CHAPTER 31

3.9K 117 11
                                    

SLOANE

Mula sa aking kinatatayuan ay tahimik kong pinagmamasdan ang kabuoan ng Mansion. Ang tahanan na halos labing-limang taon ko ring pinaglagian

Nakakalungkot lang dahil ito na ang huling masisilayan ko ito, dahil nakapagpasya na ako. Mamalagi na lamang ako sa Maynila gaya ng kagustuhan ni Don

Alam kong marami akong maiiwan dito. Yung hospital kung saan ako nagtatrabaho, ang mga kasamahan ko, at lalong lalo na ang mga pasyente ko na napamahal na sa akin

Hindi ko man lang nagawang makapagpaalam sa kanila, gayong hindi ko na sila ulit makikita pa dahil hindi na ako babalik pa rito

“Halika na Hija, para maaga rin tayong makarating sa Maynila” Rinig kong ani Manang Lumeng

Hinarap ko siya at tumango na lamang sa kaniya. Nagsimula na akong maglakad palapit sa sasakyan naming Van.

Bago pa man ako sumakay ay nilingon ko sa huling pagkakataon ang Mansion, umaasang lalabas si Don para pigilan ang pag-alis ko. Ngunit sino bang niloko ko, kapag nakapagpasya na siya, hindi na iyon mababago pa

Inalalayan ako ng dalawang body guards na makasakay sa loob ng Van. Kung tutuusin ay pinasama sa amin lahat ni Don ng Body guards, kaya limang Van kaming lahat. Kasama rin namin si Ate Lydia. Naiwan si Manang Celia at ang iba pa

Dahil ayokong makita ang daan paalis ng Mansion, mas pinili ko na lamang ang matulog sa byahe

“Hija gising na, narito na tayo!”

Nagising ako ng makaramdam ako ng mahihinang tapik sa aking pisngi. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa aking paningin ang Mukha ni Manang Lumeng

“Narito na ho ba tayo?” Mahina kong tanong na tinanguan lamang nito

“Baba na tayo, Hija”

“Sige po”

Nauna na itong bumaba sa akin. Nakaabang naman ang dalawang body guards para alalayan kami sa pagbaba

Ng makababa ako ay mabilis kong ibinaling ang aking atensiyon sa mataas na bahay na nasa aking harapan

Nakaramdam ako ng kaunting pagkamangha dahil sa laki at ganda nitong bahay. Kumpara sa Mansion na makaluma ang desenyo. Ang bahay na ito ay modernong-moderno

Malungkot akong napangiti.

Kahit anong ganda ng bahay na ito, mas gusto ko pa rin ang Mansion sa Batangas na kinalakihan ko

Ngunit wala na akong magagawa dahil ito na ang magiging bagong tirahan namin ngayon

“Bago lamang ang bahay na ito, Hija. Sa pagkakaalam ko ay ipinagawa ito ni Don apat na taon na ang nakalipas para maging tirahan ninyo pagkatapos niyong maikasal” Rinig kong sabi ni Manang Lumeng na nasa aking tabi. Nilingon ko naman siya at kinunotan ng aking noo “Po?”

“Huwag mo ng isipin ang sinabi ko. Halika na sa loob para makapagpahinga ka na”

Hinawakan nito ang aking braso at maingat na inakay papasok sa loob ng Modernong Mansion

Kulang na lamang ay ngumanga ang aking bibig dahil sa pagkamangha ng tuluyan kaming makapasok sa loob

Isang malaking Chandelier na gawa sa Crystal ang kaagad nakakuha ng aking atensiyon. Kumikinang ang bawat palamuti na nakapalibot dito. Nakasabit iyon sa Ceiling ng Living room. Bukod doon ay agaw atensiyon din ang napakataas na hagdan na Modernong moderno ang desenyo. Kahit malayo ay nasisiguro kong gawa iyon sa Marmol, gawa naman sa makapal na salamin ang hawakan

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Where stories live. Discover now