Chapter 7

417 30 6
                                    

NAGKUKUMAHOG akong umuwi ng kaniyang mansion nang hindi man lamang siya nilingon. Para saan pa, 'di ba? Baka ako pa ang isunod niya kung sakali at mas hindi ko maaatim 'yon.

Hindi pa ako ready na machugchug, shet. Virgin pa 'ko! Never kong binalak na maging virgin ghost, huy!

Kung ano-ano pang naiisip kong kabugokan samantalang ito na nga ako at hindi na makahinga kakatakbo huwag lang akong mahabol ng mamamatay-tao kong amo.

Nang marating ko ang mansion ay agad akong tumuloy sa kuwarto ko at sinigurado kong naka-lock iyon nang maigi dahil mahirap na at baka matuloyan talaga kong mapatay sa mga nalalaman ko. Masyado na rin kasi akong maraming nalalaman—baka panahon na talaga para patahimikin ako.

Kagat-kagat ako sa kuko ko habang nakasandal ako sa pader. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong isipin o kung ano ang hakbang na dapat kong gawin. King ina! Pinakanakababaliw na sitwasyon na 'to sa lahat ng nasuongan ko sa buong buhay ko.

Una, iyong patay na tao, hindi ko alam kung dapat ko bang i-report iyon o hayaan na lang kasi wala naman akong kinalaman doon. Pangalawa, paano ako haharap sa amo ko gayong alam ko mismo na naroon siya sa pinangyarihan ng krimen. Pangatlo, what if magpanggap akong walang nakita at walang alam? Magiging okay pa rin kaya ang trato sa akin ng amo ko—I mean, hindi niya kaya ako papatayin?

Nasa kung ano-anong isipin ako nang halos mapatalon ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok na nagmumula sa pintuan ko.

"Open the door," anang baritonong tinig na laging nagpapalambot ng tuhod ko.\

"B–bakit po, B–Bossing Sir?" Hindi ko talaga napigilan ang pagkautal ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Must I talk to you behind closed door?" bakas ang iritasyon aniya.

"P–po? H–hindi, ah. Wait lang m–magbibihis lang ako!" alibi ko para lang makalma ko pa ang sarili ko.

Nakailang buntonghininga lang muna ako bago ako naglakas-loob na buksan ang pinto.

Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang mukha niyang napaka-angas talaga—putcha! Mapatay man talaga ako ngayon nito parang kalangit-langit na, e. Ahhhhhhhh!

"Did you change?"

Napayuko ako sa kabuoan ko dahil sa tanong niya. Lintik! Hindi ko man lang napansin na putik-putik pa rin ang suot ko.

"O–oo? Hindi lang halata kasi d–dugyot talaga akong tao," sagot ko nang pabiro at utal-utal habang nananalangin na bilhin niya ang alibi ko.

May bigla na lamang siyang inihagis na paper bag sa akin na muntik ko pang hindi masalo dahil sa bilis ng pagkakahagis niya. "Wear that. I'll see you downstairs in five," aniya at saka na ako nilayasan na para bang wala lang. Forte niya talaga ang pagiging walang pakeng nonchalant, ano?

Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at inilabas ang damit mula sa paper bag. Halos mapanganga ako nang makita ko mula roon ang isang puting gown na sobrang ganda dahil may mga brilyante pa ito mga lining.

"Ikakasal ba kami? Parang wedding gown na 'to, ay! Puwede rin damit sa burol ko kapag natsugi na niya ako, shet!"

Kung ano-ano'ng iniisip ko dahil wala talaga kong ideya sa kung ano ba talagang pinaplano niyang gawin sa akin. Pakiramdam ko kasi ako na ang susunod niyang biktima.

Naghilamos lang ako ng katawan bago nagbihis at nagpahid ng kaunting pampaayos ng mukha para mamatay man ako ngayon, atleast mamamatay akong maganda bago ako bumaba.

Nadatnan ko siyang nakasandal sa pinto patalikod sa akin habang parang may malalim na iniiisip.

What if saksakin ko na siya ngayon habang nakatalikod siya? Kumbaga mauuna ko na sana siyang patayin kaysa ako pa ang patayin niya. Advance kasi akong mag-isip—habang hindi nag-iisip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vices Within VirtuesWhere stories live. Discover now