PROLOGUE

17 2 0
                                    


“Takbooo! Ayan na yung aso tang’na!”

Inubos ko lahat ng bilis na meron ako para makalayo sa limang aso na humahabol sa amin. Tumatagaktak na yung pawis ko, konting takbo nalang ay malapit na kami sa mga puno ng mangga nang makakaakyat at makakahinga ng malalim.

“Akyat! Racci dito tayo!” hinila ako ni Qrester at umakyat na kami sa puno.

Lumingon ako sa likod at halos maputol ang hininga ko nang muntik nang makagat yung paa ko, natatawang hinatak ako ni Qrester pataas. Kumapit ako sa malaking sanga at niyakap ito ng napaka higpit para siguradong ‘di ako mahuhulog.

“Hahahaha! Ayos, ang saya nun ah!” nakahawak sa tiyan na tumatawa si Qrester habang ang iba naman naming kaibigan ay nasa kabilang puno. Tiningnan ko ng masama ang kumag, ngumisi ito at unti-unting nagtatalon dahilan para gumalaw ang mga sanga pati na ang kinakapitan ko. “Gago! Itigil mo ‘yan!” nanginginig ang mga kamay ko at nababasa ang mga palad ko.

“Hoy Qrester itigil mo ‘yan! ‘pag nahulog yan lagot ka sa nanay niyan!” sigaw ni Talia habang nakakuyom pa ang kamao.

Nakaalis na ang mga aso pero paparating naman ata ang may ari ng puno ng mga mangga kaya umaksyon kaagad kami at inakyat pa lalo ang pinakataas na bahagi ng puno upang magtago.

Nakahawak ako sa likurang bahagi ng damit ni Qrester para humingi ng seguridad nang bigla niya itong alisin. “‘Wag ka kumapit sa ‘kin Racci, mahuhulog ako.” nanlaki ang mata ko at bigla nalang ako nadulas.

Akala ko ay tuluyan na akong nahulog pero buti nalang at nakakapit at nakayakap ako sa hita ni Qrester. “Ahhh!!! Gago tulungan mo ‘ko!” nahihirapan kong sabi.

Narinig kong tumawa ang ibang mga kasama namin habang ang mga babae naman ay naririnig kong humihingi ng tulong— tang’na pinagtitripan ako oh!

Kinagat ko nalang ang pwet ni Qrester, kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko iyon, sabagay mabango naman e— at masarap yung suot niyang shorts. Narinig ko siyang dumaing, halatang nagalit ang kumag.

Akala ko ay nakaganti na ako pero may biglang nag tirador sa ‘kin ng isang bato sa batok. Putcha! Mariin akong napapikit dahil sa sakit na dala niyon. Kung sino man ang nag tirador sa ‘kin— dagdag siya sa problema ko kainis!

“Ba't ka nangangaggat ng pwet!” reklamo niya nang may tumama na naman sa likod ko na maliit na bato.

“Itaas mo ako, mahuhulog ako dito!”

“Kumapit ka lang!”

“Di ko na nga kaya, tanga ka ba? Tulungan mo nalang kaya ako, hatakin mo ako!”

“Hatakin mo sarili mo Racci,”

Kumunot noo ko at umusok ang t’enga ko sa galit kaya kinagat ko siya ulit dahilan para dumaing ito ng napaka lakas.

“Iangat mo sarili mo Racci, kapkapin mo ako pataas!” aniya sa naiinis na tono.

Sinunod ko ang sinabi niya, kumapkap ako para makaangat at hindi mahulog nang biglang— syete, nanlaki ang mata ko dahil sa kakaibang naramdaman, napansin ko din na tumigil si Qrester sa kakalikot. “Q-qrester,” nauutal kong sambit.

“Shit!” rinig kong mura niya.

“M-may nahawakan akong sanga, kaso m-medyo di matatag tulad ng ibang sanga,” aniko at ginalaw ang kamay ko sa hinawakang sanga. “Shit!” mura niya na naman.

Nanlaki ang mata ko. “Tumigas yung sanga!” sigaw ko kasi kakaibang sanga ata ang nahawakan ko.

“R-racci,” he mentioned my name with his husky voice. “I-ibang sanga ang n-nahawakan mo,”

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)Where stories live. Discover now