"Wala akong gusto." matigas ang boses ko at madiin ang titig na binibigay ko sa kanya.

"Maria Celestine..." rinig ko ang pagkabigo sa boses ni Sage. Hindi ko na hinintay ang susunod niya pang sasabihin. Tumayo na aga ako at iniwan na lang siya mag-isa kahit na hindi pa ako tapos kumain.

I needed a break. Kahit isang gabi lang na hindi siya pumapasok sa isipan ko ay okay na sa akin. I wanted to get drunk because I know it's the only way I could temporarily forget. I could party with my friends. Wala naman akong pasok bukas kaya hindi masamang idea iyon.

I sent a text to my friends and asked them to go clubbing. Convincing my friends for a night out wasn't difficult. Clubbing were very much their scene. Kahit na may pasok sila kinabukasan ay walang makakapigil sa kanila sa pagpunta.

Pagkauwi ay nagmamadaling dumeretso ako sa kwarto para sumilip sa bintana. Naabutan ko ang paalis na sasakyan ni Sage. Nang tuluyan nang mawala ang sasakyan niya ay tsaka lang ako nakahinga nang maluwag.

Nang dumating ang dinner ay tsaka lang ako nagpaalam kay Mommy at Daddy na lalabas ako kasama sila Joyce. They know my friends because I've introduced them before.

It was quarter to eleven when I arrived at the club. I didn't have a hard time looking for my friends because they were sitting at the same table that we had the last time we went here. Iyong gabi na sinubukan kong kunin ang wallet ni Sage dahil sa isang dare.

Raegan's not on the table but Cess and Joyce are there. Nang makita ako ni Cess ay bumuka ang bibig niya malamang ay sinabi kay Joyce ang pagdating ko dahil lumingon rin si Joyce sa akin. Lumabas ang malalaking ngiti sa mga labi nila nang makalapit ako sa table.

"Finally! Nandito ka na rin!" tumayo si Cess at tipid na napatawa ako. Lumapit ako kay Cess para makipagbeso. Yumuko ako para humalik din sa pisngi ni Joyce.

Uupo pa lang sana ako ay biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako. Nilingon ko kung sino iyon at nakita si Raegan na may hawak na isang shot glass. "Oh,"

Napatawa ako. The shot's probably hers. Paniguradong hindi makatiis na dumating ako bago simulan ang pag-inom. Hindi na ako nagsalita at inabot iyon. Napaangat ang kilay ko nang makita ang laman ng shot glass.

"Absinthe? Really?" nakataas ang kilay nang tinanggap ko ang shot glass mula sa kanya. Masakit sa ilong ang amoy 'non at nakakangiyak sa sobrang tapang. Looks like they weren't lying when they said they're going to make sure that I'll get shit faced tonight.

Walang nagsalita sa tatlo habang tinitingnan ako. Mukhang hinihintay nila na inumin ko ang inabot ni Raegan na shot. Napairap na lang ako. Tumili sila nang pikit matang ininom ko iyon ng straight.

The liquid burned my throat so bad that I wanted to spit it back, but it was already done with. Ang kung anong nangyari na ay hindi na pwedeng baguhin pa. There's no undo button in life.

My eyes were still closed when I shook my head and slammed the shot glass down the table. It tasted... unpleasant. Well, absinthe yan, what do I expect? They probably chose it because it's really potent.

They gave me a around of applause and I just made a face at them before sitting down. Raegan even laughed. Mga baliw talaga sila.

"Okay, so, anong mga poison niyo for tonight?" isa-isa kaming tiningnan ni Raegan habang pinapagalaw ang mga kilay. She was smiling wickedly.

"I'll stick with shots." sabi ni Joyce.

"Boo!" sabi ni Cess sabay tapon ng tissue kay Joyce at umirap si Joyce. She's sticking with shots because she's gonna be be the one taking care of us tonight.

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon