Chapter 11

3.9K 71 0
                                    

CHAPTER 11

NANG maghapon ay agad akong nagsuot ng swimsuit na nabili ko nang araw na pumunta kaming San Jose. It was a black two piece. Pinatungan ko muna iyon ng damit ni Giveon. Kinuha ko lang iyon sa kwarto niya kaninang umaga.

Naglalakad ako patungo sa cottage namin ng mahagip ng paningin ko si Giveon na may kausap na dalawang babae. Agad na sumama ang mukha ko. Inis akong nagtungo sa cottage at pabagsak na naupo sa upuang naroon. Natatawa namang tumingin sa akin si Gab na sa tingin ko ay nakita ang pangyayari.

"Selos 'yan?" he teased then sat beside me.

"Why would I?" mataray na wika ko naman.

Napailing ito at pinakita sa akin cellphone niya. Nakita kong nasa message iyon kaya kinunutan ko siya ng noo.

"I'm pranking some girls here. You want to see it?" Nang ngumisi ito sa akin ay tumaas ang kilay ko.

Dahil curious ako sa sinabi niyang prank ay lalo akong lumapit sa kanya upang tumingin. Hinarap niya sa akin ng bahagya ang cellphone niya upang makita ang mga messages nila. Halos lumuwa ang mata ko ng mabasa iyon. Hinampas ko siya.

"What are you? You're so eww, lumayo ka nga!" I hissed then pushed him away from me. Tumatawang lumayo naman siya.

"Maka-eww naman 'to. Masama bang magtanong ng kulay ng bra?" Bumungisngis siya sa harap ko kaya halos batuhin ko na siya ng suot na tsinelas.

"Ang gago mo! Lumayo ka!" Sinamaan ko pa siya ng tingin. Nang tumawa lang siya ay tumayo ako at naglakad patungo sa puwesto niya.

Napansin niya iyon kaya bago pa ako makarating sa puwesto niya ay agad siyang tumakbo papalayo. I ran after him. Akala ko talaga noong una ay matino ito ngunit nagkamali ako.

"Ymee, ipagtitimpla pa ba kita ng juice?" Rinig kong sigaw ni Manang.

"Yes po!" I shouted back.

"Ako din po, Manang!" sigaw din ni Gab.

Paikot-ikot lang naman kami dito. Lalo lang talaga ako nainis nang magtungo siya kay Giveon. Natigil tuloy ang pag-uusap nila ng mga babaeng kasama niya. Kunot ang noo kaming tiningnan ni Giveon.

"Stop running, will you?" inis na bulyaw ko. Hindi ko inaasahan na mas mabilis pa pala siya akin.

"Stop chasing me then." Imbis na tumigil ay mas lalo ko lamang na binilisan ang takbo ko maabutan lang siya.

"Kapag nahuli kita talagang--Ayy kalabaw!" Nagulat ako nang hablutin ni Giveon ang baywang ko at hinila palapit sa katawan niya. Napairap pa tuloy ako sa dalawang babaeng kasama niya kanina ng wala sa oras.

"What are you two doing?" Giveon asked and gave Gab a death glare.

Hindi ako sumagot. Ramdam ko pa din ang inis ko sa kanya. Nang tumingin ako sa likuran niya ay nagpanggap muli akong nagulat. Susubukan ko lang ulit ang ginawa ko noong nasa San Jose kami. Nagpumiglas ako para maging katotohanan ang akting ko.

"Sophia!"

Akala ko ay bibitawan ako ni Giveon at tingin sa likuran nito ngunit hindi. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin, kunot ang noo na naghihintay sa sagot ko sa tanong niya. Narinig ko pa ang maghagikhik ni Gab. Sinamaan ko siya agad ng tingin.

"Can you help me here? Ikaw ang may kasalanan nito!" asik ko.

Ngumisi lang siya sa akin at tumingin sa dalawang babae. Napanguso ako ng yayain niya ang mga ito at sabay silang umalis sa harap namin. Paulit-ulit kong namura si Gab sa isip ko.

Taming the Hot Doctor [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora