Chapter 4

4.5K 74 0
                                    

CHAPTER 4

"TALAGA bang kaya mo na?"

Paulit-ulit na tinatanong ng apat iyan sa 'kin. Nasa flower shop kami ngayon. Pinaaalis ko na sila dahil alam kong marami din silang gagawin. Hindi naman pwedeng manatili sila rito at hayaan ang mga importanteng gagawin nila.

"Okay na nga ako dito. Umalis na nga kayo!" umiling-iling na wika ko.

Tumango naman sila at bahagya akong inirapan. Lumapit si Seham at pinatitigan ako kaya taas ang kilay na tiningnan ko rin siya. Ano na namang problema niya?

"Baka mamaya ay aalis ka na naman bigla at pumunta doon sa best friend mo." Napanguso ako sa sinabi niya.

"What? Last na iyong kagabi. Nataranta lang naman ako."

"Marupok ka pa naman." Inayos ni Myna ang buhok saka ngumisi sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko. "I'm not marupok! Ano ba!" singhal ko sa kanila.

Natatawa namang lumayo sila, takot na mahampas ko. Mabigat pa naman ang kamay ko, kahit mahinang tampal ay masakit na.

"If you said so. Aalis na kami. Iyong bilin namin sa'yo." Leizel smirk at hinila na ang tatlo.

"Opo, Mama!" Siniringan ko sila saka nagpatuloy sa pagtatrabaho.

Inaba ko ang sarili ko sa flower shop. Hindi ko hinayaang maisip iyong nangyari kaninang umaga. Sinubukan kong kalimutan iyon sandali. Hindi na kasi maganda ang epekto no'n sa 'kin.

Nilibot ko ang paningin sa buong lugar. Puno ng mga magaganda at sari-saring bulaklak. Malaki itong flower shop ko. Katunayan ay may roon akong flower shops sa iba't ibang lugar sa Manila. Napalago ko ito ng mag-isa. Ayaw kasi ng pamilya ko ang desisyon kong mamahala ng flower shop. I'm the only child, nag-iisang eredera. But hindi ang mamahala ng kompanya ang gusto ko. Kahit hindi gusto ng magulang ko ay pinagpatuloy ko ang pangarap ko. Dito ako masaya.

Nang tumunog ang pinto ay sinalubong ko ito ng magandang ngiti. Ngunit nawala iyon ng mapagsino ang pumasok.

"Iyong dati pa rin ba? Sandali at ihahanda ko." Tumalikod agad ako. Bakit ba nakalimutan kong lagi siyang nandito para bumili ng bulaklak para kay Sophia.

Hindi ko na inisip ang sinabi niya kagabi ang tungkol sa panloloko kuno ni Sophia. Alam ko namang kahit paulit-ulit siyang saktan ng babae ay paulit-ulit din siyang babalik doon. He loves Sophia very much, saksi ako sa pagmamahal niya sa babaeng iyon.

Kinuha ko ang bulaklak na lagi niyang binibili, tulips iyon. Nang maramdaman ko siya sa likuran ko ay nataranta ako.

"Sandali lang talaga. Nagmamadali -" I didn't finish my words.

"Ymee..."

Natigilan ako ngunit agad na pinagpatuloy ang pag-aayos ng bulaklak. "Hmm?"

"Are you mad?"

Agad akong umiling. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo. "Hindi. Bakit naman ako magagalit?" Nilingon ko ang isang nagtatrabaho. "Mitch, may ginagawa ka?"

Lumingon siya sa 'kin saka umiling. Sinenyasan ko siyang lumapit na ginawa naman niya agad.

"Can you continue this? Tulad pa din ng dati." Ibinigay ko sa kanya ang sinimulan ko na. "Nakalimutan kong may pipirmahan pa pala ako para sa isang branch natin."

Hindi ko na nilingon pa si Giveon at naglakad na papasok sa opisina ko. Naramdaman ko ang mainit niyang titig ngunit isinawalang bahala ko ito. Kahit ngayon lang sana maging matiwasay ang araw ko. Walang iniisip na siya.

Taming the Hot Doctor [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE]Where stories live. Discover now