Tumango siya. "I really love it when you call me that," natawa ako at napatingin sa glass wall na nasa harap namin.

"Next time, ako ang mag-aaya sa 'yo kapag may ipon na ako." Wala sa sarili kong salita sa kanya. "It's okay, Calisse. I know you're busy. Just... don't forget to relax once in a while."

Tinanguan ko siya at dumating ang pagkain namin. Ibinigay niya sa akin bigla ang isang banana shake.

"Sabi ko tubig, e."

"Oh? I heard a banana shake,"

"Sinungaling," he grinned before placing the fork on my plate. Piningot ko ng mabilis ang tenga niya. "Ahh! Calisse naman, so violent!"

"Kumusta na si Wes?" he began to eat. "Now, he's beginning to be alright again. He lost his focus for a bit when he found out our mother fired you—tried to talk her into rehiring you."

"Talaga?" he nodded. "Told you he has a crush on you,"

"Baka naninibago lang kasi iba ang tutoring center sa private tutors." Nagkibit-balikat siya.

Dumapo sa isipan ko ang binanggit niya staycation. Alam kong gusto niya akong isama dahil gusto niya na mag-relax ako. Pero wala akong espasyo para sa gano'n sa ngayon. Siya, mayroon.

"Chance, mag-staycation ka." Pag-engganyo ko. "Itutuloy mo pa rin ang pagiging doktor, 'di ba?" tumango siya. "E 'di, magpahinga ka muna ngayong wala ka pang gagawin."

"If I'm alone, I'll be super bored. Not the biggest fan of traveling alone or going out by myself."

"Mga kaibigan mo, travel kayo."

"They'd tease me to pay—I'm also not the biggest fan of spending money on people."

"Ba't ako?"

"You're... different. Wala, e, love kita, e."

"Wow, sorry, ha?"

Patuloy kaming nag-usap hanggang sa tignan ko muli ang oras sa telepono ko. Niyaya ko siyang umuwi na.

"It's Papa's birthday tomorrow, can you come?" Pababa na kami nung tricycle nung sabihin niya 'yan.

Ayos lang kaya sa pamilya nilang dumalo ako? Hindi pa rin naman naaayos ang problema, e. Hindi ako tanggap ni Mrs. Luy. Wala akong kasiguraduhan kung ganoon din ang nararamdaman ni Mr. Luy, kaya parang ayaw ko munang sumama.

"Baka ma-offend sila," pumasok kami sa bahay. Nagsalita siya habang binubuksan ko ang ilaw. "Why would they get offended?"

"Siyempre, hindi pa naman maayos ang lahat. Tayo lang 'yung okay, Chance." Kinuha ko na ang mga tuyong damit na nakasampay sa alambre sa labas ng bahay.

"Right, I'll just come here after." Inilagay ko ang mga damit sa sopa at sinimulang tanggalin ang mga hanger. "Huwag ka nang pumunta rito. Manatili ka na lang do'n, birthday ng tatay mo tapos aalis ka."

Ibinigay ko sa kanya ang naipong hanger at nilagay niya iyon sa kabilang banda ng bahay kung saan nakalagay ang ilang mga lumang furniture namin. Nandoon ang isang sira naming electric fan, nagbabakasakaling mapaayos kapag nagkaroon ng sobrang pera.

Umuwi si Chance nung dumating ang dalawa kong kapatid dahil ayaw kong gabihin siya rito palagi.

"Kiss first," kumunot ang noo ko sa request niya. Tinulak ko lang siya palabas, kaya sa pisngi ko lang siya nakahalik.

Although medyo umaayos na ang pagtanggap ni Mama sa kanya, ayaw ko namang isipin ni Mrs. Luy na gusto kong hanggang gabi rito ang anak niya. Baka isipin pa no'n... kung anong ginagawa namin.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon