Chapter 17

3.7K 62 4
                                    

CHAPTER 17

"ANONG sinasabi niyong hindi na kayo pupunta dito? Even Koa? Gave me Koa's number!" inis na wika ko sa apat ng tumawag sila at sabihing hindi na muna sila matutuloy dito dahil may biglaan silang pupuntahan.

At talagang sabay pa sila. Pati si Koa ay hindi na raw matutuloy dito. At ano ipapaubaya na nila ako kay Giveon? Akala ko ba ayaw nila kay Giveon? So what are they saying now?

"Wala kaming-"

Pinutol ko na ang sasabihin ni Nyssa. "I'm pregnant, so if you don't want me to be stressed then gave it to me."

Hindi ako makapaniwala na agad silang natahimik. Hanggang sa narinig ko ang buntonghininga nila. Napangisi ako. Mukhang may pang-blackmail na ako sa kanila.

"We will send it to you," Leizel said.

Tumango ako. "Okay then, bye!" Saka ko pinatay ang tawag. Nasa garden ako ngayon, nagpapaaraw.

Hindi ko maiwasang alalahanin ang pag-uusap namin ni Giveon kahapon. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na ako nagsalita. Alam ko namang wala na akong magagawa. Matigas ang ulo ng lalaking iyon. Natigilan ako sandali. Napalabi ako. Dalawang ulo pala ang matigas sa kanya. Napairap na lang ako dahil sa naisip ko.

Nang matanggap ang mensahe nila ay inuksan ko iyon. Numero ni Koa ang nakalagay. Agad ko na tinawagan iyon.

"Hello? Who's this?" Napangiwi ako dahil sa bungad niya.

"Can't you say hi, instead of that? Hindi ka pa rin nagbabago! This is Ymee."

Dala na siguro ng pagbubuntis ang laging mainitin ang ulo? Iyon kasi ang napapansin niya nitong nagdaang araw. Kahit wala namang ginagawa ang tao ay naiinis na siya. Kahit simpleng bagay na hindi naman big deal sa kanya noon ay napapansin niya at kinaiinisan na niya lalo.

"Ymee?"

"May kilala ka pa bang ibang Ymee? Of course this is me!" Naramdaman kong may umupo sa tabi ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Wala naman kasi akong ibang kasama sa bahay ko maliban sa lalaking makapal ang mukhang si Giveon.

"You're so masungit. Anong atin?" he said laughingly.

Sumama naman agad ang mukha ko. "What do you mean by 'Anong atin?', Koa Trevantes? You told me that you're going to sleep here, so what now? Where are you? Don't tell me tama ang sinabi ng apat? You also won't go here?"

Nang maramdaman ko ang kamay ni Giveon sa tiyan ko ay sinamaan ko siya ng tingin. Ngumuso siya sa akin at hinimas ang tiyan ko. Sumenyas akong umalis siya ngunit umiling lang siya. Inis na nilayo ko ang kamay niya at tulad ng sinabi kong matigas ang ulo niya ay lalo niyang pinanindigan iyon. Muli niyang ibinalik ang kamay niya sa tiyan ko at paulit-ulit na hinimas iyon.

"The father of your baby was there already. Do you still need me? Baka ibalik ako agad niyan sa America."

Sinamaan ko ng tingin si Giveon na ngumiti lang sa akin. "Eh ano kung nandito siya? Yes I really need you here. Don't worry sasama ako sa'yo kung ibabalik ka niya agad doon." Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya pagkatapos kong sabihin iyon kay Koa. Ayan ngiti-ngiti ka pa.

"End it now!" matigas at malamig na wika ni Giveon na kinataas ng kilay ko.

"What? He was there beside you? He heard it?" Koa asked.

"Yes, what's the problem?" Hindi ko pinansin si Giveon na mas lalong dumilim ang mukha.

Akala ko ay titiklop na lang si Koa nang malamang nandito nga sa tabi ko si Giveon at nakikinig but when I heard his answer ay napangisi akong tumingin kay Giveon.

Taming the Hot Doctor [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE]Where stories live. Discover now