Epilogue

769 38 1
                                    

"Are you okay?"

Kalmado akong tumango sa tanong ni Kiarra kahit deep inside sobrang kinakabahan ako at gusto ko nalang mahimatay.

"Are you sure?"

Napanguso tuloy ako at nagpapaawang tumingin sakanya. She laughed at me and urge me to come closer. Yumakap ako at ibinaon ang mukha sa leeg niya.

"Hindi naman sila nakakatakot. They're nice, so don't be afraid."She comforted me while caressing my hair.

"They're your parents. Sinong hindi kakabahan kapag ganito?"

Natatawang inilayo niya ang katawan saakin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Parang bata naman akong tumingin sakanya.

"Don't be nervous because I'll stay close to you."

She kissed the tip of my nose before getting out of the car. Napatulala naman ako at ilang ulit iniuntog ang ulo sa manubela para malaman kung totoo ba 'to.

Lumabas ako ng kotse nang namumula. Narinig ko siyang natawa.

"You look emotionless but blushing. Kinikilig ka?"

Walang emosyon akong tumingin sakanya kahit namumula. She kissed me again, this time sa lips na. Nanliit ang mga mata kong tinignan ang ngisi niya. She's doing this on purpose. Pinapakilig niya ako para mawalan ako ng angas.

"Kiarra, stop. Ayokong panggigilan ka sa harap ng bahay niyo."Seryoso kong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin bago tumikhim at dumiretso ng tayo.

Nasa harap ako ng pinto ng bahay nila dahil ngayon ang araw kung kelan ako ililibing-charot. Ngayon yung araw na ime meet ko ang parents ni Kiarra. Ewan ko ba sakanya, isang week palang kami pero pinapakilala na agad ako.

'Kilala na nga siya ng Dad mo kahit hindi pa kayo nun.'

Shut up. Kailangan kong bakurin ang akin. Wala akong ibang ipapakilala kung hindi siya lang.

"Hi Daddy!"

Parang nawalan ako ng kaluluwa nang bumukas ang pinto at bumungad ang nakangiting mukha ng Daddy niya.

"Mi princesa!"Masayang tawag ng Daddy niya at niyakap siya.

Natuod lang ako doon habang nagbo bonding ang mag ama. Nanghina agad ako nang saakin naman tumingin ang daddy niya. Kung kay Kiarra nakangiti siya, pwes saakin hindi.

I cleared my throat. "Good morning, sir."

"Vergara."

I bit the inside of my cheek and smiled a little. "Sienna Alaris Vergara po."

Naramdamang ko ang paghawak ni Kiarra sa kamay ko na ikinatingin ko sakanya.

"She's my Girlfriend." My Kiarra seriously said.

At tuluyan nang nagwala ang sistema ko. Sobrang hot ng girlfriend ko putangina. That's my girlfriend right there. Mine.

Magsasalita sana ang Daddy niya pero biglang dumating ang Mommy niya na may suot na apron.

"Is this her? She's so pretty and pogi, anak." Tuloy tuloy na sabi ng Mommy niya at niyakap ako.

Napaubo ako dahil kita ko ang sama ng tingin saakin ng Daddy niya. Para niya akong papatayin sa sama ng tingin niya. Ganitong ganito si Kiarra pag galit at nagseselos. Mag ama nga talaga.

"Good morning Ma'am. I'm Sienna Alaris Vergara po"Magalang kong sabi.

Magaan niya akong nginitian. Napaigtad ako nang tumingin siya sa asawa tsaka ito pinalo.

"Tinatakot mo ba ang girlfriend ng anak mo? Tsk!"

Napanguso ang daddy ni Kiarra. Napangiwi ako dahil nakikita ko ang sarili ko sakanya. Under, understanding.

ClassmateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang