TCB:KABANATA 16

522 10 0
                                    

JEANEIA'S POV

Maaga akong gumising para makapag handa ako ng almusal, gusto ko kasing  bumawi kay Duke at sempre kay Dedrick na rin.

Akala ko naiiwasan ko ang dagdag na sermon ni Dedrick, pero nagkamali ako.

Habang kumakain kami hindi tumigil tigil si Dedrick sa kakadada, dinaig pa niya ang Nanay at Tatay ko, alam ko naman na may kasalanan ako pero hindi ba siya nagsasawa sa kakadaldal.

Hanggang sa natapos kami, hindi pa din niya tumitigil pero nanatiling tahimik lang ako, na parang walang naririnig. Tumitigil lang siya sa kakasermon sa'kin ng may tumawag sa kanya at kailangan niya umalis. Kaya napabuntong hininga nalang ako.

“Nay!” Tawag sa'kin ni Duke. Kaya napatingin ako sa'kanya.

“Bakit Nak?”  Tanong ko.

“Nay! San ka po galing kagabi? Alam ninyo po sobra pong mag alala si Tatay ng nalaman niya pong wala kayo dito nagalit ko siya sa mga guard kasi pinayagan nila daw na makalabas ka,”Mahabang saad ni Duke. Kaya napanguso nalang ako, kaya ba ganon nalang siya magalit.

“Sorry, Nak!” Saad ko.

“Okey lang po yun Nay, pero wag na ninyo pong uulitin,” Saad niya. Kaya sunod-sunod na tumango ako.

“Opo. Promise,” Saad ko at tinaas ang kanang kamay tanda ng pangangako ko.

-----------------

Nanonood lang kami ni Duke na tv, wala namang ibang magawa sa bahay ni Dedrick

“Gusto ninyo po ng meryenda ma'am?” Tanong ni  Mish. Kaya tumango ako.

Hindi naman nagtagal dumating na ang meryenda namin kaya nanood lang kami, hanggang sa magsawa kami.

Ng sumapit na ang tanghali dumating na si Dedrick, akala ko galit pa rin si Dedrick sa'kin.

“Jeaneia!” Tawag niya. Kaya napatingin ako sa'kanya.

“Bakit?” Tanong ko at lumapit sa'kanya.

“Let's have a date... No i mean, family date,” Saad niya sa'kin kaya naguguluhan ko siyang tinignan. Kita ko naman ang pamumula ng tainga niya.

“Pero diba may work ka?” Tanong ko.

“Nag absent ako, and beside I'm the boss.” Mayabang na sagot niya.

“At saan naman aber?” Tanong ko.

“Secret, just fix yourself first,” Saad niya. Aanggal pa sana ako ng itulak na niya ako pag-akyat sa hagdaan.

•••••••

Pinagbukas ako ng pinto ni Dedrick kaya nahihiya akong umupo sa tabi ng driver seat, hinayaan ko naman na sa backseat nalang umupo si Duke.

Si Duke lang ang madaldal at bibong-bibo na bumabasag sa katahimikan namin.

“What do you want to do later, Duke?" pagbasag ni Dedrick sa katahimikan. Nakita ko naman ang pagbaling sa'kanya ni Duke.

“I want to play on the kid's playground, Tatay.” Maligyang sagot ni Duke.

“Oh, do you want to play?”  mahinang usal ni Dedrick at bumaling ito sakin.

“Is it safe ba sa mall's playground, Jeaneia? Madaming ibang kids doon ' right?”  Nababakas ang tila pag-aalinlangan sa tono ng boses nito.

“Ma-ayos naman doon, Dedrick. May mga facilitators naman.” Sagot ko.

“Oh, okay…” Mahinang turan ni Dedrick habang tumatango-tango.

“Anyway, aren't you excited for the shopping part, Duke? What do you want Tatay  to buy for you?? Do you want a limited edition Celine clothes?”

THE HOTTEST NIGHT Where stories live. Discover now