CHAPTER 29

3.6K 110 10
                                    

THIRD PERSON

"Tama na 'yan. Kanina ka pa umiinom tsk!" Inagaw ni Isaias ang pang-limang bote ng alak ng tinutungga ni Vius

Tinignan siya nito ng malamig "Huwag mo'kong pakialaman" Malamig na asik nito saka hinablot sa kamay ng kaibigan ang bote ng beer at muling tinungga

Napahilamos na lamang sa kaniyang Mukha si Isaias saka umupo sa tabi nito. Pinagmasdan ang kaibigan na walang tigil sa pag-inom ng alak

"Alalahanin mo Vius, you are no longer a teenager to drink everytime you have a problem. I've told you many times this, hindi madadaan sa pag-inom ang problema" Pangaral nito sa kaibigan

"Why don't you ask her first. Wait for her explanation" Suhestiyon nito

Alam na kasi nito kung ano ang nangyari. Dahil sa kanilang magkakaibigan, sa kaniya laging nagku-kwento si Vius. Siya ang lagi nitong takbuhan. Parang magkapatid na kasi ang turingan nilang dalawa, dahil simula pagkabata ay sila na ang sanggang-dikit sa lahat ng bagay bago pa man nila nakilala ang tatlo pa nilang mga kaibigan na sina Cassian, Quillen at Paxton

"For what? To hear her lies? Tsk, it's all clear Isaias. I saw it with my both eyes, I heard it with my both ears. She betrayed me. That's it" Matigas nitong tugon

"You are a Governor, a prominent leader of your constituency, and besides, you are also a Lawyer. Abogado ka Vius, You should know the difference between a lie and the truth. Paano kung hindi pala si Sloane ang babaeng 'yon. Paano kung may naninira lang sa inyo. You should investigate first. Know the truth before you complain that you have been betrayed. Eyes are easy to deceive by lies, as so as ears also. You should always remember that" Mahabang lintya nito

Saglit namang natigilan sa tangkang muling pagtungga sa bote ng alak si Vius. Binitawan nito ang boteng hawak. Bumagsak iyon sa lapag at gumawa ng malakas na ingay. Nilingon niya ang kaibigan at tinignan ito ng seryoso

"Try to put your foot on my shoe. Then I will be the one to tell you those" Malamig nitong saad. Medyo may tama na rin ito dahil nakaka-ilang bote na siya. Mabuti na lamang at mataas ang tolerance nito sa alak kaya hindi ito madaling malasing kahit na nakakarami na ito ng nainom

"Do you think, it wasn't hard for me to convince myself that it wasn't her on that f-ucking video. Kahit na malinaw na siya 'yon. Kung hindi siya iyon. How come she f-ucking knew everything. The death of her father na kami lang ang nakakaalam. How f-ucking come huh, Sai! Tell me!" Madiin at galit nitong Bulyaw kasabay ng paghawak nito sa kwelyo ng polo na suot ng kaniyang kaibigan

Pagak na ngumiti sa kaniya si Isaias

"Sa lahat ng tao, ikaw ang dapat na mas nakakakilala kay Sloane. Because you are the one who raised her. Sa tingin mo ba, magagawa niya 'yon sa'yo. Hindi ba't halos ipakulong mo na siya kina Manang Lumeng noon. How come that video convince you so easily" Kalmado niyang saad. Lumuwag naman ang pagkakahawak ni Vius sa kaniyang kwelyo

"I don't know Sloane that much, but the time I saw her, the time I laid my eyes on her, I can say that she's NOT the kind of girl who will do such things, gaya ng ibinibintang mo sa kaniya. She's innocent Vius. Too innocent for what you accuse her of" Matigas nitong saad saka marahas na inalis ang mga kamay ng kaibigan sa kaniyang kwelyo

Tumayo siya at tinalikuran ang kaibigan saka nagsimulang maglakad. Hindi pa ito nakakalayo ng bigla itong huminto "Huwag kang maging bulag dahil lamang sa isang kasinungalingan, Vius. Baka matulad ka sa akin. I choosed to be blind before and now, I'm regretting it to death" Huling saad nito bago tuluyang naglakad paalis

Naiwan namang nakaupo habang nakakuyom ang mga kamao ni Vius. Halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman at kung anu-ano ang pumapasok sa kaniyang isip

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Where stories live. Discover now