Kabanata 34: Katangian Ng Reyna

Start from the beginning
                                    

Tumitig ako dito at napansin nya atang di ako umimik kaya halos magsinghapan ang lahat sa sunod nitong ginawa. Linuhod nito ang isang tuhod at nakayuko saakin.. Bigla naman akong nataranta!

AIRA POV:

GULAT akong napatingin sa babaeng Fanalis na nagbibigay pugay sa kapwa nitong kamag-aral. Sa binibining hinahangaan ko, Ako man ay nagtataka sa asal nito dahil ginagawa lamang iyan pag kinilala nila ang lakas mo na mas higit sa kanila.

Isa syang fanalis at sila ang pinakamalas na lahi sa boung emperyo, aminado akong konti nalang ang bilang nilang purong fanalis pero di mai-aalis ang katotohanang malakas nga ito, kaya nakapagtatakang ganito ito umasal.

Napansin kong biglang nataranta ang binibini kaya pumagitna ako dito.

"At ano ang pakay ng isang Fanalis sa aking kaibigan?" Tanong ko dito at nag-angat naman ito ng tingin at diretsong tumingin saakin, ngunit hindi ito sumagot at binaling muli ang paningin kay clara at yumuko ulit.

Imposible namang natalo sya sa laro kanina na kita naman at alam ng lahat kung pano nya napaalis sa linya ang dalaga. Napalingon ako dito ng hawakan nya ang balikat ko at tumango. Umalis ako sa pagitan nila at naupo sa likod.

"Tumayo ka, Binibining..?"

"Erza po ang aking ngalan." Saad nito, inalalayan naman syang tinayo at pinaupo.

"Ikinagagalak kong makilala ka, Erza." saad ng binibini, ngumiti ito dito at para namang maamong ngumiti pabalik. Nabuntong hininga nalang ako at inintindi ang disesyon ng binibini. Agad kaming umayos ng upo ng dumating ang professor, ni isa saamin ay hindi umimik at seryoso lang pinagmasdan ang babaeng may buntot at tenga ng isang hayop, kulay dilaw ito at may patig na itim na bumagay sa magandang hugis nitong katawan na halos puno na ng muscle. naglalakad ito  habang naka sukbit sa gilid  ang isang mahabang espada, tanging tunog ng takong nito ang umalingawngaw sa silid. Isang beastkin!

Mukhang may bagong pinangaralang Sword saint!

"Magandang Umaga sa pangalawang baitang!" malakas na bati nito, at sumaludo naman kami  at umayos ng upo. May ikinumumpas ito sa hangin at lumutang ang pangalan nya sa ere.

'Professor Dhana Dewy'

"At ako ang magiging guro nyu sa sword art na paksa sa semestreng ito!.... Unang tanong!" sigaw nito, gulat kaming nag angat ng tingin sa kanya, nagkatinginan pa kami ni binibining clara.  pagpapakilala palang may tanong na agad!

Mula rito ay ramdam ko ang kaba ng ilan dahil sa likidong meron sa loob ng isang tao. Kapangyarihan ko ay pakiramdaman ang lahat ng bagay na merong tubig sa loob  at kontrolin ito. Tanging bagay na may sisidlan ng likido lamang ang kaya kong kontrolin. Kung wala itong sisidlan ay hindi ko ito malayang makokontrol gaya ng dagat.

"Sa opinion nyo, bakit tayo humahawak ng sandata?" Tanong nito at inikot ang paningin sa boung silid. Huminto ito sa isang lalaki at sinenyasan itong tumayo.

"A-Ah Para matutong.. A-Ah gumamit nito." Kinakabahang sagot nito at sininyasan naman syang maupo, aga nyang tinuro ang isa ring lalaki na nakaupo sa gilid at sininyasan din itong tumayo.

"Para malaman natin kung pano ito gamitin ng wasto na papabor sa ating emperyo." Kampanteng sagot nito at namangha naman sa kanya ang ilang kakaklase.

Patango tango naman ang maestra at tumingin sa gawi namin. Bigla itong namangha at napatitig sa katabi ko.

"Binibining Clara Aysel Grosvenor, anak ng tanyag na Duke William.." tawag nya dito at napatayo naman agad ang binibini. "Ikinagagalak kong makilala ang unang babaeng itinama ang pagsusulit sa monarkiya. Tunay na huwaran sa kababaihan!" Pagbati nito, naiilang namang ngumiti sa kanya ang dalaga.

"Salamat.." saad nya.

"Parehong tanong, satingin mo, bakit tayo  humahawak ng sandata?" tanong nito at nagpandekwatrong umupo sa ibabaw ng lamesa, habang nagpakumbabang tingin sa binibini. Napatingin naman lahat dito at naghihintay ng sagot mula sa kanya.

"Para sa akin lang ha, at sana'y respetuhin nyo ang aking opinyon... Humahawak tayo ng sandata upang protektahan natin ang sarili, hindi para sa kung sino at hindi rin  para kung saan, kundi ay para sa sarili. Sa digmaan ay ang dapat na ang isipin mo ay kung pano ka mabubuhay at makaligtas kay kamatayan sa ganung paraan ay hindi mo kailangan mag alay ng buhay kung hindi naman nararapat at makakatulong kapa sa karamihan sa susunod na araw at sa dadating pang araw ng iyong buhay..." Mahabang saad nito na ikinatahimik ng lahat..  Ramdam ko ang ilang pag protesta ng kanilang puso dahil bilang knight ay dapat lamang na ialay mo ang iyong buhay sa bayan. Ngunit di nila masabi iyon dahil gaya nila ay ramdam ko rin na tama at katwiran ang sinabi nya, ang pagpapahalaga sa buhay.

Sa di maintindihang dahilan ay bigla na naman akong nakaramdam ng paghanga sa kanya. Tunay ngang kakaibang babae.

Mahinang umubo ang maestra para kunin ang atensyon ng lahat..at nakangiti nang nakatingin kay clara. Namamangha.. ngunit agad din namang itong napalitan at naging seryoso at biglang hinugot ang espada at malakas na tinapon sa deriksyong ng binibini.

Di ako halos makagalaw sa bilis nito ngunit nanatili lamang nakatingin ang binibini sa paparating na espada, parang bumagal sa paningin ko ang nangyari habang ang paningin ay nasa binibini, nagawa pa nitong ngumisi at nung malapit na itong makalapit ay tinabingi lang nito ang ulo at halos mapatili kami lahat ng bumulusok ito sa pinaka likod ng dingding na gawa sa semento. Nag-iwan ito ng malaking bitak na gawa ng malakas na pwersa.

Eleganteng hinawi nya ang kanyang puting buhok at ngumiti sa maestra na ngayon ay mahinang napalakpak sa paghanga sa dalaga. Gulat parin kaming lahat at mukhang nakalimutan pa naming huminga sa pagkasinghap at gulat!

Kunot noo kong pinagmasdan ang binibini at napakurap pa akong napatitig dito, ang mailagan ang isang napakabilis at nakakamatay na bagay ay talagang nakaka mangha na, pero ang gawin ito na parang wala lang at elgante tingnan ay hindi na pangkaraniwan.

Isa syang puro..... At

Taglay nya ang katangian ng isang tinatawag na reyna.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now