Kabanata 37: Knight Order

Comincia dall'inizio
                                    

"Hindi basihan ang katayuan sa kung ano ang nais mong maranasan, kung gusto mo mag soot ng mga ganitong damit, edi sootin mo! Maaring pagsalitaan ka ng iba pero tandaan mo na walang batas na nakapagsasabi na may damit na para sa mayayaman at sa hindi. At ano naman ang pake alam nila kung pasosoutin din kita ng mga marangyang damit. Wala naman silang ambag dun!" Inis na sabi ko sa kanya.

" Binibini... "Mukhang iiyak na saad ni lena napangiwi naman ako at nag iwas ng tingin.

"Daming arte, alis nga!" Pagsusungit ko dito, sumulyap pa muna   ako dito at nakayuko na ito saakin. Iling iling nakang akong lumapit sa pinto.

"Pero binibini, di ko po talaga pwedeng angkinin yan." Saad nito.

"At bakit?"

"Kasi galing yan sa iyong ama, nais mo bang ipamigay sa iba ng regalo ng iyong ama?" Saad nito, napaisip naman agad ako! Oo nga no? Nakalimutan ko.

"Bibilhan nalang kita.."

Sabay kaming napalingon ni lena ng biglang may kumatok sa pinto, ako ang mas malapit kaya ako na ang nagbukas.

Bumungad saamin ang dalawang kawal ng paaralan sa likod nito ay ang aking Lolo nakasoot ito ng purong puti suit na may gintong disenyo at sumisigaw ang pagiging mataas nitong tao. Yumuko ito saakin bago nagsalita.

"Apo, halina't Humayo na tayo ay sa karwahe mo nalang ako kwentuhan." Galak na saad nito saakin. Nakangiti naman akong lumapit dito at yumakap.

"Masaya akong makita kang nasa malusog na kalagayan.. . Pomogi ka ata ng konti?" Biro ko dito at napahalakhak naman ito. Lumingon ako kay lena at tinanguan ito.

"Paalam binibini, Senior Fredrickson.. Mag ingat kayo sa biyahe." Saad nito. Oo Biyahe talaga! Sa pagkakataong ito ay hindi naging OA si lena. Totoong bibiyahe pa kami kahit nasa loob lang kami ng paaralan, ganito kalawak ito na dapat pang gamitan ng karwahe.

Masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa mga naging karanasan ko sa mga nagdaang araw ko sa academya, kung pano ako binato ng maesta ng espada na ikinatawa lang naman nito. Na kwento ko rin sa kanya ang tungkol sa pagkilala namin ng prinsepe ng emperyo pero hindi kona binanggit pa  yung halik! Tch!

"Nakakamanghang nagagawa mong makausap ang prinsepe na gayo'y lumaki itong seryoso at hindi palangiti. Tunay na matanda na ito mag-isip at gaya mo ay hindi ko gamay ang talino ng batang iyon, manang mana sa ama." Talagang namamanghang saad nito..

"Senior, nandito na po tayo." Magalang na saad ng kawal at pinagbuksan kami ng pinto, naunang lumabas si lolo na inalalayan ng knight at naghintay naman ito sa baba at inalalayan ako. Walang boses ako ditong nagpasalamat.

Yumuko na saamin ang mga kawal at nagpa-alam na aalis.

Nasa tapat kami ngayon ng isang  malaking gusali na pinalilibutan ng maliwanag na ilaw nanag gagaling sa loob at napakagandang tugtugin ng musika.

Nagsimula na kaming pumasok sa loob at agad namang napapayuko ang mga kawal sa oras na makita nila ang lolo ko ganun din ang mga tagasilbi sa oras na dadaan kami sa kanila at narating nga namin ang silid.

Nakakamangha ang taas ng dinding at ganun din ang mga gintong palamuti ng lugar

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Nakakamangha ang taas ng dinding at ganun din ang mga gintong palamuti ng lugar. Halos pwede na akong manalamin sa kintab ng sahig. Para akong batang natutuwa dahil nakakita ng nakakamanghang bagay.

Nag magbaba ako ng tingin ay bigla akong nagulat ng napagtantong marami na palang nakatingin saamin O tamang sabihin na saakin!

Di ko man lang namalayan na ganito pala kadami ang dadalo! Ang gaganda din ng mga bistida nila at ang gagarbo ng mga palamuti sa katawan, ang mga lalaki naman ay sumisigaw sa kapormahalan at kakisigan, napakurap kurap pa ako dito bago inayos ang sarili. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya at nagbaba ng tingin! Mukha panaman akong tanga kanina!

Narinig kong napahalakhak ang matanda at binati ang mga tao,  maya maya lang ay inalalayan na ako nitong maglakad, di ko alam kung saan kami tutungo di na ako nag abalang magtanong.

"Iyan na ba si Binibining Clara?"

"Ako nga rin ay nagulat at di ko akalain na ganyan sya kaganda."

"Tunay ngang angganda at makikisig nang kanilang lahi!"

"Syang tunay. Pag masdan mo ang kanyang kutis Leonor  parang ang lambot tingan at napaka kinis pa!"

Bigla akong nakaramdam ng pamumula ng pisnge sa mga narinig kong papuri galing sa kanila. Di ako makapaniwala na marami palang nakakkila saakin. Marami parin akong naririnig di ko nalang pinansin iyon.

Huminto na kami at nagpaalam na si lolo na may kakausapin kakilala, tinanguan ko nalang ito bilang pag sang ayon. Ano namang alam ko sa lugar nato? Di nalang ako umimik.

Hinahanap ko ang ama pero iba ang nakita ko. Isang pa tong bwesit! Nakangiti itong naglalakad patungo sa deriksyon ko, hinintay ko lang itong makalapit. Maginoo itong yumuko sa harap ko at matamis na ngumiti.

"Magandang gabi, para sa magandang binibini.." Malambing na saad nito habang namamanghang sinuri ang kabuuhan ko. napairap naman ako sa ka cornihan nya.

"Wag ako Syn..."

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora