Place Where I Remember Your Face

15 2 0
                                    


Bianca's POV


"Hindi ka pa ba kakain? Tara na marami na namang tao niyan sa cafeteria." Wika ni Nicole na ka blockmate ko sa aacounting.

"Sige mauna kana kailangan ko muna matapos ito ngayon dahil may trabaho pa ako mamaya." Sagot ko sa kanya.

Nagligpit naman siya nang mga gamit niya at saka umalis at iniwan ako rito sa library. Bilang isang working student minsan ay hindi na ako nakaka-kain sa tamang oras. Yung oras ng school break ko ay madalas roon ko na ginagawa ang mga school activities ko.

Para kahit papaano ay hindi na sasayang ang oras ko at ayaw ko namang bumagsak 3rd Year College na rin ako as Accountancy student mahirap na bumagsak at onting taon nalang ang igugol ko at makakapag tapos na ako. At sana kung papalarin ay makapa agad sa CPALE.

Itinuloy ko ang lamang ang pag-aaral ko sa at  nang makaramdam na nang gutom ay umalis na rin ako sa library para kumain sa may study area rito pwedeng kumain since I have my own meal naman dito ko na pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Bihira lang akong bumili ng pagkain sa cafeteria namin dahil sa mahal ng mga paninda roon at mahaba rin ang pila sa bawat stall. Kaya nagbabaon nalang ako nang sarili kong kanin at ulam.

"Bianca!"

Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. And it was Kenneth kumaway siya sa akin itinuro niya ang bakanteng upuan sa harap niya.

Ngumiti ako at saka ako lumapit sa kanya. Inilapag ko na rin ang mga dala kong libro sa mesa.  Bago ko siya binati. 

"Ang sipag naman ng accountant na 'yan." Wika niya.

"Syempre kailangan pumasa agad ." 

"May pagkain kana ba? Ako na bibili anong gusto mo?"Tanong niya sa akin.

"Ay meron na nag baon na ako ng sarili kong pagkain." 

Tumango-tango siya "Sige ibibili nalang kita nang panulak, bibili na rin ako nang pagkain ko." Paalam niya bago siya umalis at pumila sa isa sa mga stall sa canteen kalapit lang naman ng study area ang canteen namin.

Inilabas ko na ang baon ko pero hindi muna ako nagsimulang kumain, aantayin ko muna si Kenneth na makabalik dito at sabay na kaming kakain.

Habang hinihintay siya ay binuklat ko muna ang isa sa mga libro ko at nagbasa-basa muna. Kenneth was my friend since Junior High ako at noong nag Senior High kami kahit na mag kaiba kami ng school na pinapasukan noon. Lagi niya akong tinutulungan sa mga homework ko.

Especially sa Accounting subject naging madali sa akin ang accounting nang dahil sa tulong niya. Kaya simula noon BS Accountancy na ang kinuha kong program tulad ng kanya. 

Nang makabalik siya dala ang pakain niya at ang inumin ko ay isinara ko ang libro ko at nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta ano may hindi ka ba naiitidihan or may nahihirapan ka bang intindihan sa mga subject mo?" Tanong niya.

Umiling ako so far lahat naman nauunawan ko "Okay naman may mga ibang lesson pero all goods naman nage-gets ko rin naman agad. Don't worry ." 

Ngumiti siya dahil doon ay lumabas ang malalim niyang dimple sa right side. So pogi naman nito dyos ko po.

"Mukang mas nagagalingan mo na ako ah, sige pre bounce na ako wala na akong papel sa buhay ni Bianca ang galing na niya sa accounting eh." Pabiro niyang wika.

Hinampas ko siya sa balikat "Sira ka ba! pinag sasabi mo riyan ang sabi ko so far, at anong tingin mo sa sarili mo tutor?"

"Parang, biruin mo thru ups and down mo sa mga accounting subject mo lagi akong nasa tabi mo, tsk! tsk! Bianca Jeminez. Simula senior high tayo. hindi nagbago 'yon"

Place Where I Remember Your FaceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang