TCB:KABANATA 22

429 14 2
                                    

JEANEIA'S | POINT OF VIEW

Namimili ako ngayon sa isang Supermarket, naubusan na kasi kami ng stock kaya kailangang mamalengke, nagpahatid lang ako sa driver at ibinaba lang ako sa labas ng supermarket at tawagan ko na lang ito kapag magpapasundo na ako.

Nakanguso ako habang pumipili ng mga gulay, yung iba kasing gulay sa mansion ay itinapon lang, dahil minsan lang kumain si Dedrick at Duke ng gulay at yung iba nabulok na dahil mas pinipili nila ang karne kaysa sa gulay.

Matapos pumili ng gulay ay tumungo ako sa meat section, ako ang na malengke dahil wala naman si manang, bago ako umalis nilista ko muna ang mga bibilhin pero lagi kong dinadagdagan dahil wala ang mga kasangkapan nang nais kong lutuin.

Akmang kukuha ako ng isang supot ng hotdog ng may makauna nun, no. Sabay kaming dinampot ang supot nito, pero ako yung nauna kasi ako ang may hawak ng supot habang siya ay nakahawak sa ibabaw ng kamay ko.

Binalingan ko ito ng tingin, he is handsome.

He has a yellowish-grey eyes, ang gwapo!

He softly smiled. “Can I have this, Pretty Lady?”

Ang gwapo rin at mukhang mabait, bumaba ang tingin ko sa supot ng hotdog, pero mas nauna ako sa kanya.

“Get your hands off of my property, Gustavo.” parang napapintig ang tenga ko ng marinig ang boses ng lalaking kinasasabikan ko. Maging ang lalaki ay nanigas din.

Someone pulled me towards him, it was gentle.

Ibinaon nito ang mukha ko sa dibdib niya kaya nabitawan noong lalaki ang kamay ko at nabitawan ko rin ang hawak kong supot at ang cart.

The man chuckled. “Chavilier, long time no see, my man.”

Ngunit mas lalo lang yatang nainis si Dedrick.

“What the f**k are you doing here with him?”

Mukhang hindi iyon para sa lalaki kundi para sakin, inalis ko ang pagkakabaon ng mukha ko sa dibdib niya bago iangat ang tingin, nakatingin ito sakin at magkasalubong ang kilay.

“Ah... Ano? Namamalengke ako tapos biglang nag-agawan kami nung hotdog, pasensya na.”

Binalingan nito nang tingin ang lalaki. “Did you do something more than touching her hand?”

The man chuckled, mukhang hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. “What the f*ck are you thinking?”

“Paano kung meron?”

Agad kong pinigilan si Dedrick ng akma nitong susugurin ang kaibigan, iyong mga taong malapit samin ay nakatingin na rin.

“What the fuck did you say?”  Naanghang na tanong ni Dedrick. Galit na siya.

Hinarap ko iyong lalaki, mukhang pinaglalaruan lang nito si Dedrick. “Kunin mo na lang iyong hotdog, makakaalis ka na.”

The man smiled, no, he was grinning. Tell your man that I didn't do anything more than touching your hand, though if he didn't came early, I might...”

Ramdam ko naman ang mabibigat na hininga ni Dedrick, “Mauna na kami.”

Kumaway na lang ako sa lalaki bago hinila ang cart at si Dedrick, nagpahila naman ito, tinungo namin ang counter at binayaran lahat ng binili.

Siya ang nagdala ng mga pinamili ko kahit na pakiramdam ko ay galit ito, base na rin sa higpit ng hawak nito sa mga plastic bags na naglalaman ng pinamili namin, nang makarating sa parking lot ay inilagay nito sa compartment ang mga pinamili bago ako pinagbuksan ng pinto sa passenger seat at nilagay ang seatbelt ko.

THE HOTTEST NIGHT Where stories live. Discover now