Anong gusto niyang sabihin? Tse, bakit ba ang rupok ko pagdating sa kanya?

Good mood ata siya ngayon, hindi niya pinagalitan ang mga kaklase ko sa ingay nila.

Panong hindi magiging good mood eh nakaisa siya kanina, pero hanggang kiss and touch lang.

Jinoke time ko lang kayo kanina, walang nangyaring ano. Hanggang dun lang kasi nag bell na.

Nag bigay lang siya ng points to review saka ayun, hindi na siya nagpagawa. Kumopya lang kami, sila lang pala, hehe tatandaan ko nalang.

Hindi naman ako na bo-bother sa kalalabasan ng exam ko, ang kailangan ko lang I-review ay yung para makapasa, hindi ang mataas na grades.

Yun yung isa sa mga ipinagpapasalamat ko sa magulang ko ngayon, dahil hindi sila nag eexpect sa akin.

Tinatamad na ata sila dahil sa mga gulo na napasok ko.

"What seems to be the problem, Ms. Martinez?"

Napabalik ang tingin ko sa unahan nang tinawag niya ang apelyido ko.

"W-wala naman. Po," kinakabahang sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Pati ang mga kaklase ko tumitingin na sakin.

Napansin ko na tapos na pala silang kumopya, at pinapapasa na ni Luxury ang mga notebook nila.

Gagi, wala akong kinopya.

Ngumiti ako sa kanila, at pagbalik ko ng tingin kay Lux ay masama ang tingin nito sakin.

"Faster! Hindi ko sinabing tumingin kayo sa kanya, I call her, didn't I? I should be the only one to look at her," malakas at medyo may inis na sabi ni Lux.

Oh my God, please don't get the wrong idea.

Wala man lamang pagsisisi sa sinabi niya ang loko.

Mabilis na ipinasa ng mga kaklase ko ang notebook nila.

Wala naman silang duda.

Grabe sila sakin, wala ba talaga silang tiwala sa ganda ko? Hindi ko ba talaga makukuha si Lux?

They didn't know, nakuha ko na.

RECESS.

Second to my favorite time in school.
Syempre first ang Science subject.

Ang daming tao ng Cafeteria. Hindi pa naman ako makakasingit ngayon, wala kasi si Ghie.

Siya lang kasi ang walang may crush kay Lux. Kasi si Kiro ang crush niya, yung isa sa F4ruyabang.

"Sabay kana sakin Ley," si Mikie. Isa sa karibal ko nung una pero ngayon bff ko na rin siya dahilmay jowa na ang gaga.

"Sige, Pero ang haba kaya ng pila. Paano tayo sisingit dyan?"

"Ako bahala, trust me," nakangising anito.

Iba talaga pag may friends na makapal ang mukha.

Hinila niya ako sa may malaking pinto ng cafeteria.

Akala ko ba sisingit kami?

"NANDYAN YUNG F4!!!" Biglang sigaw nito na medyo nakapabingi sakin.

Nadagdagan pa yun ng biglang pumarito ang ilang estudyante kadamay na yung mga nasa Pila.

"HOOHHH KIRO!"

"F4 DAW!!"

"NANDYAN SILA?!!"

"ASAN???"

"WAIT LANG HELEN, HINTAYIN MOKO!!"

"SIR LUXURY ANG GWAPO MO PO!!!" dagdag pa nitong kaibigan ko kaya kinurot ko siya na ikinatawa niya lang.

MINE, SIR [ ON GOING ]Where stories live. Discover now