9

721 35 1
                                    


"Ma! Bakit hindi mo po ginalingan, natalo tuloy tayo." nakanguso kong maktol kay Mama, pero ginulo lang nito ang buhok ko at tumawa. "Ma naman e!"



Family day namin ngayon, kaya bawat estudyante ay kasama ang kanya-kanyang pamilya. Lahat nag-eenjoy sa mga palaro at pagkaing inihanda para sa araw na ito.



"Iris, nag-enjoy ka naman sa paglalaro di ba?" nakasimangot pa rin akong tumango. "So, hindi tayo natalo. Panalo pa rin tayo kasi pareho naman tayong nag-enjoy." nakangiting saad ni Mama. "Kaya smile ka na, okay. You want ice cream?"



Napakagat ako ng labi at masigla nang tumango.



"Great! Wait for me here, bibili ako doon." itinuro nito ang isang booth na malapit sa classroom namin. "Don't talk to strangers, okay Iris?"


"Yes Ma!" malawak ang ngiting tugon ko. "Bilisan mo lang Ma ha? Maglalaro ulit tayo. Tatalunin na natin sina Amie."



Muli lang tumawa si Mama at hinalikan ang noo ko saka naglakad paalis. Sinundan ko lang naman siya ng tingin habang nakaupo sa bench at iniwawagayway ang hawak na flag.


Makailang-segundo ay may lumapit na dalawang lalaki, ngumiti ang mga ito at kaagad tinakpan ang ilong ko ng isang panyo. Naramdaman ko pa ang pagbuhat ng isa sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.



"Argh!" ungol ko ng tila makainom ako ng tubig.


"Mabuti't gising ka na."



Makailang-ulit pa akong kumurap upang mas maging malinaw ang paningin, nanginginig kong nilingon ang taong nasa harap ko. Nakangisi ito't nakakrus ang mga braso sa dibdib. Ang lalaking may hawak ng timbang pinaglagyan ng malamig na tubig na ibinuhos sa akin ay agarang nag-iwas ng tingin.



"B-bakit po?" I asked her. "B-bakit niyo po ito g-ginagawa?"


"Ang lakas ng loob mong tanungin ako ng ganyan!" bulalas nito at lumuhod sa harapan ko. "Knife." inilahad nito ang kamay sa lalaking katabi, naguguluhan namang tumingin ito sa babae. "Bingi ka ba? Bigyan mo ako ng kutsilyo!"


"P-pero Mam.."


"Bibigyan mo ako o pasasabugin ko ang bungo mo!" banta ng babae sabay tutok dito ng baril na kanina'y nasa tagiliran. "Napakasimpleng instruction, hindi mo maintindihan."



Wala namang nagawa ang lalaki kung hindi ibigay ang kutsilyong nakatago sa likod nito.

TOUCH THE SKYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora