Kabanata 35: Dating Kilala

Start from the beginning
                                    

"Wala kabang alam sa tamang pag-asal sa publiko binibini?.. Hinahawakan mo ang aking kamay sa harap ng maraming tao.." Mahinang sabi ko at tumingin dito, kita ko naman ang pag-ikot ng mata nya at nakapamewang na humarap saakin.

Ganitong ganito rin sya dati.

"Wow ha! Ngayon kapa talaga nag nagreklamo pagkatapos sa haba ng linakad natin? .." Saad nito at nakaramdam naman ako ng pamumula kaya nag iwas na ako ng tingin.  Nakalimutan ko. " At anong hinawakan ang kamay mo, Tanga kaba? Pulsuhan yan e!" lumapit ito saakin at hinawakan ang pulsuhan ko at tinaas sa harap ko, mabilis ko naman itong binawi at napapikit sa uri pag aasal nya. Grabe! ito ang pangalawang pagkakataon na hindi sya umaakto na parang binibini. Kakaiba.

"Binibini mawalang galang ngunit hinahawakan mo ako." sabi ko  at agad na napangiwi ito, sinuri ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa, at umirap na naman sa ere.

Wala namang mali sa sinabi ko ah. Napaka wierdong tao! kaya naman pala nagkasundo sila ni binibining Aira.

"Ang arte mo!" Saad nito at lumapit sa isang upuan, akmang lalapit na sana ako para hawiin ang mga dahon at ilang buhangin para sa kanya, pero naunahan na ako nito. Walang kaarte arting hinawi nya at hinipan ang bagay na sagabal sa uupuan nya. Bahagayang napangiti nalang ako.

Pero agad naglaho ang ngiting yun nang humarap ito saakin at nagsalita.

"Ngayon, sabihin mo saakin.. Kung bat ka galit?" prankang tanong nito habang nakapandekwatrong babae at serysong nakatingin saakin. Nanatili lamang akong nakatayo at tumingin dito. Napabuga nalang ako ng hangin bago magsalita.

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala binibini?" Magalang na tanong ko dito

"Kilala na kita, pero di ko alam ang kasalanan ko sayo." takang tanong nito at tinabingi pa ang ulo.

"May ninakaw ka saakin." sabi ko at mas lalo lang itong nagtaka habang nakaawang ang mga labi na nakatingin saakin

"Haaa!" napatayo ito , mukhang di mapakapaniwala sa narinig "Kailan nga lang tayo nagka kilala tapos may ninakaw na agad ako... Ano ba iyon ng maibalik ko." iling na iling na dagdag nito at inis na tumingin saakin..

Ngumisi ako dito at binigyan sya ng nakaasar na ngiti. Itinuro ko ang labi ko at nagtaka naman syang sumulyap dito

" Ninakawan mo ako ng halik! Dalawang taon na ang nakalipas.. " Sabi ko at mula sa paniningkit ay kitang kita ko kong pano ito nanlaki at tinuro pa ako, agad nya namang binawi at humakbang paatras mula saakin habang napatakip ng bibig.

Mahabang katahimikan ang nangyari... At ni isa saamin ay walang lakas na magsalita.

Ako man ay biglang nagulat at inintindi ang sinabi ko, napagtanto kong mali iyon lalo nat maaring masama ang maging dating nito sa kanya.

Ako na ang unang nakaramdam ng hiya kaya yumuko ako dito bilang paghingi ng paumanhin..

"Ako'y hahayo na, Magandang hapon sayo binibining Clara" tumalikod na ako at akmang aalis na sana ng biglang itong sumigaw.

"HEP! HEP! Teka muna!" pigil nito saakin habang pinapahinto ako nito gamit ang kamay kaya nagtataka naman akong tumingin dito. Nakapikit itong naglalakad palapit saakin. Di naman ako kumibo at pinagmasdan syang makalapit.

CLARA POV.

Di ako makapaniwala sa aking sarili na nakakausap kuna pala ang lalaking nakilala ko dati sa gubat. At tanga ko lang sa part na hindi ko man lang sya namukhaan kahit na ito yung lalaking tumulong saakin kahit labag man sa loob nya. Gusto ko paring pormal na mag pasalamat dito.

Tumayo ako sa harapan nya,  agad naman syang napaatras dahil sinadya ko talagang lumapit dito. Ang tangkad nya kasi, sinusubukan ko lang kung hanngang saan ako sa tangkad nito at sa masamang palad ay Hanggang balikat lang talaga ako.

Bumuntong hininga ako bago mag salita.

"Ano bang kabayaran ang gusto mong gawin ko? May paaran kabang alam para maibalik ang halik na ang sabi mo ay ninakaw ko?" Binigyan ko sya ng pilyang ngiti at agad namang bumalatay ang gulat sa mukha nito, di nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang tenga. Ang cute!

" B-Binibini, ano ba ang iyong iniisip! " Nauutal nitong saad, mas linapit ko ang mukha ko dito at pilit naman itong lumalayo.

"Gusto mo bang ibalik ko sayo ang halik na ninakaw ko." mas malambing pa na saad ko at  Kita ko naman ang paglunok nito habang nag iiwas ng tingin sakin, diko na talaga napigilan at malakas akong natawa sa harap nito.

BWAHAHAHAHA!

TAWANG tawa akong napasulyap sa ngayong prinsipe na masama na ang mukhang napatingin saakin.. Gusto ko naman talagang magpasalamat, kaso habang nakikita ko ang expression nya ay bigla agad akong bumigay!
minsan lang akong makakita ng seryosong tao na gusto akong makausap. Kilala ko na naman sya, nasuntok ko pa nga e!

"Sinasayang mo ang oras ko." Inis man pero ramdam kong napahiya sya saakin. Tumalikod ito saakin at akmang aalis na naman sana, pero sa pagkakataong ito ay mabilis ko itong hinawakan at hinarap sa akin.

Mukhang nagitla ito sa ginawa ko, di naman ako nakaramdam ng pag-angal mula sa kanya kaya nginitian koto habang nagpapahid ng luha sa kakatawa. Tumikhim mun ako bago nagsalita.

"Paumanhin, nadala lamang ako" Sabi ko dito at gumaan naman agad ang expression nito, hawak ko parin ang isang kamay nito ".... Gusto ko sanang pormal na magpasalamat sayo, sa ginawa mo dati. Di ko talaga inaasahan na babalikan moko, nakonsesya kaba?."

"H-Hindi naman..." pabulong na sagot nito habang naka tingin sa mga kamay namin. Akala ko ba conservative sya?

"Edi sana, Iniwan mo nalang ako!" Inis na saad ko sa kanya at bumitaw dito. Tadyakan ko sya e. Di naman ito umimik at nagbaba nalang ng tingin.

"Di ko maaring Gawin yun... Baka awayin pa ako ng kuya mo." sagot nito. Di na ako sumagot at hinayaan ang mga sarili sa mahabang katahimikan.

"Salamat....." iyon lang naman ang sinabi ko pero parang ambigat naman nun. Di ako tumingin sa kanya pero ramdam kong napatitig ito..

"A-Ahh Walang anuman.." sabi nito.

"Prinsepe Damian?... Bakit mo sya kasama?" Sabay kaming napalingon sa likod at napansin ang babaeng mukhang kamuka pa ni Syn at masama ang mga matang nakatingin saakin.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now