Tumigil kami sandali sa paglalakad, “Teka, maligo ka nalang kaya sa ulan para mabanlawan 'yang putik sa katawan mo? I'm sure they won't let us to use the school's bathroom kapag ganyan ang itsura mo.”

Pinunasan ni Kaloy ang putik sa 'king mata para makakita ako, ganun rin sa labi ko.

“No, nahihiya ako. Naka uniform ako saka nandito pa tayo sa loob ng campus, gagawin nila akong katawa-tawa. No, I'm not going to do that---”

“Sasamahan kita,” aniya at sabay naming sinalubong ang malakas na ulan.

Magkahawak ang kamay namin, “Wag mo bitawan ang kamay ko, sasayaw tayo sa gitna ng ulan. No one will mistreat you, as long as I'm here who'll protect you. Keep that.”

Napangiti na lamang ako, siguro ito ang unang beses na naging kaibigan si Kaloy sa 'kin. Masaya kaming dalawa na sumasayaw, lumakas lalo ang ulan ngunit lalo lang namin inenjoy iyon.







“GET IN, bilisan mo.” naging cold na naman ang boses ni Kaloy, pareho kaming basa at ngayon ay nag-aalinlangan pa akong pumasok sa kotse niya. “Pumasok ka na, bilis,” naiinip na niyang utos.

Umiling ako, “Eh paano kapag nabasa ko 'yang kotse mo edi—”

“Edi linisan mo, bilis! Pasok na.”

I greeted my teeth just to hide my anger, napaka bipolar ng gagong 'to. Kanina lamang ay ang bait-bait pa niya, tapos ngayon asal abnormal na naman ang kumag. Peste siya, umasa pa naman ako na namayapa na 'yong demonyong kaluluwa niya. Nag bakasyon lang pala ng ilang minuto, kalaunan bumalik kaagad, na miss ata ang among abno.

“I can hear what you're thinking, get in! Ang bagal!” reklamo niya kaya mabilis na akong pumasok.

“Napaka apurado mo talaga, sasakay naman ako e.” reklamo ko rin. Sinulyapan niya lang ako saka inirapan.

“Whatever,” he sighed, “Andyan 'yong bag mo sa back seat dinala ko kanina no'ng matapos yung klase natin bago kita pinuntahan sa field.”

Agad kong kinuha ang bag ko, bubuksan ko palang sana ang cellphone ko nang magsalita na naman si Kaloy, “Don't open your social media accounts kung ayaw mong ma depress sa sinasabi ng ibang tao sa 'yo. I have a mystery box above your head, kunin mo 'yong susi sa 'kin at kunin ang towel dyan.”

Napaawang ang bibig ko sa gulat, “Ano?! Mystery box sa ulo ko? Kailan pa 'to ha?!” galit kong tanong sa kanya.

“Mystery box sa taas ng ulo mo, hindi sa ulo mo mismo. Tch, bobo talaga.”

I pouted at kinuha sa kanya ang susi, hindi na ako maputik pero ramdam ko parin na may natitirang dumi sa ulo ko kaya ginawa ko nalang pambalot sa katawan ang twalya para 'di ako lamigin.

He stopped the car, hinubad niya ang kanyang polo at sando sa loob saka pinaandar na naman ang sasakyan at pinatakbo. Kaloy is known as my best friend, hindi dapat ako umilang pero hinding-hindi rin talaga maiiwasan. I know that I'm just 16, and I can't deny that in this age ay lumalawak na rin ang pag-iisip ko. Nandoon na ako sa puntong baka magkaka-developan kami ni Kaloy kahit alam kong imposible 'yon at ayoko rin na mangyari, siguro epekto narin 'to ng mga stories na binabasa ko. But then, I'm still sticking to the idea na kapag barkada ay barkada lang. Wala din naman akong gusto kay Kaloy at alam kong ganoon din siya, pero inaamin kong may pagnanasa ako sa kanya minsan haha!

Hindi ko mapigilan ang mapangiti, parang tanga lang kasi 'di niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito.

“Too quiet, ang creepy na bigla nalang kitang makikita na ngumingiti. Did you see something or you're just being crazy?” tumaas ang gilid ng labi ng abno.

I shook my head at pinagpatuloy ang imagination ko, andun na ako sa puntong kunwari ay naging kami ni Kaloy. Iniisip ko na baka tinatarantado niya lang ako para magkagustuhan kami sa huli, tapos kapag nakita niya akong may kasamang iba ay iigting ang panga niya't hahawiin ako sa beywang, susuntukin niya ang pader tapos sasabihing, “Damn baby, I'm jealous.” ackkk!!!

Napa-aray na lamang ako at bumalik sa reyalidad nang pitikin ako ni Kaloy sa noo.

“Anong ‘Damn baby’ mo dyan? Kanina ka pa, 'di ka parin tapos sa imagination mo?”

Sumimangot ako, “Tse! Panira ka talaga. Teka, nasa'n na ba tayo?”

“Nasa'n lang, walang tayo.”

“Tse!” asik ko. Badtrip talaga ang abno.

Tumingin ako sa labas, andito na pala kami sa tapat ng bahay kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at bumaba. Wala nang ulan at sumisikat narin ang araw. Nasa gate na ako nang tawagin ako ni Kaloy, “Dress up and eat your lunch, hintayin mo 'ko at sabay tayong pupunta sa school or else— paliliguan ka na naman nila ng putik at damo.” aniya at tuluyan nang umalis.

Nakasimangot parin ako nang pumasok sa bahay, siguro hindi na uuwi si Nanay ngayong tanghalian kaya mag-isa na naman ako as usual.

Napaka worst naman ng first day ko sa school na 'yon, ang papangit ng ugali ng mga babae! Siguro kapag nalaman nila na kaibigan ko lang naman ang kinababaliwan nilang crush na si Xkeward La Veda ay kakaibiganin rin ako ng mga 'yon.

Sa aming magbabarkada, si Xkeward ang malakas sa chix dahil sa pormahang pang heartrob, siya rin ang pinaka sikat, at super talented. Actually, parehong-pareho sila ni Kaloy pero naiiba ang kasikatan nila, si Xkeward kahit saan mapunta ay maraming nakakakilala sa kanya, si Kaloy naman ay kilala ng buong Wistlellon at ng ibang Academies pero sa labas ay malimit lang na may nakakakilala sa kanya.

Tapos na akong maligo at magbihis, kumain na rin ako ng lunch. Hinihintay ko na lamang si Kaloy na sunduin ako.

“Tao poooo!”

Lumabas kaagad ako para tingnan kung sino ang tumatawag, yung meralco na naman. Kinuha ko ang bill namin at nagulat ako sa sobrang taas nito.

“Kuya, ang taas naman nito!” reklamo ko.

Tumawa siya, “Buti nga yung bill niyo tumaas, ikaw hindi HAHAHA!”

Alam ko naman na nagbibiro lang si Kuya e, pero pre, paano sakalin ang taong 'to na di niya nalalaman?

Pagkaalis ni Kuya ay sakto naman ang pagdating ni Kaloy, “Tara na, bilisan mo. Ayokong naghihintay, 'di ka kagandahan kaya bilis na!” aniya.

Walang utang na loob kaya naman mabilis kong kinuha ang gamit ko at sumakay na sa kanyang kotse.

“Oh, nasa'n na yung twalya ko?”

“Bukas nalang, di pa tuyo 'yon.”

“'Wag mo na ibalik yun.”

“Oh, bakit?”

“Abaa, malay ko ba kung pinahid mo 'yon kung saan-saan at—”

“Tarantado, ang dugyot mong tangina ka!”

Dahil hindi na naman kami nagkasundo ay hindi na rin namin kinausap ang isa't isa hanggang sa makarating kami sa school. Abno talaga siya!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)Where stories live. Discover now