Kabanata 47: Bayan

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha ko to at dahan dahang ininom.

"Eh si binibining Clara, Kumusta na ang iyong nobya?" biglang saad nito dahilan para mabuga ko ang lahat ng ininom kong tsaa. Inis ko itong tinignan na parang di makapaniwala.

"Sinabi ko lang ang ngalan ng binibini, pero iyan na agad ang naging reaksyon mo. Iba ka talaga prinsipe!" iling iling na saad nito.

"Stevan!" Saway ko dito habang pinunasan ang bibig ko gamit ang likod ng kamay "H-hindi ko sya nobya."

"Ikinakahiya mo pa e. Nauutal kapa..Oh ano na nga, kumusta ang naging partisipasyon nya sa unang practical?" tanong  nito.

"A-Ayos lang naman, nasayahan ako---sa mga laban!" agad na pag depensa ko sa sarili, nakita ko namang nangaasar na itong tumingin saakin.

Bakit nya ba pinagpipilitan  saakin ang Binibining iyon.

"Nasayahan pala ha.. Mabuti naman kung ganon." Saad nito at biglang sumeryoso. Naglakad ito palapit saakin at pinunasan ang nagkalat na tsaa sa mesa.  "Mabuti nalang dahil hindi sya naapektuhan sa naganap nung gabi." dagdag pa nito.

"Naganap nung gabi?" nagtatakang saad ko dito. Ang tanging naisip kong kaganapan ay yung pag-iba ng asal ng binibini at pagtatalo namin, Nakita nya ba kami na nag away? Imposible! Si stevan ay pumalit saakin at syang nagpatuloy sa pagpipirma ng mga papelis ng paaralan.

"Hindi mo ba alam, prinsepe?" nagtatakang saad nito.

"Ngunit kayo ang mag kasa- hayss. Ayon sa prinsepe ng Demacia, Ang binibini ay nakaranas ng pagtangkang paglason sa kanyang inumin." Saad nito na agad namang ikinahinto ko.

Biglang naalala ko ang mga kaganapan nung gabing iyon, mula sa pag ngisi nito at pagiba ng ugali, sa biglang pag libot nito ng tingin na umabot na sa pangiinsulto sa prinsipe ng Oceanus, Nandun rin ang padabog nitong pag-alis sa hapag, gayong alam naman nyang nandun rin ang mga anak ng mga hari at reyna ng ibang kaharian at ang pagsampal nito sa isang mababang katulong.... At ang mga sinabi ko sa kanya.

Unti unti kong naintindihan ang pangyayari at biglang napaisip sa mga nagawa ko. Napahilamos nalang ako sa mukha ng lubos ko nang naintidihan at pagtugma-tugmain ang kamalian ko.

Bigla akong nakaramdam ng lubos na konsensya sa nasabi ko, hindi ko man lang ito binigyan ng pagkakataong depensahan ang sarili nya bagkus ay hinusgahan ko pa ito.

Napakamot nalang ako sa sintido ko at lugmok na naglakad palapit sa higaan. Binagsak ko ang katawan ko ron at hinayaang pag sisishan ang ginawa kong kasalanan.

Hindi kona mababawi pa ang salitang binitawan ko at ang ang dami ko pang iniisip na problema sa labas ng paaralan at mga tungkulin ko na dapat ko ring tugunan.

Ano nalang ang sasabihin saakin ni Cale sa oras na makauwi ito at malaman ang lahat, sa malamang ay sinaktan ko ang kapatid nya at paniguradong hindi iyon matutuwa.

Hindi rin maari na mag kwento ako kay stevan dahil paniguradong sesermunan din ako nito lalo nat, malapit silang magkaibigan ni cale.

Arghh!

CLARA POV:

ARAW ng Sabado at wala sa sarili at tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Kakagising ko palang kasi at wala akong maisip na pwedeng pag abalahan!

"Binibini, Aalis muna ako at bibili ako ng mga Tela sa bayan." paalam ni lena dahilan para mapatingin ako dito.

"Bayan?.. Sama ako!" mabilis na sagot ko dito. Nagtaka naman itong napatingin saakin.

"Eh? Ang gulo gulo dun binibini, hindi kapa naman sanay sa mga ganung lugar at baka magkasakit kapa."  si lena habang may himig ng pag aalala, kahit kailan napaka OA. Bibili lang magkakasakit na agad.

"Ah Basta, Hintayin moko dyan!" Saad ko dito at patakbo akong tumalon sa palikuran at naligo. Narinig ko pa itong tinawag ang pangalan ko pero di ko na ito pinansin pa.

Nang matapos ay,

Nagsoot lang ako ng simpleng bistedang asul na puti ang pang itaas. Mukha desente naman ako tingnan kaya ito nalang ang sinoot ko.

Naglalakad na kami pababa, habang nasa likod ko naman si lena na talagang wala nang magawa, aba ito ang unang sabado na makakagala ako. Dapat lang na sulitin ko ito.

Paglabas namin sa trangkahan ay nagulat ako ng makita ko si Erza na kinakausap ng isang Gwardya at nung magtama ang tingin namin ay yumuko ito sa harapan ko bilang pagbati, ako man ay yumuko din para batiin sya pabalik.

Nagaangat ito ng tingin at agad na sinuri ang kabuuhan ko.

"Napaka-Ganda mo naman sa iyong soot binibini." Papuri nito habang seryoso parin ang mukha. Di ko tuloy alam kong napilitan ba sya o ganito lang talaga sya pumuri.

Naalala ko ang naganap kahapon, sa sinabi nyang magiging amo nya raw ako simula sa araw na iyon. Di ko nalang masyadong pinansin baka nag bibiro lang. Tipid nalang akong ngumiti sakanya at tumango.

Tinapik ko muna ang balikat nito bago tuluyan syang lagpasan.

"Ah- Binibini." Napahinto kami ng tinawag ako nito. Nagpakalayo naman agad si lena saamin dahil baka may sasabihin itong importante. "Nais ko sanang samahan ka, kung saan ang yung patutunguhan sa araw na ito. W-Wala kasi akong ibang kakilala maliban sa sayo..." Nahihiyang dagdag nito pero halata namang pinipilit nyang maging pormal sa harapan ko.

Napaisip naman ako dito, Parang wala naman problema dun. Kaya tango tango akong pumayag dito. Nakita ko namang nangiti ito at totoo ang galak na pinapakita sa mukha nya.

Ambabaw naman ng kaligayahan.

Narating namin ang bayan at totoo ngang maraming tao ngayon. Kumpara sa bago kung salta dito. May mga bandiritas din kaming nakikita at ibat ibang stalls para sa mga nagtitinda ng kung ano ano lang.

Marami ding mga naglalakihang tindahan ng mga espada at kalasag sa likod ng nagkakapalang salamin. Para tuloy akong parang batang namamangha sa ganda ng ambiance ng paligid.

Biglang pumasok sa isipan ko si Cale na nandun sa isang misyon. Bibilhan ko sya ng pasalubong para sa pag uwi nito.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon