TCB:KABANATA 3

798 18 0
                                    

Jeaneia's | Point of View ( Pregnant )

Pagmulat ko ng aking mata bumungad sa'kin ang puting kisame. Napagtanto ko na nasa hospital ako kaya inilibot ko ang aking patingin. Napatigil ako at napatingin kay Sicily ang sama ng tingin niya sa akin kaya nagtaka ako.

"Bakit buntis ka?" malakas na sigaw ni Sicily kaya nagulat ako. Ako buntis? Hindi ito pwede.

"Ano? Ako?" gulat na saad ko dahil hindi kayang tanggapin ng utak ko ang sinabi niya.

"Alangan namang ako?" masungit na saad ni Sicily kaya napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot.

"Ngayon mo sabihing wala kang boyfriend, sabi mo walang lihiman?" Saad niya kaya nanatiling nakayuko lang ako, alam ko sa pagkakataong ito galit talaga siya.

"Sorry besh patawarin mo ako please," saad ko at lakas-loob na tumingin sa pkanya sabay hawak sa kamay niya. Ako naman ang may kasalanan kong sinabi ko lang sa kanya una palang hindi siya magagalit ng ganito.

"Mapapatawad lang kita kong sasabihin mo sa'kin kong sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo," saad niya kaya tumanggo ako.

"Eh, kasi besh naalala mo ba 'yong birthday ni Sir Adrian?" tanong ko kaya tumango siya.

"At yung nagpaalam ako sayong mag-C-CR ako," tanong ko ulit kaya tumanggo ulit siya.

"Kasi besh habang naglalakad ako papuntang CR nawalan ako ng balanse at hinintay ko nalang na bumagsak ako pero lumipas na ang oras wala akong naramdaman kaya iminulat ko nalang ang aking mata tapos nakita ko ang isang mala-anghel na mukha tapos wala na akong naalala. Noong nagising ako nasa hotel na ako at walang suot na damit." Saad ko at umiyak. Niyakap naman niya ako.

"Sorry besh kong nagalit ako sayo. Hindi ko kasi alam, sorry talaga." Saad niya kaya lalo akong naiyak habang magkayakap kami.

"Besh may tanong ako, sino ang ama ng batang dinadala mo?" tanong niya kaya umiling ako, dahil hindi ko naman talaga kilala kong sinong ama nito.

"Hindi ko alam besh pag-gising ko wala na akong kasama tanging pera at necklace lang na naiwan." Saad ko kaya tumanggo siya.

"Nasaan 'yong pera at necklace?" tanong niya.

"'Yong pera iniwan ko 'yong necklace lang dinala ko," saad ko kaya tumaggo siya.

"Besh pano na ako? Hindi ko alam ang gagawin ko, ako lang ang inaasahan ng dalawa kong kapatid." Saad ko.

"H'wag kang mag-alala nandito lang ako, tutulungan kita, promise." Saad niya kaya niyakap ko siya napakaswerte ko kay Sicily dahil meron akong kaibigan na parang kapatid ko na din. Hindi na din ako nagtagal sa hospital dahil baka lumaki lang ang bayarin ko kaya minabuti kong lumabas na lang.

Kinabukasan. Pumasok na agad ako. Ayaw sana akong papasukin ni Sicily dahil magpahinga nalang daw ako, pero, hindi pwedeng pabayaan ko ang trabaho ko. Dala ko rin ngayon ang kwentas na iniwan ng estangherong lalaki para ipakita kay Sicily.

Habang naglalakad ako may nabangga ako kaya nahulog ang kwentas na hawak ko.

Napatingin nalang ako sa taong nabangga ko isa pala ito sa kaibigan ni Sir Adrian.

"Sorry po, sir Ethan." Saad ko habang nakayuko pero wala akong narinig na sagot kaya napatinging ako kay Sir Ethan nakatingin pala ito kwentas na nahulog.

"Kay Dedrick 'yang kwentas." Saad niya kaya nagtaka ako.

"Sure po kayo sir?" tanong ko paano ba naman kung kay sir Dedrick 'yong necklace ibig sabihin siya ang ama ng dinadala ko.

"Matagal na niyang hinahanap 'yan, pagkatapos kasi ng party ni Adrian nawala daw yan. Saan mo nakita yan?" Saad niya.

"Ah, nakita ko po ito habang naglilinis kaya nga po dala-dala ko kasi hinahahap ko po 'yong may ari," pagsisinungaling ko.

THE HOTTEST NIGHT Where stories live. Discover now