TCB:KABANATA 20

461 11 1
                                    

JEANEIA POV's (Two years later)

Hindi naman ako nagsising binigyan ko ng chance si Dedrick, araw araw niyang pinaparamdam na mahal niya ako at ako lang ang babaeng sa buhay niya.

Sa loob ng dalawang taon, masasabi kong maraming nangyari pero ang mas tumatak sa isip at puso ko na mahal na mahal ko na si Dedrick, hindi ko na iniisip na magkakahiwalay pa kami, sya na ang lalaking nakikita ko na makakasama ko sa future.

Ina-aya niya akong makipag date sa'kanya, inaya ko pa si Duke na pero tumangi lang siya kasi gusto daw niyang magkaroon kami ng Tatay niya ng quality time sa isa't isa.

••••••••

"Anong gusto mo? Murderer?"
Dedrick asked. Habang namimili kami ng mapapanood, dito kasi kami dumaretso sa cinehan.

"Murderer." Sagot ko. Dahil nakita ko ang isang showing na palabas ngayon.

"Alright." Saad niya. Hinintay ko siya hanggang sa nakuha na niya ang ticket, hinila niya ako sa bilihan ng pagkain. Buti ba lang walang masyadong tao ngayon.

Popcorn and drinks ang binili namin. Pagpasok namin ay medyo madilim at ang tanging ilaw ay ang malaking screen.

Tinanaw ko ang mga upuan, walang masyadong tao. Lahat sila ay nasa harap at kokonti lang ang nasa likod.

Pinili namin sa medyo pinakalikod, dahil nahihilo ako sa laki ng screen. It looks like I am inside. Parang ako din ay nakikipaglaban.

"Careful."

Muntik na akong matalisod kung hindi lang ako hawak ni Dedrick sa braso. Natatawa kaming umupo. Nilagay ko sa kandungan ko ang popcorn at may lalagyan naman ng drinks ang upuan.

Nagsimula na ang movie.

"Say ahh."Sabi ko at akmang isusubo ang popcorn na nasa kamay ko.

Kinuha niya iyon, sumayad pa niya ang labi sa daliri ko.

"Ang gwapo ng bida."Sabi ko. Habang nasa screen ang tingin.

"I'm more handsome."Sabi nitong katabi ko.

"Syempre naman, pero gwapo talaga siya."

Tinignan niya ako ng masama. "Joke lang. mas gwapo ka dun."

I pinch his nose. Ang sama na talaga ng tingin.

We are in the middle of watching the scene where they are brutally fighting. May mga gamit na baril at malalaking itak. I was concentrating watching but then Dedrick put the straw in my lips.

"Drink." Utos niya. Uminom naman ako doon ng hindi siya nililingon, ramdam ko ang titig niya pagkatapos kong uminom kaya nilingon ko siya.

He is staring at me intently. Kahit medyo madilim ay kita ang intensidad ng pagkakatitig niya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Nothing. Just continue watching." Aniya at hinawakan ang kamay ko.

Nanood ulit ako ngunit isang tunog ang naririnig ko. Lumingon ako sa side nila na medyo malayo. Magkasintahan at naghahalikan. Nanlaki ang mga mata ko.

"Don't watch them." Dedrick held my cheeks. Pinahinga niya ako sa balikat niya.

"They are kissing." Bulong kong sabi.

"Yeah." Napapaos niyang sabi kaya tiningala ko siya.

Nakayuko ito sa akin at hindi ko inaasahan ang paghalik niya sa akin bigla. Gumalaw ang labi niya kaya napahawak ako sa kaniyang hita.

"Dedrick, nasa cine tayo." Mahinang sabi ko, nadadala na.

"F*cking yes, I know." Aniya na parang nahihirapan. He kissed me one more and let go.

THE HOTTEST NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon