Chapter 3

2K 123 71
                                    

HAWAK ko ang polo niya na nasa dibdib ko habang kakaba-kaba akong pababa ng hagdanan.

Hindi ko alam kung ano ba'ng iisipin ko o kung ano ba'ng dapat kong gawin sa mga oras na ito. Makailang beses ko na rin minura si Jice sa utak ko dahil isinugo niya ako sa ganitong klase ng trabaho na hindi ko malaman kung killer ba ang amo ko o may tama sa ulo—pero sobra namang pogi nito para magkatama lang sa ulo, hayst!

Nang narating ko ang labahan ay agad kong hinagis lang doon ang polo niya. Wala akong balak na labhan iyon dahil hindi ako labandera.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa mga sinabi niya kanina sa akin. Ayaw kong matakot pero sobrang detalyado ng pagkakasabi niya na para bang naroon siya mismo sa pinangyarian ng krimen o . . . siya mismo ang pumatay. Nakakapag-overthink, putcha!

Umagang-umaga pero sobrang problemado ko na. Kadarating lang niya pero parang bagyo agad ang dala niya.

Tumungo ako sa kuwarto ko at nang madaanan ko ang sarili ko sa salamin ay doon ko lang napagtanto na mukha pala akong magbabasura. Pagkatapos ng lahat ng nangyari kanina, mukha pala akong nababaliw na—pero maganda pa rin ako.

Ang bilis kumalma ng pagkatao ko kahit parang marami akong pagdududa. Siguro talent ko talaga 'to—ang maging gagang tapang-tapangan. Malaki ang chance na ma-murder ako sa style kong 'to.

Kinuha ko ang tuwalya ko at agad tumuloy sa banyo. May sariling banyo naman itong kuwarto ko kaya hindi na kami magtatagpo ng amo kung sakali.

In-enjoy ko ang mainit na tubig sa katawan ko habang naliligo. Sa lamig sa labas dahil sa lakas ng ulan at may sira-ulo pa akong amo, magandang reward na rin ito sa sarili ko.

Nasa kinse minutos din siguro akong naligo bago ako lumabas ng banyo. Nagtapos lang ako ng tuwalya. Pinagpag ko muna ang paa ko sa basahan bago ako sana maglalakad papunta sa cabinet ko nang makaramdam ako ng presensiya.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang boss ko na walang pang-itaas na damit at nakaupo sa kama ko habang ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa papatalikod.

Putcha naman talaga! Paano naman hindi aakitin ang isang ito ng mga nauna sa akin! Palay na ang lumalapit sa manok, sino ba naman ako para mang-snob—Vinn, punyeta ka! Hindi ka bibigay. Hindi ka malandi! Baka tine-test ka lang niyan!

"A–ano'ng ginagawa mo rito?" walang modo kong tanong.

Imbes na sumagot sa akin ay tinitigan niya lamang ang kabuoan ko na parang jina-judge na naman niya ako.

Hoy! Maganda ang curves at bumper ko!

"Ano ika kong ginagawa mo rito?! K–kahit boss kita, mali na pumasok ka sa kuwarto ko—"

"This is my room," malalim ang boses na sagot niya sa akin.

Pinangunotan ko siya ng noo at parang gago akong nakalimutan na nakatapis lang pala ako ng tuwalya dahil lumapit ako sa kaniya at namaywang. "Excuse me? Walang nakalagay na pangalan mo sa harapan ng pinto. Wala ring kahit anong gamit 'to noong in-occupy ko! Boss kita pero mali na angkinin mo—"

Bigla siyang ngumisi sa akin at naroon na naman ang mga mata niyang sobrang lalim kung tumingin kaya't napahinto ako sa pagsasalita.

Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo at muli ay nanliit na naman ako nang tapatan niya ako. Hindi ako katangkaran, mga 5'6 ft. lang ako.

"P–problema mo?" utal na tanong ko. Nawawalan talaga ako ng modo sa kaniya. Sukat ba naman tutukan ako ng kutsilyo sa first meeting namin, 'di ba? Oo na, putcha! Ako na ang naunang nanutok!

Vices Within VirtuesWhere stories live. Discover now