Chapter 23

5.3K 78 11
                                        

CHAPTER 23

PINATILI kong seryoso ang tingin ko kay Giveon pagkatapos ng sinabi niya. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko pero ayokong ipahalata na naaapektuhan ako sa kanya. We need to talk, we need to settle this for once. Kapag sinabayan ko pa ang sinabi niya ay baka hindi na kami makapag-usap pa. Alam kong hindi lang halik ang pagsasaluhan namin ngayon pa na ilang buwan din kaming hindi nagkita.

“Mag-uusap ba tayo o maglolokohan na lang dito?” Kunot ang noong tumitig ako sa kanya.

Nakita ko ang pagnguso niya. Sa tagal kong pagtitig sa kanya ay doon ko lang talaga napansin na may nagbago sa kanya. Bumaba ang paningin ko sa katawan niya at doon ko napansin na lalong lumaki ang katawan niya, pumuti siyang lalo at nagdagdagan ang taas niya. Mas lalo din siyang gumwapo. Lihim akong napangisi.

“Ang seryoso mo.” He sat down beside me at hinarap ako. I feel his hand crawled onto mine. Mahigpit niya iyong hinawakan. “Ask me anything you want. Tell me the reason why you leave me without saying a word. What i did wrong—”

“What you did wrong? Seriously, Veo? You really asking me that?” sarkastiko akong tumawa ng bahagya. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit hindi niya hinayaan na mabawi ko iyon.

“Yes, Ymee. Dahil nagtataka ako, nalilito kung bakit at kung anong dahilan!”

Sa oras na iyon ay nanumbalik muli ang lahat ng alaala na nangyari noon. Ayokong umiyak ngayon, ayokong magmukhang mahina na naman sa harap niya. Tapos na akong maging mahina. Pero paano kung mapipigilan kung lahat ng sakit sabay-sabay kong naramdaman. I feel my tears in my right cheek so I wipe it immediately by my free hand.

“A-Ang sobrang manhid mo naman, Veo. Sarili mong kasalanan hindi mo alam? Kahit nakakasakit kana ng iba, hindi mo pa rin ramdam!” Natawa pa ako ng humigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. “You're so heartless.”

“Ymee...”

Tumingala ako ng maramdaman ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. “Akala ko noon nagbago kana talaga. Pero lahat iyon akala ko lang. Nakakainis. Nakakainis dahil ang dali kong naniwala sa'yo. M-Magkababata tayo kaya dapat alam ko ang takbo ng bituka mo. D-Dapat alam ko na si Sophia lang ang m-mamahalin mo buong buhay mo. Masyado akong naging marupok na pinaniniwalaan ko agad ang lahat ng pinapakita mo. Akala ko kasi totoo na. Akala ko unti-unti mo na rin akong nagugustuhan dahil sa mga kilos na pinapakita mo. Ang ilusyonada ko din kasi minsan. Lahat ng pinapakita at ginagawa mo ay binibigyan ko ng kahulugan.” I wiped my tears again but he stop me. Pinaharap niya ako at siya ang nagpunas noon. Hindi ako makaangal.

Nakita ko ang kunot niyang noo at ang pandidilim ng mukha niya. Para bang may sinabi ako na hindi niya nagustuhan.

“Si Sophia ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan?”

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Sa haba ng sinabi ko ay ang tungkol kay Sophia lang ang napansin niya. Inis kong winaksi ang kamay niyang nagpupunas sa luha ko.

Nawala ang emosiyon sa mukha ko. “Kung ano man ang dahilan ko ay wala ka ng pakialam doon. Malusog kong pinanganak si Ycob, iyon ang mahalaga.”

Sinubukan kong tumayo ngunit hinawakan niya ang baywang ko at hinila palapit sa kanya. Dahilan iyon para mapaupo ako sa kandungan niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan kong lumayo ngunit masyadong malakas at mahigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.

“I'm asking you Ymee, si Sophia ba ang dahilan—”

Taming the Hot Doctor [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE]Where stories live. Discover now