Chapter 3

573 39 7
                                    

"As you all guys know med tech week next week so I will not be able to meet you. Enjoy muna kayo bago ang exam."

Nagsigawan ang lahat habang kami ni Laura ay napangiwi. Next week is the judgement week. Next week kami aamin at mare reject din siguro.

Napahawak ako sa ulo. Tamang desisyon ba talaga ang gagawin namin? What if mamatay nalang ako ngayon.

"Wag mong sabihing natatakot ka?"tanong ni Laura. 

Kunware pa siya, kala mo naman hindi siya takot.

"Bakit? Hindi ka ba takot?"

"I'm terrified."

Nag shake hands kaming dalawa at nagyakapan dahil alam naming nalalapit na ang masakit na ending namin.

AT dumating na nga ang araw kung kelan aamin kaming dalawa. 

"Ris... umamin na ako kahapon."

"HA?!" Gulat na gulat kong sabi kay Laura na mukhang hindi ata natulog dahil nangingitim yung ilalim ng mga mata niya.

Napasinghot siya at yumakap saakin. Sumubsob siya sa balikat ko bago umiyak."Alarisss huhu."

"Shh."I softly hushed her. Pinagtitinginan kami ng tao kaya inalalayan ko siya sa gilid habang nakasandal parin siya saakin.

"S-Sabi niya naiintindihan niya daw yung feelings ko. S-Sabi niya friends lang daw-"

Tinapik tapik ko yung likod niya habang umiiyak siya sa balikat ko. Parang ayaw ko tuloy umamin. What if hayaan ko nalang mawala itong feelings ko sakanya?

"Akala ko m-makaka move on kapag umamin pero bakit mas naging gusto ko pa siya? Alarisss huhu, ang unfair niya."

"Gusto mo umalis nalang tayo dito at uminom sa beach?"Yaya ko. 

Pwede naman ipagpaliban yung pag amin ko sakanya. Mas importanteng mapag usapan namin ni Laura yung confession niya. Baka mamaya mas malungkot pa 'to.

Humiwalay siya saakin at pinunasan ang mga luha niya. Napailing ako at inabot sakanya yung panyo ko. Parang bata umiyak.

"A-Aamin ka n-ngayon diba?" Sinisinok niyang tanong.

Ginulo ko ang buhok niya sabay akbay sakanya. "Bukas nalang. I vent out mo muna yang sakit na nararamdaman mo. Tara sa beach! Yehey!"

"Bitch?" Singit ni Jessica saamin.

"Bitch???" Si Mark kasama sila Noel at Roman.

Walang emosyon ko silang tinignan. "Beach, bitches."

Mga bingi! Tss.

"Pupunta kayo? May volleyball game ang bawat teams ngayon."sabi ni Noel na parang hindi kami updated.

"Mukha ba kaming maglalaro ni Laura sa suot namin? Tss."

"Ay sorry boss. Ang taray taray mo talaga."

Inirapan ko ang tatlong lalaki sa harap ko bago alalayan si Laura para lumabas. Sawakas makakainom din ako ng alak.

Nilingon ko ang apat kong kaibigan at tinaasan sila ng kilay. "Ano? Sasama ba kayo o hindi?"

"Ano iinumin?" Si Jessica na akala mo mag aambag pang inom.

"Gatas para sayo. Alak para saamin."

Sinimangutan niya ako at lumipat sa kabilang side para alalayan si Laura.

"Ano bang okasyon at bakit iinom kayo?" Tanong naman ni Roman.

"Birthday ko pre. Batiin mo ako."sarcastic kong sabi.

ClassmateWhere stories live. Discover now