CHAPTER 02

7 2 0
                                    

Maaga akong gumising sapagkat excited na akong pumasok ngayon sa school, nag ten minutes exercise muna ako bago ako maligo. While taking a bath, naalala ko lang 'yong mga friends ko, some of them are in different school at two weeks na kaming hindi nagkikita kasi ilan sa kanila ay iba rin yung Municipality.

After kong naligo ay sinuot ko na yung jeans at t-shirt ko. Yes, I'm not going to wear my school uniform kasi 'di ako a-attend ng class, pupunta lang ako para mag process ng requirements para sa pag transfer ko sa ibang school, sa Wistlellon Academy. Tumungo na si Papa sa States kahapon para ipagpatuloy ang trabaho bilang isang Architect, matagal pa ulit bago magkita.

"Xaracci." Mom knocks on my door so I immediately open it and she brought me a breakfast. "Ma, akala ko sabay tayo kakain ng umagahan ngayon?"

"No, maaga ako ngayo'ng pupunta sa trabaho at mukhang matatagalan ka pa ata. Tingnan mo nga 'yang buhok mo, oh, di ka pa nakapag ayos---"

"Ma, di naman kailangang mag ayos--"

"Ayy hindi, kailangan presentable ka sa harap ng ibang tao. Dapat alam mo kung paano alagaan ang sarili mo, Racci, dalaga ka na."

"Pero Ma--" di ko pa natapos ang sasabihin ko ay bumeso na siya sa 'kin at nagmamadaling umalis.

Napabuntong hininga na lamang ako saka nilagay ang tray ng breakfast ko sa lamesa at nagsimula nang kumain.


"LAHAT incomplete uniform pakilista ng pangalan niyo---"

"Magp-process lang ako ng requirements ko kaya ako naka civilian, please listen to me!" galit kong bulyaw sa campus officer ng school namin pero di ako pinansin. Hindi ko nilista pangalan ko pero hinablot niya yung suot kong I.D at tiningnan name ko saka sinulat niya iyon sa list. Damn it!

Napa roll eyes ako saka nameywang, sumandal sa pader at binuksan ang phone ko. I'm checking my Facebook newsfeed nang makita ko ang ilang posts ng students sa school namin, it's obvious to their posts na kinikilig sila, talking about "Custhin La Veda will visit our school." Bored kong binalik ang cellphone sa bag ko bago pa ito makita ng ibang officers at i-confiscate.

"Racci dipunggol!"

Mabilis akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko, it's Ydreiyan na may dalang pagkain at nakasunod si Qrester sa kanya.

Oh wait-- Qrester is the campus Vice President!

Sinenyasan ko si Qrester na gawin ang lahat para makawala na ako sa pila ng incomplete uniform at mukhang na gets naman niya kaagad. Ilang sandali lang ay umalis na ang officer na sumita sa 'kin at sinenyasan ako ni Qrester na tumakbo papuntang bench.

Nakatakas na ako at kasama ko na silang dalawa ngayon ni Ydreiyan. "Yano, may tubig ka ba jan?" tanong ko at agad niya akong inabutan. Pagbalik ko sa bote niya ay agad niya itong pinahidan ng tissue, "Mahirap na, baka may dalang virus 'yang bibig mo," aniya saka nginitian niya ako ng nakakaloko.

Napailing na lamang ako saka naglakad kaming tatlo sa hallway nang may biglang nagsisigawan at nagtitilian na mga babae. Sa 'di kalayuan ay nakita namin si Kaloy na naglalakad mag-isa at pinagpipyestahan ng mga babae pero 'di niya pinansin, diretso lang siyang lumakad papunta sa 'ming gawi.

Lumayo na lamang ang mga babaeng pinepyestahan siya kanina, humarap siya sa 'kin at-- niyakap ako?

Tinapik niya ang aking noo nang mapansin nitong lumaki mata ko sa ginawa niya.

"Who told you to transfer in our school? Bawal ka do'n," aniya at tinapik na naman ako sa noo.

"Di ako yung may gusto na lumipat do'n no, at bakit ba ayaw mo na doon ako mag-aral ha?" nakameywang kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga siya saka tiningnan ako ng masama. "I'm here to stop you, 'di ka pwedeng lumipat do'n," he glared at nilampasan ako. Nakasunod ang mata naming tatlo ni Qrester at Yano sa kanya, at patungo siya sa direksiyon ng Principal's office.

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)Where stories live. Discover now