sabihin totoo ang kwinento sakin ni lola na may kambal si mama pero namatay sa loob ng tyan nya?

"What the heck? Sobrang sayang naman non, kaya pala wala akong relatives sa mother side." Usal ko. "May sinasabi ka Snow? At anong ibig mong sabihin na wala kang kamag anak sa side ng mama mo?" Tanong ni Rita at don ako nagulat kasi hindi ko namalayan ang mga sinasabi ko.

"A-ah, ano, ang ibig kong sabihin kapag nagkaanak si Josephine ibig sabihin wala syang tita or tito." Sagot ko at tumawa kahit ang awkward.

"Swerte nga ng magiging anak nya kasi mamumuhay syang mayaman kung mag kakaanak sya." Wika ni Rita at natulala ako sa sinabi nya, kahit kailan hindi ako naging maswerte sa buhay kasi palagi kong nararamdaman na wala na kaming pera, pero swerte ako kay lolo at lola.

"K-kaya nga eh, s-swerte talaga ang magiging anak nya." Usal ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako magiging maswerte sa buhay ko kasi ipinanganak palang ako ramdam ko na ang hirap ng buhay, lalo na't hindi ko kasama si mama lumaki kaya mas naging mahirap ang buhay ko.

"Bakit ka nauutal?" Tanong ni Rita. "Ah, wala wala, by the way kukuha lang ako ng baso at juice at lalabas na ulit ako." Usal ko at kumuha ng mga panibagong baso at nagfill ako ng panibagong juice at saka lumabas at pumunta sa pool area, nag paparty parin sila kasi malakas ang tugtog na puro lumang disco song ang pinapatugtog sa speaker.

"Oh hi Snow, andito ka ulit pwede makahingi ng juice?" Tanong ni Christopher at agad akong lumapit sakanya at kumuha naman sya ng juice sa tray at nagpasalamat din sakin, hinanap ko si Josephine sa pool at nakita ko syang nakikipag lunuran sa isang kaibigan nya at natawa nalang ako.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong nya. "Wala, I was just watching Josephine, look she's having fun." Sagot ko habang nakatingin sakanya, sumasaya yung puso ko kasi finally narinig ko din ang tawa ni mama.

"Christopher may tanong ako sayo." Usal ko at hindi ko na pala namamalayan na may salitang nalabas sa bibig ko, parang hindi sya naayon sa gusto kong mangyari, para syang may sariling isip.

"Ano yon? Sige you can just ask me anything, total magiging kaibigan na rin naman kita since una palang ay sinabi naman na sayo ni Josephine na kami na even if hindi pa kayo ganun katagal kakilala, and isa pa I also want to know you kaya mabuti nang makapagusap tayo." Sagot nya.

"Ang dami mong sinabi eh isang tanong lang naman, pero tanong ko lang sayo, what if kung nagkaanak ka kay Josephine, will you do anything for her? I mean, for you child?" Tanong ko at nakita kong kumunot ang noo nya.

"Ang rare ng tanong mo, why are you asking me if I had a child with her, of course since it is the fruit of our love, I will take care of her no matter what." Sagot nya, sinungaling.

"You will take care of her? Really? Sa sagot mo parang hindi naman kapanipaniwala, eh isa pa hindi mo nga alam kung mas tatagal pa kayo sa isang taon, tapos you will tell me that you can take care of her?" Tanong ko at hinarap ako agad ni Christopher na may malalang kunot sa noo.

"Snow seriously what are you talking about? Anong tingin mo sakin may anak na pinabayaan? Ever since naging kami ni Josephine I never touched her or even tried to do something with her? What is wrong with you? You aren't even careful with your words." Asik nya at tumayo sya at hinampas ang tubig at padabog at pumunta sa kabilang side ng pool at napatigil ang lahat at napatingin silang lahat sakin at maya maya lang ay nilapitan ako ni Josephine, tumingin ako kay Spencer at nakatingin lang sya sakin na may gulat sa mukha.

"Snow totoo ba yung narinig ko?" Tanong nya at umahon sya sa pool at tumayo ako at kumuha sya ng twalya mula sa upuan "Come with me, mag uusap tayo." Hinila nya ko papunta sa tahimik na lugar kung saan kami lang ni Josephine ang magkasama dito, kita ko ang disappointment sa mukha nya at doon ako sinimulang kabahan.

"I heard what you said to Christopher, are you out of your mind Millicent? Walang anak si Tope at isa pa you don't know him that well, mabait na tao si Tope at nakikita ko sakanya na magiging mabuti syang ama, alam mo hindi ko alam kung saan mo hinuhugot yang mga sinasambit mo, mag ingat ingat ka sa mga sinasabi mo kasi yan ang magiging dahilan ng ikapapahamak mo!" Asik nya at natulala nalang ako habang nakatingin sakanya.

"Ano mag salita ka? Palibhasa kasi hindi mo alam lahat ng mga sinasabi mo at ilusyonada ka lang! Wag na wag kang magsasalita ng ganyan kay Christopher pero kung kay Spencer okay lang kasi nakikita ko naman na malapit na kayo sa isa't isa eh, wag mo syang pagsasalitaan ng ganon dahil katulong lang kita at wala kang karapatan bastusin ang boyfriend ko." Asik nya at umalis na sya at naiwan ako mag isa dito at maya maya lang ay hindi ko na namalayang naiyak na pala ako dala ng emosyon at sama ng loob na dala dala ko.

"Snow ayos ka lang ba?" Agad akong napatingin sa likod ko at andito si Spencer, kita ko ang pag aalala sa mukha dahil nakita nya kong umiiyak. 

"I'm so sorry! Hindi ko na alam ang lumalabas sa bibig ko dahil ng emosyon ko, pakiramdam ko dinadamay ko na kayong lahat dahil nagpapakain na ako sa mga nararamdaman ko, pero sa totoo lang hindi ko sinasadyang ilabas kay Christopher lahat lahat ng galit ko sa tatay ko, hindi ko sinasadya." Wika ko habang umiiyak at nilapitan ako ni Spencer at niyakap nya ko.

"Ikaw naman kase, maling tao ang pinaglalabasan mo ng sama ng loob, ayang si Tope seryosong tao yan, kaya wag mo syang mabiro biro kasi hindi mo sya mabibiro pero kapag ako ayos lang, and if you want you can tell me all of your pain and I will not tell anyone, mahirap kapag dinidibdib mo yan, I can see that you are in pain kahit hindi mo pa sabihin sakin." Wika nya habang patuloy lang ako sa pag iyak habang nababasa na yung damit at buhok ko galing sa katawan ni Spencer.

"I heard your conversation with him and it looks like that you are from broken family, tama ba? Kaya hindi mo sinasadyang labasan ng sama ng loob si Tope kasi hanggang ngayon dinidibdib mo parin." Wika nya pero hindi ako makapag salita kasi sumasakit ang lalamunan ko, maya maya lang ay humiwalay na kami sa yakap at hinawakan nya ko sa magkabilang balikat.

"Siguro mag sorry ka nalang kay Tope and explain it to him, if you want I can also talk to him, basta sa susunod wag ka sa maling tao mag lalabas ng sama ng loob ha." Bilin nya at pinunasan nya ang luha ko.

I never knew that Spencer is quite a sweet and nice guy, sa una lang kasi akala ko talaga puro landi lang ang inaatupag nya, nung nakita ko sya kaninang nakatingin sakin kala ko aawayin nya din ako pero mali pala, kahit ano pang pag susungit ginawa ko sakanya he still comforted me and kind to me.

Memories Of The PastWhere stories live. Discover now