Bigla niyang itinaas ang kamay niya na para bang hahawakan niya ang mukha ko kaya't agad akong kinabahan—ngunit mali pala ako. Itinaas niya lamang ang kamay niya na parang may iminumuwestra siya sa ere na sinusukat na hindi ko maipaliwanag.

"She's around 5'2 feet," aniya at naitagilid ko ang ulo ko sa narinig kong sinabi niya.

"5'6 ako! Pinagsasasabi mong 5'2?!"

Hindi niya ako sinagot. Pabagsak siyang muling naupo sa kama ko at nagde-duwatro pa na akala mo judge siya sa Victoria Secret fashion show at ako ang model na tapis lang ng tuwalya ang damit.

"I asked you to get my bath ready. Did you hear me right or you readied yourself for me?" tanong niya sa akin sa blangkong emosyon habang parang gusto na naman akomg kontrolin ng abo niyang mga mata.

"U–utang na loob! Lumubay ka! Magbibihis ako! A–ano'ng pinagsasasabi mo! H–hindi kita type, duh!"

Putcha! Forda utal ang ferson dahil nagsisinungaling! Paanong hindi ko siya type, e, willing nga akong luhuran siya—joke lang! Hindi ka malandi, Vinniece Jan Saavedra!

I saw him smirked as if he was mocking what I said at naiintindihan ko. Kahit ganiyan ako kaguwapo at may nagsabing hindi ako type at nauutal pa, iisipin ko talagang nagsisinungaling sa akin, e.

Tumayo siya mula sa kama at sandaling luminga-linga sa paligid na para bang may hinahanap sa kuwarto ko.

"David and his innate meddling trait, tssss," aniya at naglakad na palabas ng kuwarto ko na para bang wala na naman siyang ginawang mali at masama.

Kaunti pa talaga, Lancelot Haunter Lewis, isusumbong na kita DOLE!

  

NASA sala ako ngayon at kaharap ang laptop habang nag-e-encode na naman ng mga number na hindi ko malaman kung para saan. Nakataas ang mga paa ko sa lamesita sa harap ko habang nakapatong ang laptop na may unan sa hita ko.

Malakas pa rin ang ulan sa labas pero hindi na kasing lakas kagaya sa ulan kanina. Nakahawi ang kurtina ng malaking bintana sa tabi ko kaya kita ko pa rin ang buhos ng ulan pero this time, wala naman nang kidlat.

Hindi ako pa ako nanananghali dahil wala akong balak magluto. Hindi ako labandera niya, mas lalong hindi niya ako kusinera. Kung magutom siya, problema na ng mga bulate niya sa tiyan iyon.

Kumukrug-krug na rin ang tiyan ko pero matiisin naman akong tao huwag lang akong mautusan. Mapapagtiyagaan ko pa 'tong chichirya na binuksan ko kahit paano.

Nasa ikalawang pahina na ako ng ine-encode ko nang makita ko siyang pababa ng hagdanan.

Nakabihis siya. Naka-navy blue long sleeves siya at black pants. Naka-black shoes din siya na alaga sa kintab. Mukhang ang bango-bango niya dahil abot na abot sa akin ang pagka-fresh niya.

Hindi ko ni-ready ang panligo niya dahil gaya nga ng sinabi ko, hindi niya ako maid. Matigas ako, duh!

Akala ko ay magtutuloy siya sa pinto pero—izza prank, amp! Sa akin siya dumeretso. Namulsa siya sa harap ko at tiningnan ako nang mataman.

Gandang-ganda ba 'to sa akin? Naka-short akong maong na maiksi at loose shirt na itim. Walang maganda sa akin sa mga oras na 'to. Mukha akong nanay na kapapanganak.

"A–ano na naman?!"

Wow! Forda utal na naman ako sa nakaka-intimidate niyang tingin, putcha!

"Get dressed," utos niya sa akin para bang aso ako na mapapasunod sa two words niya lang.

"Saan naman tayo pupunta—"

Vices Within VirtuesWhere stories live. Discover now