CHAPTER 30

4K 123 10
                                    

*Sigh*

Makailang ulit na akong bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit ako sobrang kinakabahan ngayon

Narito ako ngayon sa silid namin ni Don. Siya naman ay nasa banyo at naliligo. Halos kalahating oras na siyang naroon. Sinabi niya na mag-uusap kaming dalawa ngayon. Kumpara noong nakaraan, ay mas Kalmado na ang tinig niya kanina

I hope we can go back to the way we were before after this talk, dahil sobrang miss ko na siya

Sana ay makinig siya sa akin, at sana rin ay maniwala siya na hindi ako ang nasa video na iyon

Dalawang oras na makalipas ng umalis si Hadrian. Ayaw niya ngang umalis kaya lang wala na siyang nagawa ng ipakaladkad siya palabas ng Mansion ni Don sa mga body guards nito

Nabaling ang aking tingin sa pintuan ng Banyo ng bumukas iyon. Lumabas siya na tanging tuwalya lamang ang suot. Iniiwas ko ang aking tingin at inilipat na lang sa veranda kung saan tanaw ko ang hardin sa labas

Bigla akong napahawak sa aking ulo ng makaramdam ako ng kaunting pagkirot dito.

I enhaled and exhaled para marelax ang pakiramdam ko. Kalaunan ay nawala din namam ang kirot na siyang ikinaginhawa ko

“Fix your things later. I will send you and Manang sa Manila bukas. Doon na muna kayo sa ngayon”

Napalingon ako kay Don dahil sa sinabi niya

Nakatalikod siya sa akin habang nagsusuot ng kaniyang polo

Ipapadala sa Manila?

Ibig niya bang sabihin, ayaw niya na akong makasama dito sa Mansion kaya ipapadala niya na ako sa Manila

“G-galit ka pa rin ba sa akin dahil doon sa V-video?” Diretso kong tanong sa kaniya. He heaved a sigh

“Don't mention that again” Malamig nitong sagot

Maski ang tapunan ako ng tingin ay hindi niya magawa

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng aking luha

“W-wala kang t-tiwala sa a-akin, t-tama?” Mapait akong napangiti

I heard him sighed again

“It's not about the trust. Just do what I say, Sloane” Matigas nitong sagot na siyang ikinayuko ko

It answers my question clear, wala siyang tiwala sa akin. He never trusted me the way I trusted him

“Hindi ako ang nasa video” Madiin kong sambit

Pinilit kong palakasin ang loob ko

Hindi na dapat ako umiyak. If he don't trust me, it's not my fault then

“Ganiyan ba kababaw ang pagkakakilala mo sa akin para maniwala ka agad” I sarcastically said. Humarap siya sa akin. I could see mixed emotions in his eyes

I looked straight into his eyes and smiled bitterly

“Simula ng mapunta ako sa puder mo, wala na akong naging desisyon para sa sarili ko. Lahat ng gagawin ko ay dapat nakadepende sa'yo o sa sasabihin mo. But I never complained. You never heard me complain... because I-I love you. Sinunod ko lahat ng gusto mo dahil ayokong magalit ka sa akin. Ayokong mawala ang tiwala mo sa akin. Ayokong pag-isipan mo ako ng kung ano. I've been loyal to you since the day I realized that I love you. I never go anywhere outside this Mansion without your knowing kahit nasa malayo ka. Lahat ng kilos at galaw ko ipinapaalam sa iyo nila Manang. Are those not enough para madali kang mapaniwala ng isang kasinungalingan? Kulang pa ba ang mga iyon ha, Don?” I tried to be strong just to say those words to him straightly

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Where stories live. Discover now