Kabanata 44: Estranghero

Start from the beginning
                                    

Agad naman akong napatakbo  sa likod ng puno ng may napansin akong may nagpapaulan ng pana na gawa rin sa mahika sa deriksyon ko. Hingal hingal akong napa upo sa likuran.

Mukhang napapalibutan na talaga ako dito at madami parin ang bilang ng naririto. May iba pang nagtatago sa likod nang mga dahon.

Mukhang ang rod nalang talaga ang mahikang kaya kong gamitin dahil pag pinilit ko pa talaga ang sarili ay maari ko na itong ikapahamak! Ang totoo nyan ay kanina pa talaga ako nang hihina. At kinakabahan na ako sa isiping Ito pa ata ang plano nila, ang pagurin ako.

"Nasan na ang binibi? Lecheng babae napaka brutal!" napasilip ako dito, at nakatayo na dito ang limang lalaki at isang babae na may hawak ding sandata.

"Syang tunay Gal! Kakaiba yung babaeng yun! May lahing demonyo pa ata yun e."

"Napaka galing at talino ng binibining iyon kaya dapat natin syang matanggal sa laro para masigurado ang pwesto natin at mapabilang sa  nangungunang tatlumpong apprentice knight!" Paguusap nila.

Lord Gusto ko makapagpahinga man lang kahit sampung minuto. Ma i replenish ko lang ang mahika at enerhiya na nagamit ko. Kasi kung babasihan sa estado ko ay kahit pagtakbo ata ay mahihirapan pa akong gawin.

Agad akong napatalikod at napaupo ng maayos ng mapansin ako ng babaeng kasama nila.

"Gal, Mon.. nandun ang binibini! Sa likod ng puno at nagtatago!"

Biglang nanlaki ang mata ko nang sumigaw ito at tinuro ang kinalalagyan ko. Mahigpit ang paghakaw sa rod at tinukod ito upang makatayo.

Mukang wala na talaga akong ibang paraan kundi ang lumaban! Kailangan kong maiangat ang sarili ko sa mundong ito,

Hinanda ko na ang sarili at pumurmang makikipaglaban, naririnig ko narin ang mga yapak na papalapit sa aking paroroonan. Alam kung dumadami na rin ang naka akyat kaya mas lumiliit ang tsansa kong maka survive sa palarong ito.

Ngunit ganun nalang ang gulat ko nang may biglang humawak sa bewang ko ng hindi ko man lang nalalaman. At magpupumiglas pa sana ako kaso mabilis itong Tumakbo at tumalon sa mga sanga ng puno na para bang napaka gaan ko lang sa kanya habang palayo sa mga humahabol saakin.

Wala na rin akong lakas para mag pumiglas kaya pinilit ko nalang aninagin ang mukha nitong nakatakip ng roba, ngunit sadyang napaka bilis nito at masakit na talaga sa mata ang mga dahon at lakas ng hangin na lumalapat sa balat ko.

Kalaban ba sya? O kakampi? Naguguluhan ako! Baka mamaya nyan ay sya pa tong kakanti saakin.

Maayos at maingat ang pagkahawak nya at talaga namang inalalayan akong hindi mahulog sa baba. Sa hindi  maintindihang dahilan ay pakiramdam ko ay ligtas ako, kahit hindi ko naman talaga kilala yung tao.

Ilang minuto din ang ginawang pagtatalon nito sa mga sanga at talagang wala na akong nahahagilap na kalaban sa daan. Maya maya lang ay tumalon ito sa isang butas at nagadausdos kami dito pababa at narating ang bukana

Lumantad samin ang isang malaking lumiliwanag na puno at napagtanto ko na nalang na ito yung nababasa at nakikita ko sa mga libro. Ang Mytical tree. Huminto na ito at  binaba ako.

Naglakad ito palayo saakin at hingal na hingal na sumandal sa katabing bato. Ako man ay inaayos din ang nagkalat ng buhok  at mga mga nakasabit na dahon mula rito. 

Pinagmasdan ko ang kabuohan nito, nakasoot ito ng roba na may hood na tama lang para matakip ang ulo at  itaa sna bahagi ng mukha, nakalantad ang paa nito at hingal na hingal talagang nag taa sng tingin. Isa itong lalake at talagang napaka kisig ng katawan nito.

Pano ba naman kasi paa palang ulam na!

Inayos ko na ang iniisip ko at sumandal na din sa katabing bato. Sinubukan kong aninagin ang mukha nito pero pilit nya talagang tinatago! Napabuntong hininga nalang ako  umayos nang sandal.

Nakapagtatakang di ako nito kinakausap o kalabanin man lang kung talagang isa sya sa mga nagpapartisipa at naghahangad na hindi ako mapabilang sa hanay.

Tahimik lang itong naka upo at nakatingin sa puno, ako man ay napatingin din sa gawing iyon, pero agad ding binalik ang tingin sa kanya. Napansin ko agad ang pamilyar na kulay ng balat at ang matangos nitong ilong, namumula rin ang nakaawang nitong labi dahil sa pagka hingal. Napaisip ako kung sino ba talaga itong estrangherong nagligtas saakin.

"Magpakilala ka, at sabihin mo ang iyong pakay!" Matapang na tanong ko dito at linabas ang rod na gawa sa kuryente.

Pansin ko ang pagtigil nito sa sinabi ko  ngunit maya maya lang ay agad rin namang natawa. Bigla akong nagtaka sa inasal nito.

"Salamat.. ang hinihintay kong sasabihin mo binibini." kalmadong saad nito at dahan dahang tumingin saakin.
"Ito ang pangalawang pagkakataon na tinulungan kita pero hindi mo nagawang magpasalamat." dagdag nito habang naka ngisi na ngayon saakin at binaba ang robang nakatakip sa ibabaw na parte.

Sa gintong buhok, asul na mata at matipunong katawan.. Walang duda. Kaharap ko ngayon ang prinsepe ng emperyo.

Ang Prinsipeng may matalas na dila at ang kaisa isang prinsipeng pinaka mumuhian ko.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now