Chapter 2

711 42 9
                                    

"Anong meron?"Inaantok na tanong ko sa mga classmate kong nasa harap ng building ng department namin. 

"Sarado pa yung room kaya tumambay muna kami dito."Sagot niya at pinaupo ako sa tabi niya. Sumubsob nalang ako sa lamesa at natulog. Ilang sandali pa ay parang may naramdaman akong padating. 

Suminghot singhot ako at naamoy ang pamilyar na amoy kaya bigla akong napatuwid ng umupo. Humarap ako at nakita ko siya palapit saamin.

Oh my god. Umagang umaga pero parang ini infiltrate niya na ang sistema ko. Tangenang ganda yan, tinalo pa ang Miss Universe.

Maangas akong umupo at nag kunwareng hindi siya napansin. Syempre dapat maangas lang. Mahalata pa ako dito.

"Sarado pa yung room?"Pauna niyang tanong pagkalapit saakin.

Parang gusto kong umiyak dahil sa lahat ng nakapaligid na classmate ko, ako ang tinanong niya. Sa lahat lahat, ako pa talaga ang pinili. 

"Sarado pa."

"Ah, ano yang nire review niyo?" Tanong niya ulit.

Well, may quiz daw ngayon at kahit tinatamad akong magbasa ay inilabas ko ang reviewer. Props narin para humaba din ang usapan namin ng crush ko yieiie.

"May quiz daw ata."Sagot ko at tinuro si Noel na nagsabi saakin.

"Oh?"

Nag lean forward siya at tinignan ang reviewer ko. Napakagat labi ako dahil shet natapat ako sa leeg niya. Unti pang lapit please para may physical contact na tayo. 

"Thanks."Sabi niya at tumayo sa gilid.

Napahawak ako sa tenga sabay nguso. Pinapakiramdaman ko lang siya at tinitignan si peripheral vision ko. Ayaw ba niyang umupo?

"Hmm..."Napangiti ako. Umusog ako palapit kila Noel at dahil nahihiya ako hindi ko sinabing "Upo ka dito". Hinantay ko lang siya. Few second later umupo siya sa tabi ko. Success!

Pero umalis din siya agad dahil dumating na mga kaibigan niya. Awts.

Okay lang. May interaction na kami ngayong umaga. 

...

Lantang umupo ako sa upuan. Wala akong energy dahil nung umaga lang yung interaction namin ni crush. Kahit isang kiss lang, mabubuhayan ulit ako.

"So we'll be having laboratory today. We'll have four groups. Ateng nasa harap simulan mo ang counting." Sabi agad ni sir pagdating niya.

Walang interes kong pinanood ang mga classmate ko. Hindi na ako aasang magiging magka group kami dahil duh, magka group na kami sa isang activity 'no.

"3."inaantok kong sabi.

At tama nga ako, hindi kami magka group dahil group 2 siya.

"Group 1 dito kayo. Group 2 sa gilid. Group 3 sa gitna and next to them is the group 4-Wait."

"Sir?"

"I'm sorry. 5 groups pala dapat. Repeat the counting."

Nagningning ang mga mata ko. 5 groups? Edi kung ganun...

"4."Ngayon may energy nang sabi ko.

"Ganado ah. Hoy group 3 yung crush mo hahaha."demonyong sabi ni Laura saakin. 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako umaasa kaya tumahimik ka diyan." 

"Talaga lang ah?"Ngisi niyang sabi.

Inirapan ko siya at wala sa mood na naglakad papunta sa mga ka group ko. Medyo umasa lang ako. 

"Ris, group 4 ka?"Tanong ni Angel.

ClassmateWhere stories live. Discover now