Chapter 7

578 41 3
                                    

After what happened that day ay hindi ko alam kung paano siya kausapin o iapproach. Ang tanga ko kasi. Nawalan ako ng control eh alam ko namang boyfriend siya. 

Malakas kong naitapon ang bola habang shinoshoot ito. It's monday and wala kaming klase kaya napagdesisyunan kong mag basketball.

"Bobo."Inis kong mura nang hindi man lang tumama sa board yung bola.

Ilang ulit ko pang sinubukan pero wala talaga. Napaupo nalang ako sa inis. 

"Crazy as always. Naglalaro kahit umuulan."

Walang emosyon kong tinignan si Anthony na may dalang bola habang palapit saakin. What does he want from me now?

"I didn't know you already got out from hospital." 

Pinakyuhan niya ako na ikinailing ko. Ayokong mag away kami kaya aalis nalang ako mas mabuti pa.

"Where are you going?"

I rolled my eyes at him. "Home. Baka awayin mo ako at magsuntukan ulit tayo."

"Not gonna happen. Why don't we play? 1 vs 1."He smiled that made me think.

May balak ba siyang masama? He smiled at me, you know. Baka mamaya bawian niya ako dahil nahospital siya sa last away namin.

"Come on. Just one game."

Nagdadalawang isip ko siyang tinignan. Sa huli ay tumayo ako sa harap niya habang nasa kanya ang bola. He dribbled the ball and step back before he cross over.

"1 point for me."Maangas niyang sabi at pinasa saakin ang bola.

Ginaya ko ang ginawa niya but with a twist. I jump to shoot the ball and tumalon din siya kaya pinalitan ko ang posisyon ng kamay ko at shinoot ito patalikod.

"1-1."

We continued playing. Nung una okay naman pero nagpipisikalan na kami sa huli ng laro dahil paunahan sa 10 score.

"7-9." Hinihingal kong sabi. Ako ang lamang saaming dalawa. Akala ko idri dribble niya ang bola pero bigla niya lang itong tinapon tsaka ako sinuntok.

"Wtf-"Gulat kong sabi at binawian siya ng suntok. He suddenly tackled me down and laughed. 

"Why are you laughing?"I asked, a little bit annoyed. 

"Hahahah!"He laughed and rolled down beside me. Umupo ako sa basang semento at weird siyang tinignan. Ibang gamot ba ang pinainom nila habang nasa hospital siya?

"I'm sorry. I just realized that all of the girls I've like before also liked you."Tumatawa parin niyang sabi. Weird ko lang siyang pinanood tumawa at sawakas tumigil din siya.

He's still lying down facing the skies while it's raining. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero ginaya ko ang posisyon niya. I could feel the raindrops on my face.

"We're cousins, Alaris. But sometimes I envy you."He whispered. Medyo nagulat ako pero hinayaan ko siyang magsalita.

"My mom is always comparing you to me. Everyone likes you more than me and that hurts my ego."He continued. Ramdam ko ang sakit sa boses niya. I know he's hurting for too long dahil napapansin ko.

"Anthony, everything has their own right time. Siguro nga naririnig mo ang pagco compare ni Tita pero tuwing magkasama kami parati niyang sinasabi ang mga achievements mo." I said. No lies, just the truth.

"Your mother is so proud of you and I envy you too because you have a mother by your side." I smiled sadly.

Narinig ko ang pagsinghot niya. Cry baby as always.

ClassmateWhere stories live. Discover now