17

707 31 3
                                    


"--Most importantly, I would like to convey my gratitude to Ms. Tala for adding a new dimension to our memory landscape and inspiring us in our search for the signs of strength, beauty, and wisdom in our world. I hope you will enjoy the exhibition, the music and our long lasting companionship! Thank you!"



Nakangiti akong pumalakpak matapos ang opening speech ni Manager 2 to formally announce the first day of Tala's art exhibition. Nasa south room kami ng Polaris Hall kung saan nagaganap ang formal gathering, sa north room naman kasalukuyang nakadisplay ang mga paintings for the exhibition. Sa pagkakaalam ko doon naka-assign ang grupo nina Mac.



"Manager 2 keeps staring at me, akala niya ata mawawala ako dito sa sulok."


"She wants you to accompany them, Miss Valencia. Karamihan ng mga taong naririto at darating pa ay mga investors, business partners, potential clients and board members ng Pollux, Vega Tech, Schedar, Alnair, Atria, T.A.L.A. at Gacrux." napangiwi ako sa sinabi nito. "They also want to meet Ms Tala."


"It's impossible to meet her." I stated "Well, kaya na nina Manager yan, you can leave me too Sec, I know kailangan ka nila dun." turan ko naman dito. "Magpapalit lang ako at tutulong kina Mac sa pag seserve ng drinks." akmang maglalakad na ako patungo sa kinaroroonan ng mga kasamahan ko sa Coffee with Art nang may humarang sa harapan ko. I gulped. "H-Hi Managers!" Kanina nasa stage lang sila ah?


"Where do you think you're going, Averill Iris Valencia?" madiing tanong ni Manager 2, habang tumatango sa mga bumabati sa kanya. "I told you to stay here."


"Manager 2 naman, nakakatamad kayang tumayo lang dito. I want to do something."


"Then come with us and greet these people."



Lalo akong napanguso dahil sa sinabi nito. Kung may choice nga lang ako hindi na ako aattend dito. Pero mapilit silang dalawa, ginawa ba namang masquerade ang theme ngayon. Bale silang tatlo lang nina Sec Giada ang naka face reveal.



"Let her be, babe. Alam mo namang hindi siya sanay sa crowd." saway ni Manager kay Manager 2. Shene ell babe. "But stay here with Gi, Ave, hindi ka naman nila makikilala. Observe these people and decide who will be invited to the auction."


"Manager naman, binigyan mo pa ako ng Assignment! Gusto ko na nga lang mag serve ng drinks sa kabila. Hindi ba magtataka sina Mac kung wala ako doon?"


"I told them that you're dealing with our stocks." tugon nito na ikinabagsak ng balikat ko. "Hindi ka na rin nila maaalala because they're a huge fan of Tala's work."



Tama naman nga si Manager, kanina kasi ay nakita ko ang grupo na busy sa pagkuha ng pictures ng paintings. Hindi rin sila nagsasawang mag-groupie at selfie. Pinagpalit lang naman ako sa paintings!



"Gusto mo lang puntahan ang girlfriend mo, right?" masungit na saad ni Manager 2. "Who is she? Kailan mo ipapakilala sa amin?"

TOUCH THE SKYWhere stories live. Discover now