TCB:KABANATA 11

672 19 1
                                    

JEANIEA'S | POV (Girlfriend)

PILIT kong nakalimutan ang araw na nagkita kami ni Sir Ethan at umamin ako.

Sa araw na nakalipas masasabi kong mahuhulog na ako kay Gilbert, hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang warning sa'kin ni Sicily.

Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ako kay Gilbert, panong hindi ka mahuhulog sa pagiging sweet at caring niya solve ka na.

Kagaya ngayon nandito nanaman siya sa apartment namin, may dala siyang isang bugkos ng Red rose my favorite kind of flower.

Araw araw siyang ganya twing pupunta siya sa apartment namin may dala siyang flower, chocolate, gift at marami pang iba.

Hindi naman ako manhid para hindi mahulog sa'kanya.

Nanliligaw na siya sakin nung nakaraang linggo, dahil may nararamdaman na din ako para sa'kanya pumayag ako pero bago ako pumayag nagpaalam muna ako kay Duke.

Flashback

Nandito ngayon sa bahay namin si Gilbert ewan ko ba sa lalaking to kong anong gingawa dito.

“Ahmm Jeaneia i have something to tell you but please dont be shock,” Saad niya kaya naguguluhan akong tumango.

“Ahmm ano kasi pwede ba kitang ligawan, i know na ilang linggo lang tayong nagkakilala but na love at first sight ako sayo. First time kong makaramdam ng ganito, sayo lang tumitibok ang puso ko ng ganito,”  Saad niya, na kinagulat ko.

“Jeaneia, are you okey?” Tanong niya, dahil nanatiling tahimik ako.

“Ahmm Gilbert, mabait ka at mapagmahal pero kasi ano  ahm...” Saad ko, gusto ko siyang payagan pero iniisip ko si Duke, pano kung ayaw niya palang nagka boyfriend ako.

“ It's about Duke?” Tanong niya kaya tumango ako, I have feeling for him pero pag Nanay kana kailangan mong isipin ang kaligayahan ng anak mo hindi yung sarili mong kaligayahan.

“humingi na ako ng permission kay Duke at pumayag na sya, gusto ko lang malaman mo na gusto kita,” Saad niya kaya napatingin ako sa gilid ng wall, don nakasilip si Duke kaya tinawag ko siya.

“Anak okey lang sayo?” Tanong ko, tumango naman siya.

“Okey lang po sa'kin Nanay para po may Tatay na po ako,” Saad ni Duke kaya napangiti ako.

“Sige na Nay, please give tito Gilbert a chance to be your boyfriend and to be my Tatay,” Saad ni Duke.

“Sige na nga, oo na Gilbert papayagan na kita,” Saad ko ngumiti naman si Gilbert ng ngiting hanggang tainga.

End of Flashback

Nung una nagalit si Sicily dahil napaka easy to get ko daw.

Pero nung pinaliwanag ko sa'kanya ang lahat naintindihan naman niya ako.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na restaurant sa Manila katatapos lang naming manood ng cine bigla niya akong dinala dito, balak ko sanang isama si Duke pero hindi pumayag si Duke, gusto daw niyang magkaroon kami ng quality time ng tito Gilbert niya.

“Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo Gilbert? Araw araw mo kasing ginagawa toh.” Tanong ko, araw araw kasi siyang ganyan kulang na nga lang doon na siya tumira sa apartment namin.

“No never, hinding hindi ako magsasawa sa ginagawa ko,”  Saad niya.

“Nililigawan kita, at gusto kong araw araw mong maramdaman na seryoso ako sayo at mahal kita,” Saad niya. Kaya niyakap ko siya hinalikan naman niya ako sa noo.

“Salamat Gilbert,” Saad ko.

“Wala kang dapat na ipagpasalamat, i willing to give all you need,”  Saad niya kaya napangiti ako.

THE HOTTEST NIGHT Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora