21

160 6 0
                                    

"Hoy!" tawag atensyon ko sa mga kasama ko dito sa bahay! Ewan ko ba kung anong nangyayari!

Bigla nalang silang parang naging aligaga, imbes na nasa school sila Soleil and Amber, andidito sila ngayon sa bahay na hindi ko alam kung bakit.

"Kanina pa ako salita nang salita dito mga ponyeta pansinin niyo naman ako!" medyo frustated ko ng sabi. Abah! Hindi nila ako pinapansin dahil may ginagawa silang hindi ko naman alam kung ano!


Nakakainis na ha! Hindi manlang nila ako kausapin!


"May nagawa ba ako?" Naiiyak ko nang sabi sakanila, kanina ko pa sila kinukulit at hindi ko na kasi kaya eh hindi nila ako kinakausap. "Sabihin niyo naman oh kung meron," nanginginig na ang boses ko.


"Huy! H'wag kang iiyak," si Andrea.


"Bakit hindi niyo ako pinapansin?" tanong ko.


"Basta h'wag kang iiyak,"


"Bakit nga?!" Paiyak na talaga ko.


"Basta wag iiyak," ulit niya sa sinabi niya kanina.


"Potangina ka ba?!" 


Hindi siya umimik, "Oy sorry na!" Hingi ko ng tawad baka kasi nasaktan niya sa mura ko.


"Ayus lang, basta h'wag kang iiyak," sagot niya.


Hindi ko na alam ang gagawin ko! Pumasok nalang ako sa trabaho at inabala ang sarili ko sa trabaho at pag aasikaso sa shop, nang sumapit ang hapon ay saka lang ako bumalik sa bahay pero walang tao.


"Asa'n sila?" tanong ko, patay kasi ang mga ilaw at sobrang tahimik. Literal na walang tao.


Lumapit ako sa sala at binaba ang bag ko doon bago kumuha ng tubig sa kusina at uminom, saktong may bumusina nang ibaba ko na ang baso. Napakunot ang noo ko, sino naman kaya 'yon?


May biglang pumasok sa loob ng bahay namin at kung hindi ko pa nakilala ay malamang binato ko na sakaniya ang basong hawak ko! Hindi ko pa naman binitawan eh! Binaba ko lang pero hindi ko pa binitawan! Magkaiba 'yon!


"Cold?" tawag ko sakaniya. "Anong ginagawa mo dito?" as much as possible i don't want to sound rude but it turned out to be that way.


"Let's go," lumapit siya sa akin at hinawakan ang palapulsuhan ko, napatingin naman ako don.


"Saan?" tanong ko, "Saka wala sila Andrea baka hanapin ako," ayaw ko pa namang pinag aalala ang tatlong kasama ko dito sa bahay.


"It's okay, they already know about this." Sagot niya.


"Huh?" tanong ko, naguguluhan. "Ano?" hindi ko gets, hindi ako makasabay sakaniya.


"You will know once we get there," he smile a bit.


STARS IN THE NIGHT SKY (Model Series #2)Where stories live. Discover now