Chapter 14

17.2K 531 160
                                    

Warning: SPG

CLARISSE'S POV

"Pinsan ba ng boyfriend mo 'yan? Baka pwede mo naman akong ireto sa kanya, Clarisse. Type ko pa naman 'yung mukhang maangas na maraming tattoo sa katawan at napaka-hot pa!" kinikilig na sabi ni Jilian habang sinusuri niya si Kuya Duke na nakaupo sa sofa nila habang umiinom ito ng tubig.

Si Jilian ay isa sa mga regular customer ko. Kaedad ko lang ito at isa rin siyang online seller ng mga bags at sapatos katulad ko. Sa akin siya kumukuha ng mga paninda niya at syempre ay may discount na siya sa akin bilang regular customer ko siya.

"Tumigil ka nga dyan, Jilian! Hindi ba't may boyfriend ka na? Maging loyal ka nga do'n," sabi ko at umiling ako.

"Hay nako, Clarisse! Aba't mahal ko naman ang boyfriend ko pero kung may ganyang lalake akong makikilala ay walang pag-aalinlangan kong ibubuka ang mga hita ko para sa kanya. Ika nga ay grab the opportunity before it's too late," sagot ni Jilian kaya nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sandaling sinulyapan si Kuya Duke.

Mabuti nalang at abala ito sa pag-inom ng tubig habang nanonood ng tv sa sala nila Jilian.

"Ikaw talaga! Dadagdag ka pa sa cheater club ngayong taon? Ano ka? Sina Skusta Clee at Adam Levine?" sarkastiko kong sabi.

Humalakhak naman si Jilian at pabirong hinampas ang braso ko. "Ito namang si Clarisse, hindi ka din mabiro, ano?"

Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa naming pagkukwenta ng mga presyo sa kinuhang bags at sapatos niya. Binigay na din ni Jilian ang bayad ng mga kinuha niya. Nang matapos na kami ay lumapit na kami kay Kuya Duke.

"Kuya Duke, tapos na akong magbenta. Alis na tayo?" saad ko.

"Sure," sabi ni Kuya Duke at tumayo na siya.

"Jilian, maraming salamat sa mga kinuha mong bags at sapatos sa akin. Kahit gabi na ay pinaunlakan mo pa rin ako." sabi ko kay Jilian.

"Wala 'yon, Clarisse. At ayos lang dahil na-meet ko naman ang gwapong pinsan ng boyfriend mo. Close pala talaga kayo, no? Mabuti at ayos lang kay Ravi na kasama mo ang pinsan niya?" nakangiting tanong ni Jilian.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Hindi alam ni Ravi na kasama ko ngayong gabi si Kuya Duke at pasimple lang akong umalis ng bahay namin dahil ayokong magstay muna doon dahil may pagtatampo ako kay Mama na pumayag siyang magpaligaw kay Tito Kai.

Ayoko ring abalahin si Ravi sa ginagawa niyang trabaho pero hindi ba't naabala ko din naman si Kuya Duke sa trabaho niya? Pero mas palagay talaga ang loob ko kung si Kuya Duke ang kasama at karamay ko ngayon.

"Of course, it's fine with Ravi that I'm accompanying his girlfriend while he's at work." sagot ni Kuya Duke at nginitian niya si Jilian.

"Understanding at concern boyfriend naman pala si Ravi kung gano'n. Ang gwapo niyo na ngang magpinsan at ang babait niyo pa!" sabi ni Jilian at kinindatan pa ako.

Natawa nalang doon si Kuya Duke at inakbayan niya ako. Pagkatapos naming magpaalam kay Jilian ay umalis na rin kami sa bahay nila.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at alas diyes na ng gabi.

"Where do you want to go?" tanong ni Kuya Duke nang makasakay na kami sa loob ng kotse niya.

Ang bango at ang linis ng loob ng kotse niya. Halatang masinop siya sa kanyang mga gamit. Kahit ang suot niyang long sleeve polo shirt na kulay puti at slacks ay malinis din at wala man lang gusot.

"Kahit saan po. Ayoko po munang umuwi sa bahay namin," mahina kong sabi at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya Duke at inumpisahan na niyang paandarin ang kotse niya.

You're Mine, PrincessWhere stories live. Discover now