Chapter 4

110 1 0
                                    

Chapter 4



Mariin ang titig ko sa botelyang nasa study table ko. I've been saving up for this. Ang tagal kong pinag-ipunan at pinag-isipan kung worth it nga bang bilhin. Hindi ko malalaman kung hindi ko sususbukan, hindi ba? Wala namang mali kung susubukan ko.

Pero mayro'n. Kung hindi mawo-work o mas angkop na sabihing, kung hindi magiging hiyang ang mukha ko rito, paniguradong mas lalong maiirita ang mga tigyawat ko.

Pero . . . I saw a lot of reviews na effective raw sa kanila. May mga severe acne na gumaling. Mas lalong nagpa-bright at kinis ng mga mukha nila. Kailangan lang amging religious sa paggamit.

Pero . . . aware din naman ako na iba-iba kami ng skin types kaya baka kung gumana sa kanila, maaaring hindi naman gumana sa akin.

Out of frustration, tumayo ako sa kinauupuan ko at sinalampak ang sarili sa maliit na kama.

Kung mayaman lang sana kami edi sana afford ko na magpa-derma. Kaya kong i-maintain ang pagpapa-derma. Unfortunately, hindi kami mayaman. Once lang kaminh nagpunta sa derma ni mama, pero ako na ang nag-decide na h'wag nang bumalik dahil ang mahal.

Single mom ang mama ko. My Korean father left us when I was 8 months old. Ang sabi, magtatrabaho raw ito sa Korea, pero hindi na siya ulit pa nagparamdam pagkatapos. Kaya simula noon, my mom was also my father. Nagdoble kayod siya para mabuhay ako. Alam ko kung gaano kalaki ang sakripisyo sa akin ni mama kaya ayaw ko nang dagdagan pa ang tatrabahuhin niya para lang sa pagpapa-derma ko.

Napabuntong-hinga ako habang tulalang nakatingin sa kisame. Ang hirap maging mahirap. Kailangan mong maging mayaman para ma-maintain mo ang kagandahan mo.

Bumangon ako at unang bumungad sa akin ang luma kong trophies na nasa taas ng aparador ko. I felt a sad pang of nostalgia struck on my chest. Ang mga trophy kasi na iyon ay napalalunan ko sa pagsali sa mga beauty contest.

Having a different nationality is an advantage in this country. Tingin ng iba sobrang ganda mo kapag may iba ka pang lahi. People adore you. Treat you better. Masaya ako na nanalo ako noon kasi malaking tulong sa amin ni mama ang mga cash prize na napapalanunan ko. Anumang halaga ng mga ito.

Pero ngayon, hindi na ako makatulong kay mama. Nakalulungkot. That was my way to payback her sacrifices, yet, nawala pa.

I remembered na may part-time modelling job ang in-offer sa akin bago ako mag-start mag-grade 9. Kaso nagkataghiyawat ako. Acne breakout. Kaya hindi natuloy. I felt some part of me shattered on that day. I am so angry with myself. Sinisisi ko ang sarili ko kasi I lost that oppurtunity.

Pero nag-sink in din sa akin na . . . hindi ko piniling taghiyawatin ako. Hindi ko 'to ginusto. At hinding-hindi kahit kailan.

Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan. Gagawin ko. Kung ano mang mali ang nagawa ko para humantong sa ganito ang balat ng mukha ko, itatama ko.

But I can't.

Nilibot ko ng panginin ang kwarto ko. Maliit lang ito. Enough lang para magkasya ang maliit kong kama't aparador pati na ang study table ko. Wala nang slace para sa book shelf kaya nagpatulong na lang ako da kapitbahay namin na maglagay ng wall shelf. Napangiti ako. Itong maliit kong kwarto ang naging fortress ko simula no'ng taghiyawatin ako.

I was afraid of the changes kaya pinili kong magkulong na lang halos sa kwarto. Taliwas sa madalas mong gawin noon na palaging nasa park para sa mga sideline na modelling. O hindi kaya sa mga basketball court para rumampa tuwing may pageant.

Sabi nila, para daw magmukhang malaki ang maliit na kwarto, maglagay raw ng malaking salamin para magkaroon ng ilusyon. Pero ni maliit na salamin ay wala ako. Hindi ko makayanang matingnan ang reflection ko sa salamin. Sa tuwing nakikita ko kasi ang hitsura ko, hindi ko maiwasang ma-miss 'yong dati kong mukha. Na siyang lalong nagpapalungkot lang sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beauty Within | BeYOUtiful #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon