CHAPTER 04

0 0 0
                                    

Nasa gate ako ng Wistlellon Academy, samu't-sari ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nakatingin sa 'kin lahat ng estudyante. Wala man lang akong kilala rito bukod kay Kaloy na siyang 'di ko pa maaasahan. Kung ang ibang transferee ay hinahangaan kaagad ng iba— naiiba ako. Sino ang hahanga sa isang tulad ko? Bobo na tapos sabi pa nila ay 'di ako kagandahan. Nakakababa ng confidence, lalo na kapag galing kay Kaloy ang salitang iyon.

Naglakad ako papunta sa special section, iniinda ko ang mga titig nila sa akin. Iniisip ko nalang na baka hindi sila sa 'kin nakatingin, assumera lang ako, ganun!

“Hey pretty,” may humarang sa 'kin na isang cute na babae. Naka JHS uniform din siya at mukhang ka-edad ko siya. Malapad ang ngiti niya na siyang ikinasingkit pa lalo ng kanyang mata. “H-hi,” nahihiya kong bati.

Wala siyang kasama, pero 'di rin naman masasabing loner siya. Pero bakit siya lumapit sa 'kin?

“I guess you're the new transferee,” she mentioned, I just nod.

“Oh by the way, I'm Chae Verrosa, president ng grade 10 special section. How about you?” aktibo niyang tanong, pati boses niya ay sobrang cute.

“Ahm, I'm Xaracci Gallero. But you can call me Racci, 'yan tawag sa 'kin ng mga kaibigan ko in my previous school,”

“So, kaibigan na kita. Is that?”

Hindi pa ako diretsong nakasagot, pero tumango nalang ako ng kaunti.

“Follow me, I'll lead you the way to our room, Racci pretty.” aniya na kumindat pa.

Sobrang sweet ng babae na 'to, napaka humble. Or maybe she's just doing this because of her obligation as a classroom president.

Sumulyap sa 'kin si Chae, at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, “The uniform suits to you very well, you're so pretty, Racci.” puri na naman niya. Actually, siya palang yung babaeng ilang beses akong pinuri kahit kakakilala palang niya sa 'kin.

“Halika,” bigla nalang niya ako hinila papasok ng room at pinaupo. “Tabi tayo,” she smiled. Hindi na ako umimik pa, ang dapat ay magpasalamat ako dahil may nag approach pa sa 'kin.

“I heard na magkaibigan kayo ni Custhin?” sambit niya. Tumango kaagad ako, kahit 'di ako sigurado kung kaibigan ko ba talaga ang gagong 'yon. “I’m his cousin, yung mama niya saka yung papa ko magkapatid,” nakangiti niyang sabi.

“Bakit parang isa kang Chinese?”

“Oh, my Mom is a half Chinese and my Dad is a pure Filipino pero mula pagka bata andito na talaga ako sa Philippines. Si Custhin, nag-aral siya sa America since he's just twelve years old.”

“Mayabang siya,” sambit ko

Nagulat si Chae sa sinabi ko, “Really? Custhin wasn't like that. I mean, he's just cold and sometimes naughty but---really?! Mayabang siya?!” napatakip pa siya ng bibig matapos tumaas ang boses nito.

Saktong pagkatingin ko sa pinto ay nando'n na si Kaloy, madilim na naman ang aura at may bitbit na tatlong libro. So rare for a guy, naalala ko pala— matalino nga pala ang abnormal na 'yan sabi nila at sabi niya rin, ewan ko nalang, basta napa roll eyes ako.

“Matalino ba talaga 'yang si Kaloy?” bulong ko kay Chae bago pa maka lapit sa direksiyon namin si Kaloy.

Kumunot ang noo ni Chae, “What? Who the hell is Kaloy?”

Oo nga pala, 'di pa niya alam na 'yon ang tawag ko sa abno niyang pinsan. “Si Custhin,” pangkaklaro ko.

“Yeah!” she immediately answered. “But calling him Kaloy is so cute, ikaw naka isip ng nickname na 'yan? So cute” aniya na naka puppy eyes.

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)Where stories live. Discover now