He followed me to the bathroom where I threw away the water I used. "Why else? So that you could eat. The door will be open the whole time as I feed her,"

'Tang ina, bakit ba ang bait nito?

Nakakawala sa ulirat.

Nilingon ko siya habang palabas, at napansin ko ang nunal niya sa gilid ng bibig. Kaya naman napatingin na rin ako sa labi niyang natural na namumula. Naalala ko ang sinabi niyang hindi niya ako rito hahalikan... Pwes, saan kaya?

Nagising ako sa iniisip ko dahil sa narinig kong pagtawag sa akin ni Cathrina.

"Ate," lumapit ako sa kanya. "Bakit ka tumayo? Bumalik ka sa kwarto at humiga, pakakainin ka ni kuya Chance."

Sumunod siya aking sinabi. Tinignan ko si Chance at tinaasan ng dalawang kilay. Tumalikod na siya at kumuha ng plato't kubyertos.

Naglagay siya ng kanin at ipinakita sa akin. "Bawasan mo, hindi niya mauubos 'yan." Anas ko bago kumuha ng sariling pinggan at kubyertos.

Buong hapon, hindi umalis si Chance at sinamahan lang akong palaging tignan-tignan si Cathrina sa kwarto. Kung hindi siya gumagamit ng telepono, kinakausap niya ako o si Chino at Vivian.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" tanong ko kay Chance nung pumatak ang alas-singko. Tumabi siya sa akin sa sopa. Umuwi na si Vivian, hinatid ni Chino.

"I'm technically supposed to be employed now, I think my mother will be fine if I'm out late."

"Ibig kong sabihin, sa inyo ka pa rin kasi nakatira, hindi ka ba hahanapin dahil do'n?"

"I don't think so, and I told our house helper to tell my mother I'll be out late if she asked."

Nahagilap na naman ng mga mata ko 'yung nunal niya, kaya wala sa sarili akong napatitig sa kanyang labi. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa telebisyon na nagpapalabas ngayon ng lumang pelikula. Pero nung maramdaman ko ang paglapit ni Chance sa akin, hindi ko na maunawaan ang sinasabi nung karakter sa TV. Ang utak ko ay nakasentro lang ngayon sa kamay kong gumalaw dahil sa pagsundot ni Chance sa akin.

"How have things been with your mom and you?" bumaba ang mga mata ko sa lapag. "Hindi ko ma-describe. Passive aggresive siya, so... 'di ko alam, 'di ko talaga alam anong susunod na mangyayari dahil hindi pa rin kami maayos."

Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtango niya. "Mali ba 'yung ginawa ko? Kabastusan 'yon, inaamin ko, pero... mali ba na sinabi ko lahat ng 'yon?" Hinintay ko ang sagot ng nobyo ko, pero walang dumating, kaya napatingin ako sa kanya.

"I won't say it was wrong, maybe the place was... but I think everything fell into the correct state given your mother reacted that way. She was affected by your words, maybe she realized the truth, that you have been tired all along and that she needed to understand your own pain."

Hinayaan kong tumama ang likod ko sa sopa saka tumingala. "Parang ako 'yung masama, e. Sinabi ko lang naman na nasasaktan ako, ah? Sinabi ko lang naman na nahihirapan din ako. Pero parang pinararamdam sa akin ni Mama na sakim ako."

"I don't know what will happen in the future, but I know you won't regret what you did. How you spoke to her that day made me realize how much you had to endure since the beginning. It isn't easy carrying all those burdens while studying and growing."

"Na-inspire kasi ako sa 'yo," pag-amin ko. I turned my head a bit to stare at his close and gentle face while speaking. "Simula nung nakilala kita, naging mas matapang na ako. I began to realize that standing up for myself is something I have to do or I'd just hold onto the pain forever."

Nilapit niya ang mukha niya at tinignan ako na para bang may hinahanap siya. "You keep on making my heart race when you suddenly spit out words of wisdom."

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now