Bumalik na ako sa pagkakaupo at tinitigang muli ang maliit bote. I badly wanted to try it pero natatakot din ako na hindi umayon sa gusto ko ang magiging resulta. So I hid it on my drawer along with a few skin care products I purchased before. Hindi sila naging hiyang sa akin, almost a week ko pa lang gamit, lerk ramdam ko na ang pangangati at paghapdi ng mukha ko. Natakot ako na baka lalong lumala kaya itinitigil ko. Hindi ko rin naman maiwasang hindi pa rin bumili ng ibang products kasi nakikita ko na gumagana sa kanila. I bought them for a chance that it might work on me too. I am always stuck sa "what if."

I'll probably use the recent one when I got the courage to do so. Sa ngayon, inatake ako ng pangamba.

Tumayo na ako at naghanda para maligo. Weekends ngayon at wala kaming pasok pero nangako kasi ako kay Shania na manonood kami ng kinababaliwan niyang anime ngayon. Sa kanila kami manonood dahil masikip sa bahay at hindi supported ng TV namin ang Netflix.

Habang sinasabit ko ang tuwalya sa likod ng pinto ng CR namin, naalala ko ulit 'yong lalaki.

Nakita ko siya sa SPED building. So, he's probably . . . a student from that building. Hindi ko masyadong naalala 'yong hitsura ng uniform niya kasi masyado akong focused sa mukha niya. Pero minsan may nakasasabay akong pumasok na SPED student din at base sa uniform nila, may special crest ito sa dibdib. Bagay na wala sa aming ordinaryong estudyante ng Liverpool High.

Napaisip naman ako kung SPED student nga siya, ano ang disability niya?

May idea na ako pero ayaw kong in-acknowledge. Iwinaglit ko na lang sa isipan iyon. Ang dami ko nang pinoproblema, pati pa naman iyon ay idadagdag ko pa sa iisipin ko?

I immediately prepared myself. Nagsuklay lang ako at kahit na gustong-gusto kong maglagay ng baby powder sa mukha ko gaya ng nakagawian ko noon, hindi ko ginawa. Baka kasi mairita ang balat ko sa mukha. Kaya sa dibdib ko na lang nilagay.

Hindi ko alam kung pinanganak ba akong malas o ano, pero hindi lang mukha ko ang may taghiyawat talaga. Pati likod ko, mayro'n! Maliliit lang naman sila at walang mga nana, pero may karamihan din. Naghihilod naman ako ng likod. Naiirita ako sa sarili ko kung bakit ba ako naging ganito. Wala akong ibang masisi sa nangyayari sa akin, kaya 'yong sarili ko na lang.

Paalis na sana ako nang maalala kong hindi pa pala ako nakapaglalagay ng sunscreen sa mukha. Kung may bagay man akong hindi takot ilagay sa mukha ko, ito ay 'yong sunscreen lang. Hindi talaga ako naglalagay nito noon, tanging aloe vera lang ang nilalagay ko sa mukha ko after maghilamos. Para sa akin, iyon na ang skin care ko.

Pero simula nang taghiyawatin ako, I started to religiously apply sunscreen on my face. Sabi kasi nila, kahit anong apply mo sa mukha ng skin care, kung walang protection, bale wala rin. Masisira pa rin ang balat mo.

Wala akong salamin kaya nilabas ko na lang ang phone ko para makita sa screen ang sarili. I applied a generous amount on my face, pati leeg ko ay nilagyan ko na rin at saka lumabas na ng kwarto.

"Ma! Punta lang po ako kina Shania!" paalam ko saka hinanap si mama. Nakita ko siya sa may kusina at gumagawa ng leche flan para itinda online.

"Sige, may pamasahe ka na ba d'yan? Anong oras ka uuwi?"

Nilapitan ko siya at nagmano sa kaniya. "Mayro'n na po. Saglit lang naman ako sa kanila kaya baka mga bandang alas tres, makakauwi na po ako."

"O siya sige, mag-iingat ka! Ay sandali!" Kinuha ni mama ang isang tupperware na may lamang leche flan. "Ibigay mo na rin ito kina Shania para hindi nakakahiyang pumunta ka roon na walang dala. O sige na, pumaroon ka na."

Kinuha ko ang tupperware at niyakap siya. Pagkahiwalay namin ay kumuha pa siya ng eco bag na packaging din ng tinda niya saka ito inabot ulit sa akin.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta kina Shania. Wala talaga akong dalang pera para sa pamasahe, pero hindi naman ganoon kalayo ang bahay nina Shania sa amin kaya madalas ay nilalakad ko na lang.

"Grabe ang sarap talagang magluto ng mama mo, Soojin-ah!" halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Shan dahil puno ng leche flan ang kaniyang bibig.

Sabi niya, gagawin daw naming "snack" habang nanonood ng anime ang leche flan na pinadala sa akin ni mama. Pero hindi pa nga nabubuksan ni Shan ang TV nila, nangangalahati na siya sa dessert.

Tumayo siya at takang sinundan ko siya ng tingin. Pagkabalik niya hinila niya ang kamay ko at may inilagay roon.

" 'Yan, bayad ko 'yan sa leche flan ngayon tapos ito naman, bayad ko para sa isa pa. Dalhan mo ako sa Monday, ha!"

Nanlaki ang mga mata ko at pilit na ibinabalik sa kaniya ang pera. "Oy! H'wag mo nang bayaran ito, ano! Bigay 'yan ni mama."

She shoved the money to me again. "Hindi! Babayaran ko 'yan! Support small business nga, 'di ba! Baka malugi pa kayo nang dahil sa akin, kaya tanggapin mo na!"

"H'wag na nga, Shan—"

"Sige ka, magagalit ako!"

Bigla kong kinuyom ang palad ko para tanggapin na lang ang pera. I sighed while she grinned at me.

"Pasalamat ka, ayaw lang kitang magalit kaya tatanggapin ko 'tong pera. Pero next time, kapag sabi ni mama na 'bigay' niya, h'wag mo nang babayaran, ha!"

Tumango-tango siya sa akin habang nakangisi pa rin. Kumunit ang noo ko. Naningkit ang mga mata. Nagdududa. Pakiramdam ko kasi na kahit sumang-ayon siya sa akin ngayon ay magbabayad pa rin siya. Medyo makunat din naman kasi itong si Shania.

Kinuha ko na lang ang tupperware at nakikain sa leche flan. Shania then finally opened their TV. Tumayo ulit siya at sa pagbalik niya may dala na naman siyang mga pagkain. Kaming dalawa lang ang nandito sa salas nila. Ang kuya niya ay nasa kwarto at hindi ko alam kung ano ang ginagawa. Ang mga magulang naman ni Shania at nasa trabaho raw.

Sakto lang sa kanilang apat ang laki ng bahay nila. Dalawang palalag at moderno ang disenyo sa loob o labas man ng bahay nila. Hindi sila ganoon kayaman pero mas maganda ang pamumuhay nila kumpara sa amin.

"Ayan na! Napanood ko na talaga 'to lahat. Hinihintay ko na lang ang season 2. Pero panonoorin ko ulit para sa 'yo! Dapat sabay tayong mai-in love kay Yor!"

Natuon ang atensyon ko sa TV nila at nagsimula na kaming manood. Pakiramdam ko nga ay hindi ko na talaga kailangang manood kasi bago ko pa mapanood 'yong mga kaganapan, inuunahan na ng kuwento ni Shan. Sobrang spoiler niya! Kaya naman imbis na tahimik kaming nanonood, panay ang suway ko sa kaniya na tigilan na niya ang pang-i-spoil. Natatawa na lang ako sa sitwasyon namin ngayon.

Nahupa lang ang pagtawa ko nang ma-realize na sobrang iba na ang ginagawa ko ngayon. I am never a fan of anime. Mahirap din kasing makanood, wala kaming Wi-Fi at old version ng flat TV lang ang mayro'n kami. Kaya madalas, tuwing weekends noon ay rumaraket ako for modelling o 'di kaya ay nasa bahay lang at nag-aaral. Minsan lumalabas din ako kasama sina Priscilla sa mall pero hindi naman ako naglalabas ng pera palagi para gumastos. Libre halos lahat ni Priscilla. Pagsha-shopping ang "bonding" naming magkakaibigan noon.

Masasabi kong hindi pala lahat ng pagbabago na naganap sa buhay ko ay hindi ko gusto. Sa tingin ko, mas masaya ang ganito. Kahit isa na lang ang kaibigan ko, at least alam kong she's genuine. At masaya ako na kasama ko si Shania ngayon at nanonood ng anime as one of our bondings. Isa ito sa mga pagbabagong nagustuhan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Beauty Within | BeYOUtiful #1Where stories live. Discover now