Maya maya pa ay may narining akong tunog ng sapatos na naglalakad palayo. Idinilat ko ang mga mata ko, wala na? Haay..lumingon na ako sa kaliwa para magpatuloy na sa paglalakad patungong elevator, ng mapansin kong may nakatayo sa harap nito. Biglang kabog uli ang dibdib ko, dinig na dinig ko ang tibok, na parang konti na lng ay tatalon na mula sa dibdib ko. At hindi iyo dahil sa takot. Kundi dahil sa matinding kaba. Siya yung lalaking nagbayad ng damit na suot suot ko ngayon..siya yung kaibigan ni Carl..siya rin yung nabunggo ko mismo sa tapat ng elevator na yun..siya yung may mala anghel na mukha, kung hindi lang sana laging seryoso. At higit sa lahat, mukhang kompirmado ko nang siya nga ang may ari nitong Empire dahil malamang ay sa CEO'S office siya galing.

Inaninag ko pa ng kaunti kung siya nga iyon, at ng mejo makalapit na ako, ay napatunayan kong siya nga, siguradong sigurado ako sa tindig pa lamang niya, sa galing niyang magdala ng suit, ang kamay niyang palaging nakapamulsa. Pati ayos ng buhok niya. Walang dudang siya nga. Teka..anong gagawin ko, baka magkasabay pa kami sa elevetor..baka hindi na ako makalabas ng buhay sa dami ng dapat kong pagbayaran sa kanya? Babayaran ko naman talaga ang dress na ito, naghihintay lang ako ng pagkakataon na magkrus uli ang landas namin, pero hindi ko inaasahang mangyayari yun ngayon.

Kung bumalik muna kaya ako sa locker at maghintay ng kaunti na makasakay siya? Kung maghahagdan naman kasi ako, madaraanan ko pa rin siya. Tama..ganun na lang ang gagawin ko. Nang akmang tatalikod na ako pabalik ay sya naman hakbang nito papasok sa loob, naku..ayun naman pala at mauuna na siya..haay..nakahinga ako ng maluwag ng makitang sumakay na ang lalaki sa elevator, kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa tapat niyon. Napangiti ako ng maluwag ng makitang sarado na ang pinto..Hindi niya ako nakita o napansin man lang..napasayaw na rin ako ng kaunti dahil pakiramdam ko, daig ko pa ang nanalo sa raffle draw dahil ang swerte swerte ko. Hindi ko na namalayang nagbukas na uli ang pinto ng elevator.

"Tssk! As much as I wanted to watch you dance all night, I don't have all the time to wait for you here.."

Awtomatiko akong napahinto sa aking victory dance ng marinig ang nagsalita, dala ng pagkapahiya, at pagkabigla ay agad akong pumasok ng nakayuko sa loob ng elevator, "I'm sorry sir.." mahina kong sabi. Bakit ba nandito pa siya?akala ko ay nakababa na siya. Isipin mo ang isang babaeng nakasuot ng dress, naka heels at may hawak na clutch bag ay makikita mong sumasayaw ng kung ano ano, talaga namang nakakahiya. Ano ba naman 'tong mga pinag gagawa mo Daniah. Hindi na ito sumagot ng marinig ang pag hingi ko ng sorry. Pero ramdam kong nakatitig ito sa akin. At ako? Nakatitig sa sahig ng elevator na parang iyon na ang pinaka magandang tanawin na nakita ko. Bakit ang tagal naman makababa ng elevator na ito. Mas mabilis pa yata kung naghagdan ako. Unti unti na yata akong natutunaw sa pagkakatitig ng niya.
Napilitan akong magsalita at mag angat ng tingin, ng maalala ang dress na suot ko, dahilan para magtama ang aming mga mata.

"Uhhmm..Sir, ito pong dress, babayaran ko po sa inyo, kaso po-" agad naman itong sumagot.

"So that dress is what I've paid for yesterday. Yes?.." putol nito. At tsaka itinaas baba ang tingin sakin mula ulo, hanggang paa.

"It looks good on you.." dagdag pa nito at sinundan ng isang tipid na ngiti, nakaramdam ako ng hiya at pakiramdam ko ay nag blush ako, pero agad rin naman akong ngumiti sa kanya. Pero nag akmang magsasalita na ko, para magpasalamat sa papuri nya, ay muli siyang nagsalita.

"You know..if you want something..you should work hard for it. You can't just ask people to pay for you, because you like it..but you dont have the means" Anong ibig niyang sabihin? Sinadya kong pabayaran ito kay Carl?Oh..parang gusto kong umiyak. Ang sakit magsalita ng mamang ito. Wala raw akong kapasidad magbayad? Sinabi nyang bagay sakin ang dress, pero hahamakin niya pala ako. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa gwapo niyang mukha. Marahil ay naghahanap pa rin ako ng magandang dahilan para hindi ko siya kapootan.

"Getting Carl's attention, won't give you the luxury you're dreaming of. I suggest, you stay away from him. Hindi siya basta bastang tao, na pwede mong lapitan kung kelan mo gustuhin.." dagdag pa nito.

Sumasakit yung puso ko. At parang may naghihiwa ng sibuyas, naluluha ako. Bakit naman ganun niya ako kausapin?hindi ko naman sinabing siya ang magbayad, siya nga itong bigla na lang sumulpot at iniabot sa kahera ang kanyang card, ni hindi ko naman siya kilala. Hindi ako makapagsalita, dahil pakiramdam ko kapag ibinuka ko ang bibig ko para magsalita ay tuluyan na kong maiiyak. Muli kong ibinaba ang aking tingin sa sahig ng elevator, hindi ko na kayang makipag tagisan ng tingin sa kanya, maya maya pa ay tumunog na ang elevator tanda na magbubukas na ang pinto.

Ng bumukas ang pinto ay agad akong humakbang palabas at muling humarap sa kanya.

"T-thank you Sir. At p-pasensya na po kayo.." tsaka ako tuluyang tumalikod, tanaw at dinig ko na ang magagandang ilaw, at malakas ng dagundong ng sound system. Malungkot akong ngumiti. Mahaba pa ang gabi..

Daniah's outfit❤Hairstyle

CTTO

CTTO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now