Chapter 7: Chris Lee 2.0

4.6K 132 23
                                    

BEA

Sa wakas nakarating na kami sa bahay ni Chris. Hindi na namin nalaman kung sino ang may ari ng pipitsuging kotse na humabol sa'min kanina.

Kaming dalawa ni Sohe ang pumili ng damit niya. Wala naman kasing fashion sense si Jaz dahil puro games lang ang alam niyan.

Hinihintay nalang namin siya matapos sa pagbibihis habang nakatambay kami dito sa kwarto ni Chris.

"Baka naman bukas tapos na siya," bored na sabi ko. Paulit-ulit kong kinakalas at binubuo itong pistol na hawak ko. Si Sohe naman nanonood sa TV ng The fault in our stars. Si Jaz naman naglalaro sa ps4 ni Chris.

"Ikaw kasi sabi mo 'Take your time,'" sabat ni Jaz.

Tinitignan ko siya ng masama. "You do know that I carry a gun." She stuck her tongue out at me.

Binatukan ko siya "Aray!" Tinignan niya ako ng masama, "Ikaw—"

"Shut up!" Sigaw ni Sohe. Umupo naman kaming dalawa.

"Ikaw kasi!"

Nilakihan ko siya ng mata, "Anong ako? Baka ikaw?"

Sasagot na sana siya kaya lang nakita namin si Sohe na nilabas yung lollipop niya at dinaan sa leeg niya na parang sinasabing patay kami.

"Opo tatahimik na," bulong ni Jaz.

Pagkatapos niyang sabihin yun bumukas yung pinto sa walk-in closet at iniluwa ang isang lalaki na Chris. She wore a gray button-up shirt rooled up to her elbows, tucked in a black skinny jeans and gray vans, she also wore black-framed glasses. Medyo natatakpan yung mata niya ng bangs ng wig niya. Kahit ganun lang yung outfit niya ang cute niya. Although may pagkafeminine pa rin ang mukha niya.

Humagalpak ako ng tawa. I can't believe that she really dressed up as a man!

She gave me an impassive look.

I raised my hands. "Okay, okay, I'll shut up." Pinunas ko ang kumawalang luha. Tears of joy.

Tinignan siya ng malapitan ni Sohe, "Well, kamukha mo nga si Chris ver 1.0." Ver 1.0? Siguro yun yung girl version. Ang weird talaga ni Sohe minsan.

"Chris? Ikaw ba talaga yan?" Nagfake act si Jaz. Hinawakan niya pa yung mukha ni Chris.

Tinitigan siya ng masama ni Chris kaya binawi na ni Jaz yung kamay niya. "Ikaw nga!"

Inakbayan siya ni Jaz, "You did well, Chris 2.0."

Nagkibit balikat lang si Chris, "Ano pa hinihintay niyo? Punta na tayo sa Padis Point."

"Okay." Nauna nang maglakad si Sohe.

Nang pasakay na kami sa kotse, nagring yung telepono ni Jaz. May nagtext daw sakanya.

"Sorry, guys, 'di na ko makakasama," aniya.

I tilted my head. "Bakit?"

Ngumiti siya, "Importante 'to. Sige, bye!" Nagtataka man, we bid our farewells.

Sumakay na kami sa van namin pagkatapos.

CHRIS

May ibinigay ni Sohe yung sinuot niya ito sa collar ng hoodie ko. "Eto, isuot mo sa tainga mo, para marinig mo kami at marinig namin ang pinag-uusapan niyo" Sinuot ko naman iyon. "And this spy cam. So we can see what's happening inside." Kinuha ko iyun at nilagay sa salamin ko.

"All set."

"Basta alam mo na yung plano." Tumango nalang ako. Actually hindi ako nakinig sakanya. Nung kinakausap niya ako, oo at tango lang ang sinasagot ko.

"Okay! Shoo!" Tinulak ako ni Bea palabas ng kotse. Inis akong tumingin sakanya, "Pag nagawa mo ng maayos ililibre kita ng DQ!" Nagthumbs up ako. Gagalingan ko talaga, para sa DQ. Okay, para na rin sa gang.

Naglakad na ako palayo. Papasok palang ako sa pinto ng bar ng harangan ako ng lalaki na matangkad at malaki ang katawan. Bouncer.

"I.D?" Ah oo nga pala, kailangan myembro ka sa bar na ito bago makapasok. Mostly mga mayayaman lang ang tumatambay dito. Only eighteen years and above are allowed, but I figured that there are teenagers who bribe the bouncer out here. I saw one myself.

Nilabas ko ang fake identification card ko. Syemore planado na ang lahat.

Kinuha niya ito at binasa, "Christopher Lee," tinignan niya ako, "Sige, pasok," tinanguan ko siya bago pumasok.

As soon as I entered, smoke filled my lungs, making me cough. The loud music syncs with my heartbeat. The room is filled with drunk young-adults and adults grinding each other on the dance floor. I've been in a bar before. Compared to the last one this is better. Maybe because the place is for the higher class? I don't know.

"Hanapin mo si Tiffany Ocampo, leader ng RSG," salita sa kabilang linya. Si Sohe.

"Any physical attributes?"

"She is wearing a red fitted dress matched with black stilletos. The one with blonde hair."

Hinanap ko ang target ko pero hindi ko talaga makita. May kumalabit sa'kin. Pag harap ko isang babae na blonde ang buhok, which is obviously dyed. She wore a red strapless dress which clung to her body like a second skin. She has a nice body I'll give her that.

"Hey," Medyo lumayo ako sa kanya. She's too close to my discomfort. What the ef.

"That's her," rinig kong salita sa kabilang linya.

Siya pala si Tiffany, yung target ko. Tignan mo nga naman, kusa ng lumalapit ang hinahanap.

Tinulak ko siya palayo at tinignan ulo mukhang paa este, hanggang paa. Blonde hair at nakaauot ng red fitted dress paired with black stole—stille—whatever.

Medyo lumayo ako sa kaniya pero naitulak ako pabalik ng mga sumasayaw na mga tao. Napahawak tuloy ako sa magkabilaang braso niya.

Tumawa siya, "You're cute," she leaned closer.

"How about..." she giggled, "You.Me.Bed.Now." Nanindig yung balahibo ko hanggang batok. Does she even know what she's saying? I don't want to judge but that line makes her sound like a...

Nakarinig ako ng tawanan sa kabilang linya. Pinagtatawanan na ako ng mga kasama ko ngayon. I mentally face palmed. I didn't know na ganito ang mangyayari pag nag panggap akong lalaki.

Nilapit ko ang bunganga ko sa tainga niya para bumulong. "Ikaw.Malandi.Bitaw."

Bumitaw naman siya sa'kin na nanlalaki yung mata, "How dare you—" sasampalin niya dapat ako pero may tumawag sa pangalan niya,

"Tiffany!" Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya.

Agad kong tinanggal yung salamin ko kung saan nakalagay yung spy cam.

"What did you see?" Rinig kong sabi sa kabilang linya.

Hindi ko siya sinagot. Instead, nakipag staring contest ako sa babaeng tumawag ng pangalan ni Suman.

Nagtitigan kami ng ilang segundo bago siya bumulong kay Suman.

"Hello? Chris?" Boses ni Bea. "Bakit ang dilim ng camera?!"

"Chris? What happened? Sino nakita mo?" Si Sohe.

I knew it.

"Aubrey."

Heiresses to GangstersWhere stories live. Discover now