Kakaiba talaga ang babaeng 'to, 'di ko alam kung matutuwa ako o mahihiwagaan sa kanya. Baliktad yung thoughts niya kaysa sa ibang tao.

“Oo, ako ang naka isip nun—”

“Aww, you're so smart! Racci ang talino mo, imagine ikaw ang nakaisip ng cute na palayaw na 'yon para sa pinsan ko? So cuteee...”

Kunot na kunot na ang noo ko sa reaksiyon ni Chae, kakaiba talaga siya. Siya palang yung estudyante na tumawag sa 'kin na matalino. Jusko! Kung alam ko lang na dito ko lang pala mahahanap ang taong tatawagin akong matalino siguro dati palang lumipat na ako rito!

“Anong pinag-uusapan niyo?” Kaloy interrupt us.

Pareho kaming tumahimik pero 'di parin tumitigil sa kakangiti sa 'kin si Chae.

Sa isang table, mayroong dalawang upuan, six rows and five columns in total. Nasa first collumn kami in the fourth row, samantalang same collum kami ni Kaloy pero nasa fifth row siya, nasa likuran lang namin. As usual, nakatingin parin sa 'kin ang mga kaklase ko. Kinakabahan na nga ako sa mga kaklase ko, pati sa mga exams nila dito kinakabahan na ako.

Napa-aray ako nang may biglang humablot sa buhok ko, and it was Kaloy.

“Anoo?” naaasar kong tanong.

Parang 'di pa siya makapag-salita agad, mukhang 'di siya ready. May pa hablot-hablot pa sa buhok eh 'di pa naman pala handang magsalita. “Ano na? Darating na mamaya yung teacher oh,” sabi ko pa.

Umiling siya at nilayo muna ang tingin niya sa 'kin, sinampal ko siya ng mahina na siyang ikinadilim na naman ng tingin nito.

“Nothing. If you find the lesson difficult, just ask me then I'll help you immediately.” aniya na medyo labag pa sa kalooban nito.

Hindi ko alam kung bakit pero ito ang unang beses  na parang mabuti ang pakikitungo niya sa 'kin.

Nakapasok na sa wakas ang unang guro sa araw na ito, I already prepared my speech for my introduction in class. The teacher just checked the attendance slip na inilapag ng class monitor sa desk, “New transferee, eh?”

I slowly raised my hand, he suddenly look at me, “Ok” he just said then start the discussion. Napaawang ang bibig ko dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

Is that it? I'd prepare a speech tapos 'di naman pala kailangang magpakilala? Kakaibang klase naman ito.

“So weird, hindi man lang nagsabi sa 'kin yung teacher na magpakilala ako sa harap. Ganun lang ka simple? Titingnan niya lang ako then say ‘ok’ after that ay start na yung discussion? Oh, so weird,” I whispered to myself.

Napalingon ako sa likod nang magsalita si Kaloy.

“Never wonder about it, Racci. Not everyone who's looking at you also cares at you. Someone's just observing, and if they find you worthless in just a simple look— then wala silang pake sa 'yo. Why would they waste a time para lamang magpakilala ka jan sa harap kung wala namang may gusto na makilala ka? Since, sino ka nga ba? Gaano ba ka halaga ang impormasyon mo sa buhay kung pwede namang ipukol nalang iyon sa pagtuturo? There's nothing important to know about you, Racci.”

I feel hurt when he said those painful words. Parang wala naman akong pakialam na masaktan kasi totoo naman lahat ng sinasabi ni Kaloy, iintindihin ko nalang ang lahat ng iyon at gawing aral sa buhay.

Hindi pa siya tapos, he cleared his throat then continue his conversation with me.

“This is a reminder, Racci. Never act like someone will like you here, doesn't mean that you belong in special section ay espesyal ka na rin. Ikaw parin yung babaeng kulang sa talino, at di kagandahan, so you're not special at all. No awards and likes trouble. No one will like you here, no one Racci. If you think there is? Then, you're just assuming. Alright?”

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, nakikinig lamang ako sa mga sinabi sa 'kin ni Kaloy at biglang nalaman ko na umaagos na pala ang aking luha.






NANDITO AKO ngayon sa gitna ng soccer field, bilang parusa dahil sa hindi pakikinig sa discussion kanina ay pinapaluhod ako rito ng tatlong oras. Mabuti na lamang at hindi mainit ang panahon ngayon ngunit parang dumidilim ang kalangitan.

Nagpapasalamat parin ako dahil pinalabas ako sa klase, o diba ang tarantado ko?

Pero totoo, mas gusto kong nandito sa labas kaysa makarinig ng masasakit na salita galing kay Kaloy. Honestly, I admire him because he's too smart pero naiisip rin ba niya na minsan sumusobra na siya? Inaamin ko naman na tinatarantado ko siya lagi e, pero dre, masakit pala gumanti yung mga matatalino. Yung tipong masasaktan ka na agad sa mga katotohanang sinasabi nila, bababa ang confidence mo at manghihina ka nalang bigla.

Nine thirty in the morning, hanggang lunch ako dito na mananatiling naka luhod. Ok lang na masaktan at masira yung tuhod ko, 'wag lang yung damdamin ko.

“Hoy! Hahaha!” mayroong dumaan na lalaki sa field at tinawanan ako. Recess time ngayon, dahil bago lang ako rito may mga estudyante talaga na di maiwasang pagtripan ako rito.

Sa gitna ng field, mayroong lalaki na may lakas loob na lumapit sa 'kin. Di ko nakikita ang mukha niya sapagkat ang tingin ko ay nananatili sa ilalalim kung kaya't paa niya lang ang naaaninag ko. Ang sabi ng guro ay bawal na may lumapit sa 'kin, pero bakit ang tapang ng isang 'to? Pagtitripan niya lamang ba ako?

“Hey, why are you here?” a husky voice asked me. May sakit ba siya kaya medyo napapaos ito? Sino kaya to?

“P-pinarusahan ako,” nahihiya kong tugon.

“Who?”

“Ng t-teacher namin,”

“What's his or her name?”

“Mr. Huellaris”

“Ok,” sabi niya lang at bigla itong lumuhod sa aking harapan.

“Don't cry, ok?” nanlaki ang mata ko nang malaman kung sino siya.

“Cirvey?!” gulat kong tanong. “K-kuya, wag ka pong lumapit sa 'kin.” aniko at mahina siyang tinulak pero wala namang nangyari, mahina ako at nawawalan ng lakas.

“I'm just here to give you this incase you need it, baby.” he said and give me his handkerchief before he leave me in this place.

I appreciated his effort, matapang siyang lumapit sa 'kin para lamang ibigay ang panyong ito. Kanina ko pa gustong umiyak kasi nahihirapan na ako sa sitwasyon ko, 'di naman mainit ang panahon pero nangangalay na ako.

Maybe I really need to blame myself, kung hindi sana ako naapektuhan sa sinabi ni Kaloy kanina siguro wala ako dito ngayon. Tama siguro siya kaya nasaktan nalang ako ng ganito ka todo. Pero yung kapatid niya, sobrang bait niyang tao kaya nagtataka ako kung bakit parang malayo ang loob nilang dalawa ni Kaloy. Siguro dahil hindi rin sila nagkakasundo, magkaiba ba naman kasi sila ng ugali.

Naging tahimik na naman ang paligid dahil wala ng estudyante sa labas, andito parin ako sa field na naka luhod at iniinda ang paghihirap. Pagsisisihan ko na ba na lumipat ako rito?

Isang oras ang nakalipas ay may naramdaman akong basang likido na pumatak sa aking pisngi. Pinunasan ko kaagad iyon gamit ang panyong binigay ni Cirvey, ang akala ko ay luha ko lamang iyon ngunit ito pala ay patak na ng ulan. Bigla itong lumakas at bumuhos, nabasa na ako ng tuluyan dito sa gitna. Di ko rin alam kung pupwede na ba akong makaalis rito, pero mas pinili ko pa ring manatili kaysa umalis dahil baka kung umalis ako ay madadagdagan na naman ang parusa nila sa 'kin.

“Shit! Ang lamig,” nasabi ko at niyakap ang sarili.

Nagulat nalang ako nang may biglang humatak sa 'kin patayo at niyakap ako bigla. Nakaramdam ako ng konting init sa katawan, kahit papaano'y nawala ang panginginig ko.

“You already know that it's raining, but yet— you  stayed. How dumb,”

Kilala ko ang boses na 'to.

“Kaloy, b-bakit ka nandito?”

“Tch, don't ask.” aniya at hinila ako paalis sa field.

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)Where stories live. Discover now