Chapter 5

28.2K 763 117
                                    

CLARISSE'S POV

Pinababa ako ngayon ni Mama sa loob ng kwarto ko dahil nasa sala raw si Tito Kai kasama sina Morris at Michelle. Sabado ngayon at wala akong pasok kaya medyo nakatulog ako ng mahaba-haba at tinanghali na ng gising.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago bumaba sa sala. Pagkarating ko doon ay napaawang ang bibig ko nang makita na maraming iba't-ibang klase ng mga pagkain ang nakalagay sa lamesa namin na mukhang galing pa yata sa restaurant. May dalawang boxes rin ng cake na galing naman sa red ribbon.

Nang makita ko sila Tito Kai, Morris at Michelle ay nginitian ko sila.

"Good morning po sa inyo, Tito Kai." nakangiting bati ko kay Tito Kai saka siya nilapitan at bineso.

Ngumiti naman ito sa akin. Sa pagkakaalam ko ay 34 years old palang si Tito Kai at 16 years old lang siya nang mabuntis niya ang mama nina Morrison at Michelle kaya hindi pa ito matanda kung tutuusin.

Para nga lang itong nakatatandang kapatid ni Morrison kung titignan at napakagwapo pa rin nito hanggang mgayon. Mas bata siya ng tatlong taon kay mama.

"Good morning din, Clarisse. Nagdala pala kami ng pagkain para sa inyo. Payday ko kasi ngayon at naisipan namin nina Morris at Michelle na dalawin kayo ngayon para naman hindi kayo malungkot dito sa bahay niyo." sabi naman ni Tito Kai at lumingon ito kina Morris at Michelle na nakangiti rin sa akin.

"Nako, salamat po at nag-abala pa po kayo sa amin." pasasalamat ko naman.

"Wala 'yon, hija. Parang pamilya na rin naman tayo." sabi ni Tito Kai.

Pinaupo naman siya ni Mama sa sofa namin kasama nina Morris at Michelle. Pinagsaluhan na naming kainin ang mga pagkaing dinala nila. Ginising ko na rin si Janjan mula sa pagkakatulog niya para makakain na rin siya.

"Nasaan na nga pala si Arman, Clara?" Tanong ni Tito Kai kay Mama.

"Ayon at nag-OT sa trabaho niya sa Alabang. Baka mamayang gabi pa raw siyang makakauwi." sagot naman ni Mama habang sinusubuan si Janjan ng hawak niyang pizza.

"Ang sipag talagang magtrabaho niyang anak mo, ano? May girlfriend na ba 'yon? Sayang naman ang magandang lahi niyo ni Pareng Armando kung hindi niya iyon mapapakinabangan." tumatawa namang sabi ni Tito Kai na ikinailing nalang ni Mama.

"Hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang naging girlfriend ng batang 'yon. Every week yata ay papalit-palit siya ng babae." Tila namomroblemang sabi ni Mama na ikinatawa ulit ni Tito Kai.

"Hayaan mo na, Clara. Bata pa naman si Arman at magsasawa rin 'yon kapag nahanap na niya ang babaeng katapat niya." sabi ni Tito Kai. Nagkibit-balikat nalang doon si Mama.

"Kumusta ka naman, Morris? May girlfriend ka na ba, hijo?" tanong bigla ni Mama kay Morris na muntik pang masamid habang umiinom ito ng coke sa baso niya.

"W-wala pa po, Tita." nahihiya namang sagot ni Morris.

"Bakit wala pa? Imposible namang walang nagkakagusto sa'yo, hijo dahil gwapo ka naman at matangkad pa." sabi ni Mama.

"Ewan ko ba dyan, Tita Clara. Ang dami namang babaeng nagkakagusto sa kanya kabilang na doon si Erika pero hindi ko alam kung bakit ayaw pa niyang magkagirlfriend. Baka boyfriend yata ang gusto." sabi naman ni Michelle at nginisian nito ang kakambal niya na sinamaan lang siya ng tingin.

Natawa naman kami doon. Mahilig talagang mang-asar si Michelle pagdating kay Morris pero mahal na mahal naman nito ang kapatid niya.

"Huwag mo nga akong itulad sa'yo na kung sinu-sino nalang ang nakakarelasyon!" inis namang sagot ni Morris na ikinatawa nalang ni Michelle.

You're Mine, PrincessWhere stories live. Discover now