Chapter 25: Naglilinis?

2.8K 84 10
                                    

JAZ

Sa dami ng tao, si Andrew Su pa ang napartner sa akin. Dapat kasi, si Sohe pero hindi nangyari ang lahat na iyon dahil doon sa kalbong pandak na principal na yun. Yung gymnasium pa talaga ang pinapalinis sa amin. Puro dumi at bakat ng sapatos ang makikita ko. Ang dami pa namang naglaro dito ng basketball kanina.

Kinuha ko na yung dustpan at walis para matapos na namin ito ng maaga. Rinoll ko yung sleeves nung uuniform ko na pangtaas dahil maiinit dito kahit naka aircon. Sa laki pa naman ba ng gym na ito.

Magsisimula na ako ng may narinig akong tunog.

Aba! Matinde. Si Andrew, umupo sa bleachers, nagplug ng earphones at pumikit pa. Ano? Ako lang maglilinis?

"Hoy!" Sigaw ko pero mukhang hindi pa niya ako naririnig. Malamang, naka-earphones.

Batuhan ko nga ng sapatos. Kinuha ko ang kanang sapatos ko at inamoy, amoy paa. Perfect. Binato ko ito sa direksyon niya. Bigla naman siya nagulat nang tumama sa noo niya yung sapatos ko. Bull's eye!

Inalis niya yung earphones niya at binato sa akin pabalik yung sapatos ko, "What's your problem?!"

Pumameywang ako, "Ano? Ako lang ang maglilinis?"

"It's a woman's job to swipe the floors and do all these things," aniya at pumikit ulit.

"Aren't you being a sexist? Get your ass down here and help me clean." Inalokan ko siya ng isa pang walis.

"Still not doing it."

Hindi na talaga ako makapagpigil at pumunta na ako sa bleachers sabay kuha ng kaliwang palapulsuhan niya. Napatitig ako nang may kumintab sa kamay niya.

Inalis niya yung kamay niya sa hawak ko at tinago sa coat niya na suot.

"Oy, 'yang singsing na 'yan..." I trailed off. 'Di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Nginitian niya ako, "Bakit?"

"Wala. Iniisip ko lang na ang ganda ng taste mo sa pagpili ng design."

"Cocky much?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit?"

Ngumiti siya na hindi man lang umabot sa kaniyang mata. Tinitigan niya ang singsing na silver ang kulay. Wala namang espesyal sa itsura nito. "Itong singsing na 'to, ibinigay ito ng babae na mahal na mahal ko. Noon."

"Alam mo ba na nakikita ko na ang kinabukasan ko kasama siya?" Nakatitig lang siya sa singsing niya, "Nang makilala ko ang magulang niya, nalaman ko na 'yong nanay niya ay ang girlfriend ng papa ko. Could you believe how awkward it was? I explained it to her, and she understood. She was a nice person. She forgave her mother who was cheating on her father. When her father found out, he was furious, pero kahit ganon ipinagtanggol niya ako. I really thought that she is the one for me, not until her mother died, she broke all connection with me."

Napatingin siya sa'kin, "Why am I telling you this anyways? Hindi mo naman siya kilala."

"Yeah, I don't even know her."

SOHE

"Akalain mong nagkaroon pala ng girlfriend si hyung?" Narinig kong saad ni Red. It didn't take a minute to figure that he was korean, judging by his last name and the way he addressed Andrew his 'hyung,' which means kuya by the way. It sounds weird in filipino, but most korean males calls the older guy like that.

"Seriously, guys? We stopped the cleaning and searching just for us to watch them? Ang childish talaga," bulyaw ni Chris.

"Says the one who never removed her eyes on them. Wag ka nang pakipot, Chris. Just thank us dahil sa huli pinakita namin sa inyo ito." Ngumisi si Edison.

"Oy! Hindi ko makita." Tinutulak ni France si Jay na nasa harap nito.

Siniko ko sila. "Wag nga kayo makulit! Hindi niyo ba nakikita na nakatungtong lang tayo sa timba, baka mahulog kayo." Mukhang hindi nila ako narinig at tuluyan nang bumagsak ang mga pinagdikit dikit naming timba kaya nakagawa ito ng malakas na ingay.

Lumabas si Jaz mula sa gym. "Hoy!" Oops nahuli na.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Andrew.

"Eh kayo? Anong kababalaghan ang ginawa niyo sa loob? Este, anong ginawa niyo sa loob?" Pangaasar ni Bea.

"Naglilinis?" Jaz answered in a 'duh' tone. Kumunot naman yung noo ni Andrew.

Siniko ni Bea si Andrew, "Sus! Pakipot pa kayong dalawa. Kitang kita namin ang mga ginagawa niyo at rinig na rinig namin ang mga pinaguusapan niyo."

Napalingon kami kay Jaemin na bigla na lang sumulpot. "Nahanap ko na yung susi." Kaya naman pala nawawala si Jaemin ay naghahanap ng susi!

"Alis na tayo?"

Umalis na kami. Papunta na kami sa principal's office nang magsalita si Red.

"Hyung, nagkaroon ka pala ng girlfriend?" Tumango si Andrew.

"No offense, I thought you were gay," nakangising saad ni France. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Andrew.

CHRIS

Si Sohe, attentive pero mukhang inaantok na rin. Si Jaz, bagsak na, humihilik pa. Si Bea, nakapatong yung ulo sa kaliwang kamay habang nakapikit, may makeup sa talukap niya na ang ng mata kaya parang nakabukas pa rin yung mga mata niya. What a genius. Si Jaemin naman, nakapikit na at mukhang tulog na.

Three words: night class sucks.

"Class dismissed."

Ginising ko na si Bea at Jaemin. Si Jaz naman ayaw gumising. Nagpatulong pa ako kay Jaemin na buhatin si Jaz papunta sa kotse ko dahil mabigat ito. Si Sohe sumabay sa'kin pauwi, siya na rin ang pinagdrive ko.

"Chris, are we going to—" Naputol ang sasabihin ni Sohe nang tinakpan ni Jaz yung bibig niya.

Pinitik ko ang noo niya, "Gising ka pala nagpabuhat ka pa."

"May plano ako for Bea tomorrow," she smiled wickedly. Ano nanaman bang kalokohan ito?

"Ano?" Tanong ni Sohe.

"I'm going to set up a blind date for her. Revenge lang yun dahil inasar niya ako buong araw," tinaas-baba niya ang kilay niya.

"Are you nuts? Mamaya, hindi mo na pala napansin, you've crossed the line na," ani Sohe at nag drive ulit.

"Why don't you try asking her that? 'Di ba inasar niya ako buong araw? Tama lang sa kaniya 'yon." Napailing ako. Kahit kelan talaga.

"At kanino mo naman yan iba-blind date, ha?"

"Edi kay Jay. Ayos ba?" Sabi niya a nagthumbs up pa.

Inirapan ko lang siya pagkatapos 'non. Sino ba si Jay? Hay nako. Outdated na talaga ako.

Heiresses to GangstersOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz