EPILOGUE

145 11 124
                                    




"KAI, SIGE pili ka na. Anong gusto mong kainin? Treat ko," alok ni Golda sa bunsong kapatid na si Turqa. Kalalabas lang nilang tatlong magkakapatid sa sinehan. Si Pearla naman ang nanlibre ng tiket sa sinehan.

"Hmm I want pizza and pearl coolers," walang pag-alangang tugon nito.

"Oo ba. Sige, no problem," masiglang wika niya.

Pagdating sa isang pizza restaurant ay kaagad na umorder.

"Ma'am, fifteen minutes pa po bago ma-serve. Okay lang ba sa inyo?" magalang na pagpapaalam ng waiter, matapos kinuha ang kanilang order.

"It's okay." Malawak ang kanyang ngiti. Nang malingon ang kanyang ate ay di-mapinta ang mukha nito, habang hawak ang cellphone. "Ate Lai, ano bang problema mo?"

Nag-abot ang makurbang kilay nito. "Si Philip kasi, mamaya pa raw makapunta rito," walang ganang wika nito.

Siniko naman agad ito ni Turqa. "Ay ses! Pabayaan mo na iyong boypren mong maangas."

"Huwag ka ngang makialam!" Nakabusangot pa rin ito.

"Ate Lai, tayo naman magkakasama ngayon dito. Mamaya na nga iyang date ninyo ni Kuya Philip," suhestiyon niya rito.

Napangiwi lang ito. "Titingin lang muna ako diyan sa department store. Ang layo pa ng fifteen minutes, eh," pag-iiba nito ng usapan, saka itinuro ang katapat lang na department store. "Titingin lang ako sa mga new arrivals nilang bags and sandals."

"Ako rin, titingin lang muna ako sa mga rubber shoes. Naka-smile na iyong pang-volleyball ko," segunda naman ni Turqa.

Magkasalungat ang gusto ng dalawang kapatid niya. Kung gaanong kakikay ng ate niya, ay ganoong ka-boyish ng bunso nila. "Oh, sige. Ako na lang muna ang maghihintay ng order natin."

"Te Lai, ibili mo naman ako ng shoes," ungot ni Turqa kay Pearla.

"Naku! Kay Dadai ka na humingi, Kai. Bibili pa ako ng dress at sandals para sa anniversary date namin next week ni Philip," tanggi ng ate niya.

"Okay, okay. Pumili ka na roon Ako nang bahala," maagap niyang tugon na labis namang ikinatuwa ng bunso nila.

Mahinang napailing at napangiti na lang siya dahil sa magkapatid na tila aso't pusa. Habang naghihintay ng kanilang order ay binuksan ang cellphone. Para di mabagot ay naglalaro muna siya ng Snake sa Nokia cellphone niya.

"Babe, kargahin mo muna si Lance, nangangalay na braso ko eh. Iihi lang din muna ako," naulinigan niyang tinig ng isang babae. Dinig din niya ang umaalingawngaw na pagwawala ng bata.

"Alam mo namang hindi nga lumalapit sa 'kin iyan. Isama mo na sa CR," tinig ng isang lalaki.

"Shit namang buhay na 'to oh. Paano ako makakaihi kung karga-karga ko?" May kalakasan na ang boses ng babae.

"Diskarte mo na 'yan. Sabi ko naman kasing ayokong sumama." Naging malakas na rin ang tinig ng lalaki.

Pamilyar sa kanya ang mga boses. Nilingon niya ito ngunit mabilis ding lumingon pabalik. Hindi siya maaaring nagkamali. Si Hemler at ang bagong pamilya niya ang nasa gilid niya. Napatikom siya ng bibig at biglang nakaramdam ng pagkaasiwa. Patuloy lang siya sa pagtingin sa kanyang cellphone at nagpatay-malisya.

Mayamaya pa ay may dumating na waiter. "Ma'am, thank you for waiting! Here's your order," masuyong sambit nito.

"You're welcome!" Ngumiti siya pabalik din dito.

EMPTY TANK [Published under 8letters]Where stories live. Discover now