Chapter XVII

70 18 7
                                    

Lumipas ang halos isang buwan at kitang-kita na sa mga kilos ni Thiago ang malaking pagbabago sa kanya. Hindi na siya nag-iisa tuwing kumakain sa cafeteria. Kung noon ay dalawa na nga lang sila ni Paisley at hindi pa niya ito pinapansin, ngayon ay kasama na rin niya ang Wasalak sa pananghalian at kung minsan ay maging sa hapunan. At napapansin na ang saya sa mga mata ni Thiago kahit na hindi pa rin ito masyadong umiimik.

Mas naging aktibo rin siya sa mga klase. Nakikipag-usap na rin siya sa iba na kumakausap sa kanya at nauutusan na siya ng maayos ng mga professors. Hindi nga lang siya ang unang nakikipag-usap, pero ayos na rin iyon kaysa noon na lahat ay ini-snob niya. Kaya naman halos lahat ng nakapaligid sa kanya ay tila natutuwa sa kanyang ipinakikita. Para bang ang snob na personalidad nito ay unti-unti ng nawawala.

Araw ng Biyernes, muling sabay na pumasok si Paisley at Thiago sa kanilang classroom matapos ang agahan. Dumeretso si Thiago sa kanyang upuan. Binati siya ng ilan sa mga kaklase, at sinagot naman niya ang mga iyon ng pagtango ng ulo. Samantalang si Paisley naman ay naharang ng dalawang babae sa pintuan.

"Hoy Paisley. Are you dating Thiago?" tanong ng isa sa mga babaeng kaklase nila na kung tawagin ay si Martez. Ito rin ang napagtanungan ni Thiago noong nagtanggkang mag-shift muli ng course si Paisley. Nakangiti ito at tila sabik na sabik sa magiging sagot ng dalaga..

"Oo nga. Bakit hindi mo man lang sinasabi?" segunda naman ni Eri na isa rin sa mga ka-close ni Paisley sa klase.

"Ha?" tanging naisagot ni Paisley sa dalawa sabay nagtatakang tingin sa mga ito.

"Naku! Huwag kang mag-alala. Wala namang magagalit kung kayo na Thiago. Ang totoo, masaya kami kasi kahit papaano nabawasan na ang pagkasuplado niya," sabi ni Martez sabay tawa ng mahina.

"True! Agree! Pero paano mo napaamo ang isang 'yon? Grabe kahit pinakamagagandang mga babae hindi malapitan 'yan," komento naman ni Eri sabay sulyap ng sandali kay Thiago para siguraduhing hindi sila naririnig nito.

"Wait, wait, wait," awat ni Paisley sa dalawa. "Wala namang gano'n. At saka baka may makarinig sa inyo, maniwala," dugtong niya sabay sulyap kay Thiago na abala na sa pagbabasa ng libro. At hindi niya maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng binata.

"Kita mo na, tinignan mo lang siya. Para ka ng maiihi sa kilig," nakangiting sabi ni Eri sabay kurot ng mahina sa braso ni Paisley.

"Grabe ka naman! Sinong kinilig?!" tugon naman ni Paisley sabay palo sa balikat ng kaklase. "Walang kami. Isa pa, sabi nga ninyo, kahit pinakamagagandang babae dito hindi niya pinapatulan 'di ba? So. malabo talaga 'yang sinasabi ninyo."

"Naku, so showbiz? You're just friends," pang-aasa ni Martez.

"Oo!" Nakangiting sagot ni Paisley at marahan niyang hinawi ang dalawa at dumaan siya sa gitna ng mga ito.

"Then, eat lunch with us later," biglang sabi ni Elaine. "O baka naman may other plans ka with your Thiago?" Muling tumawa ang dalawa.

"Guys, stop it!" pabulong na sabi ni Paisley na may panglalaki ng mga mata. "Next time, promise sasabay ako sa inyo. Okay? I have other plans today," tugon ni Paisley at pagkatapos ay tumungo na siya sa kanyang upuan. Naiwan naman sila Elaine at Martez na nagbubulungan habang patuloy na tumatawa ng tahimik at inaalaska si Paisley.

"You should go with them," biglang sabi ni Thiago nang makarating si Paisley sa upuan nito. Nagulat naman ang dalaga at hindi kaagad nakasagot. Hindi niya akalaing naririnig pala ni Thiago ang usapan nilang magkakaibigan.

"Uhm, no. I'll go with you later," medyo nauutal pang sagot ni Paisley sabay iwas ng tingin sa binata.

"You should live your life, Paisley. Don't stick with me. Wala kang mapapala."

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon